CHAPTER 6

2.6K 170 84
                                    

JERICHO - POV



Nakasunod lamang si ako kay Gerome hanggang sa makarating kami sa parking lot ng aming building.


"Sakay na. Obviously, hindi ka naman babae para pagbuksan pa kita, right?" utos sa akin ni Gerome matapos i-unlock ang sasakyan nito gamit ang susi na hawak niya.


"Kotse mo?" tanong ko habang tinuturo ang sports car na kulay asul.


"Hindi. Kinarnap ko."


"Kingina mo."


Ang gagu kausap amp!


Hindi ko naman kasi inaasahan na may sasakyan pala ang gunggong na 'to. Ang akala ko ay ordinaryo lang siya tulad ko na araw-araw nabobosohan sa MRT para lang makapasok sa trabaho.


Dahil nga sa bagong natuklasan, nakuha na naman ni Gerome ang atensyon ko. Nawaglit na rin sa aking isip ang dahilan kung bakit ako sumama rito. Hindi ko rin maitatanggi sa aking sarili na nakaramdam ako ng kaunting inggit. Sana all hindi na kailangan pumila at makipagsiksikan tuwing may pupuntahan. Sana all hindi na kailangan sumigaw ng 'Pakiabot ng bayad!' at 'Para po! Diyan lang sa tabi!'


May kalahating oras din ang aming ginugol upang marating ang isang mataas na building. At sa pangalawang pagkakataon, nang makapasok kami sa isang pintuan mula sa sixteenth floor ay namangha na naman ako.


"Sa 'yong condo unit 'to?" tanong ko na naman kay Gerome nang makapasok kami sa pintuang iyon.


"Hindi. Pinasok ko lang 'to nang walang paalam."


"Pakyu."


Hindi naiwasan ni Gerome ang matawa nang bahagya matapos magtanggal ng necktie na inihagis niya rin sa sofa.


"You've got it wrong. That should be the other way around, dude." wika pa nito na hindi ko naman pinagtuunan ng pansin. Abala kasi ako sa pagbusisi sa malaking unit ni Gerome. Basic lang naman ang mga appliances na kailangan talaga sa araw-araw, ngunit halatang mamahalin ang mga iyon. Namangha pa ako dahil sa glass wall na naririto, makikita mo ang buong city na kumikinang dala ng mga ilaw dahil gabi na rin sa mga oras na ito.


Dahil sa likas na kadaldalan at kakulitan ko, tuluyan ko na ngang nakalimutan ang totoong pakay sa pakikipagkita ko kay Gerome. Nagawa ko pa ngang hintayin ang nilutong pagkain nito upang pagsaluhan namin sa hapunan. Sayang din kasi ang pagkakataon na makatipid kaya kumain na rin ako. Hindi naman sa patay-gutom ako, sadyang gusto ko lang magtipid. 'Yon lang 'yon.


Mas naging abala pa kami ni Gerome dahil marami kaming napag-usapan tungkol sa trabaho at mga katrabaho. Lalo rin naging kapanapanabik ang lahat nang maglabas ng canned beers si Gerome at pinagsaluhan namin iyon.


Kahit may malaki at malapad na sofa, pareho naming pinili na sa sahig na lamang umupo habang nag-iinom. At tulad ng inaasahan, ako na naman ang bumabangka sa kwentuhan. Si Gerome naman sa aking tabi ay nanatiling taga-pakinig at taga-tawa lamang sa aking mga kuwentong puro lang naman kabalbalan.


"Gigil talaga ako shayo, Par, eh... Taena, nashayo na lahat... Pero parang gushto mo pang angkinin kahit ang akin..." hindi ko maiayos na pagsasalita dahil sa epekto ng alak. Ramdam kong pumipikit-pikit na rin ang aking mga mata tanda ng pagkahilo.


"Pare, may isa pang hindi ako nakukuha... At kahit 'yon lang sana, okay na sa akin... Kahit mawala na sa akin ang iba..." sagot naman ni Gerome. Hindi ako sigurado, pero parang nakatingin siya sa akin nang tuwid habang sinasabi iyon?


CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon