JERICHO - POV
"Apo, 'wag mo akong sigawan! Matanda lang ako pero hindi pa ako bingi! Lintik ka talagang bata ka!"
Nami-miss ko na talaga ang Lola kong ito. Miss na miss ko na ang mga sermon niya sa akin na masusundan din naman ng pagluluto niya ng paborito kong pagkain.
"Lola, hindi po kita sinisigawan. Naka-loud speaker po kasi kayo kaya malakas ang boses ko," malambing ko namang paliwanag.
"Stalker? Kailan pa ako naging stalker?"
"Lola, speaker po! Loud speaker!" paglilinaw ko na ngayon sa mas malakas kong boses.
"Ahhh... Ganoon ba?" reaksyon naman niya na nasundan din ng malakas niyang halakhak mula sa kabilang linya. Ako tuloy ang nabingi sa kanya lalo na at gumamit pa ako ng earphones. "Teka, apo, bakit hindi kita makita? Sabi ni Jeremy makikita raw kita dito sa selpon? Aba'y wala naman! Pinaglololoko na naman yata ako ng kapatid mo!" reklamo na niya ngayon.
Napangiti na lamang ako dahil mukhang nagkamali na naman siya ng paggamit sa telepono.
"Kaya pala dilim lang ang nakikita ko sa inyo, Lola, eh! Nakadikit na naman po siguro sa tenga n'yo ang cellphone? Naka-video call po tayo kaya itapat n'yo na lang sa mukha ninyo ang cellphone,"
"Aba'y bastos ka talaga, apo! Hindi ka na nagbago! Akala mo siguro hindi ko alam ang salitang 'dyakol' ano?!"
"Lola, video call po! Video call! Hindi po dyakol!"
Nakakaaliw talaga si Lola. Napaka-cute pero medyo bastos!
May ilang sandali pa akong hinintay upang tuluyan ko nang masilayan sa screen ng aking cellphone ang lola ko. Gaya ng inaasahan sa mga hindi millenial, halos makita ko na ang utak ni Lola mula sa kanyang ilong. Iton ay dahil nakapwesto ang camera ng cellphone sa ilalim ng kanyang mukha.
Parang gusto ko na lang pumasok sa telepono para lang mayakap si Lola ngayong nakikita ko na siya.
"Carmelita! Milagros! Epifania! Eto na ang apo ko sa Maynila! Pumarine kayo para makita n'yong mas lalo siyang gumagwapo! Pero mas gwapo pa rin iyon bagang ikinu-kuwento ko sa inyong bago kong apo na si Gerome!" pamamalita ni Lola sa mga kaibigan niya roon sa probinsiya. Umaalingawngaw rin ang pagtawa niya. Nasa lahi talaga namin ang pagla-laptrip, kingina!
Habang naririto ako sa sala at naghihintay kay Gerome, naisipan kong tawagan si Lola dahil miss na miss ko na naman siya. Kahit pa noong isang araw ko lang sila huling nakausap ng kapatid kong si Jeremy, gusto kong makasigurado na maayos ang kanyang kalagayan, lalo na nga at wala ngayon doon sa aming bahay ang pinagkakatiwalaan kong magbabantay sa kanya. Wala rin si Jeremy dahil nasa university pa ito. Alam kong busy din iyon ngayon dahil malapit na ang kanilang finals.
"Aba'y ka-gwapo ngang lalo ng apo mo, Guada. Ka-ganda pa ng katawan," komento ng isang kaibigan ni Lola nang makita ako sa screen ng cellphone ni Lola. "Pero ang sabi baga ng apo ko, 'pag malaki raw ang katawan, jutay naman." dugtong pa nito.
"Fake news 'yan, Epifania," pagkontra naman ni Manang Carmelita. "Uso na baga ang pampalaki ng ari gaya ng Titan gel ba iyon?"
Binabawi ko na ang sinabi kong hindi sila millenial. Mukhang naka-adapt na sila sa makabagong henerasyon. Kung hindi lang sila matanda, baka napamura na ako rito.
May ilang minuto pa kaming nag-usap ni Lola, o mas tama bang sabihin na ilang minuto ko lang silang pinanood habang nagpapalitan ng impormasyon tungkol sa manhood? Natigil na lamang sila nang ipaalala kong may gagawin pa silang preparasyon para sa pagnonobena nila mamaya. Iyon na rin ang naging daan para matapos na rin ang tawagan at pag-uusap namin ni Lola.
BINABASA MO ANG
CAUGHT ON CÜM
RomanceSynopsis: Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumating si Gerome sa kanilang kompanya mahigit isang taon na rin ang nakalilipas, lahat ng proyekto maging...