"Hi baby,"
"Jusmiyo mahabagin!" napahawak ako sa dibdib 'ko dahil pakiramdam 'ko maaatake ako ng hindi oras.
Pitongpot puting pating naman kasi! Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad tapos bigla-bigla na lang may susulpot sa harap 'ko.
"Ano ba! Nagulat ako sayo!"
"Oh kalma baby. Ako lang 'to oh!"
"Oo! Ikaw lang yan. Ikaw lang naman 'yong gusto 'kong tampalin ngayon,"
"Okay lang na tampalin mo ako at least gusto mo ako. Yieeeee!"
Bwiset! Akala ba niya may effect 'yong sinabi niya. Huh! Pwes...... Meron! Awit!
Kinilig ako ng mga 85.9%
"Tabi nga dyan, pangit mo!" itunulak 'ko ang pagmumuka niya palayo sa akin dahil naaalibadbadaran ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sumunod din siya sa akin.
"Balita 'ko walang klase ngayon,"
"Tss. Fake news," naka-ngiwing sabi 'ko,
"Hoy hindi ah. Legit 'yong source ko."
"Ha? Hakdog,"
"Fried or fresh?"
"Gago ka ba? Napaka dumi ng utak mo!"
"Tinatanong 'ko lang 'kong fried or fresh 'yong hakdog! Hala siya. Utak mo ata ang madumi Therese,"
"Gago!" inis akong naglakad ng mabalis dahil napahiya ako sa part na 'yon. Ano bang nangyayari sa brain cells ko? Feeling 'ko hindi na nagfa-function ng tama.
Pagkarating 'ko sa classroom nakita 'kong nagkukumpulan si Claire at Joy sa may bintana kaya lumapit ako sa kanila para maki-chismis.
"Ano yan?" narinig 'kong sabi ni Joy.
"Ah eto ba? Love letter," tumatawang sagot ni Claire. "Syempre joke. As if naman may magbibigay sakin di ba! Invitation to, binigay ni Dustine. Oh para sayo 'tong isa."
Napatingin ako sa hawak ni Claire. "Invitation pa lang, yayamanin na. Dinaig pa 'yong invitation 'noong debut 'ko,"
Biglang tumigil ang mundo 'ko,
Today is his birthday.
"Oh Din, andito ka pala?" gulat na tanong ni Joy.
"Hala masyado bang obvious?"
"Gaga!" tumatawang sagot ni Joy.
"Birthday ng Bestfriend mo ngayon ah. Anong regalo mo?" tanong ni Claire kaya naibaling ang tingin 'ko sa kaniya.
I smile at her sadly, "I don't know. Hindi naman ata ako invited."
I saw how their eyes widened in shock, "Weh? Di nga? Seryoso?"
I laugh bitterly, "Oo nga. Muka ba akong joker?"
After our last subject we decided to eat outside. Pero wala akong ganang kumain ngayon. Parang gusto 'ko na lang ulit magkulong sa kwarto at matulog hanggang sa maging okay ulit ako.
"Tara na kasi, libre ko," pangungulit ni Aries.
"Ayoko nga. Bakit ba ang kulit ng lahi mo!"
"Lahian kita gusto mo?"
"Yuck! Ano ka aso?"
"Hindi pero mahilig ako sa dog sty----"
"Gago! Tara na!"
Dumeretsyo kami sa Japanese Restaurant. At gaya nga ng sabi ni Aries, libre niya. Kaya sinulit na namin nila Claire. 'Yong mga mahal na dishes ang kinuha namin.
"Ay wow. Apakagaling niyo. Apaka abusado ninyo! Langya!" inis na sigaw ni Aries.
"Once in a blue moon ka lang manlibre. Sinulit na namin." tumatawang sabi ni Joy
Tumayo na ako at naglakad pabalas ng Resto dahil gusto 'ko ng umuwi. Pero hindi pa man ako nakakalayo, may humawak na ng kamay 'ko kaya napatigil ako.
"Eat and run ka girl?"
I sighed, "I wanna go home,"
"Tara, may pupuntahan tayo." hinila niya ako hanggang sa kotse niya at tinulak papasok sa loob.
Ayoko sanang sumama kaso wala akong lakas para pumalag. Busog naman ako pero bakit nanghihina ako?
"Depression,"
Narinig 'kong sabi ni Aries, "Ha?"
Hindi siya sumagot. Nakafocus lang siya sa pagda-drive at nakita 'ko 'kong paano unti-unting kumunot ang noo niya, "Wag mo akong tignan, baka matunaw ako."
I looked away. Bwiset. Apaka yabang.
After a few minutes, huminto kami sa isang napaka laking bahay. Lumabas si Aries at pumunta sa side 'ko para pagbuksan ako,
"Kaninong house 'to?"
"House 'ko na magiging house mo soon," naka-ngising sabi niya.
"Gago!" bulong 'ko dahil may mga maids na nakatingin sa amin,
"Tara," hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa likod ng bahay nila.
"Wow," namamanghang sabi 'ko. Feeling 'ko nasa paradise ako. Puno ng Iba't ibang bulak-bulak ang garden nila, tapos 'yong fountain nila, yayamanin. Ang astig!
"My mom loves flowers,"
"Ah talaga ba? Hindi obvious," sabi 'ko. I heard him chuckled.
"Tara sa safe zone," hinila na naman niya ako sa isang malaking puno,
"Wow, tree house" namamanghang sabi 'ko ulit.
"I'll go first para hindi ka na ulit mafall sa maling tao,"
"Tanga! Connect 'non!"
Nauna nga siyang umakyat at tinulungan niya akong makaakyat. Inayos niya 'yong bean bag at kumuha siya ng tubig sa may mini ref.
"Spill,"
"Ha?" naguguluhang tanong 'ko,
"What's bothering you,"
"Wala naman,"
"You know I'm always here, right? You have me, always."
I sighed deeply, "Today is his birthday. Binigyan niya sila Claire at Joy ng invitation para sa party niya mamayang gabi,"
"And he didn't give you," pagtutuloy niya.
"Dati-dati kaming dalawa 'yong nagpaplano sa party niya. Simula sa foods, theme ng party, location, invitations. For the past 20 years, always present ako sa birthday niya kahit na nasa ibang bansa kami uuwi pa ako para lang maka-attend. Buti pa nga sa birthday niya perfect 'yong attendance ko kaysa sa school." I laughed when I remember those days.
"I used to be a special person to him, but now? It feels like I didn't exist anymore."
"Sometimes you have to accept the fact that a certain things will never go back to how they used before," he whispered.
"I know Hunter Aries," I smile and close my eyes, "The moment I confessed to him, I know everything will change."
Hindi siya nagsalita kaya hindi na rin ako nagsalita pa.
"I'm ready. I'm ready to let him go,"
---------Long to time no update! Hehehe. Don't forget to vote! Enjoy!
BINABASA MO ANG
Almost Over (Bestfriend Series #1)
Teen Fiction"It hurts to know that you will never look at me the way I look at you, Dustine Aero." Bestfriend Series #1