CHAPTER 10

2.2K 158 68
                                    

JERICHO - POV





"Sigurado ka ba sa tanong mo, Jericho? Sigurado ka bang dito mo gustong malaman nilang lahat kung gaano tayo ka-close?"


Nang marinig ko iyon ay hindi ko na rin nagawa pang makasagot. Tila ba may nagbarang talong sa aking lalamunan kaya naman napalunok na lamang ako. Pakiramdam ko rin ay naubusan ako ng lakas para makawala sa mahigpit na pagkapit sa akin ni Gerome. Idagdag pa rito na pinagtitinginan nga kami ngayon ng aming mga katrabaho.


Dahil din dito ay nagawa na rin ni Gerome na mahila ako upang ilabas sa function room. Wala na kaming binigkas na salita, hindi na rin ako nakapagreklamo. Kahit nga ang magpaalam sa aming mga kasama ay hindi na namin nagawang pareho.


"P√ta, Par! Bitiwan mo nga ako! Sabi mo usap lang, 'di ba?! Kingina! Ginagawa mo na akong kaladkaring lalaki nito, eh!" singhal ko dahil sa patuloy na paghila sa akin ni Gerome.


Narating namin ang parking lot ng restaurant, at sa mismong tapat ng kanyang kotse ay nagpatuloy na naman ang aming komprontasyon.


"Ano ba talagang problema mo?! Bakit ka umiiwas?! Tapos ngayon, balak mong mag-resign?!" tanong agad nito habang dinuduro ako.


"Tangina! Bitiwan mo nga ako! Nasasaktan na ako, Gerome!" pumapalag ko naman na utos. Nagawa ko na rin ang magwala dahil pakiramdam ko ay mahigpit akong nakagapos.


"Kanina pa kita binitiwan, gago! Wala ka na naman sa sarili mo!" balik nito sa akin sa galit din niyang tono.


Pukingina? Kailan pa siya natuto na murahin ako?


Napahiya ako. Nayurakan ang pagkatao ko. Ngayon ko lang din kasi napag-isip-isip na tama nga si Gerome, kusa na nga ako sa kanyang sumama nang makalabas kami ng restaurant. Nagmukha tuloy akong nasisiraan ng ulo dahil sa kanina pa ako pumapalag kahit wala naman nakahawak sa braso ko.


"Gago ka rin... Tangina ka pa, para kwits..." naisagot ko lamang sa mahinang tono.


Ilang segundong katahimikan muna ang lumipas. Pinakalma ni Gerome ang sarili. Hindi na rin ako nagtangka pang magreklamo dahil base sa ekspresyon ni Gerome, handa na niya akong basagan ng bungo. Hindi ko rin maiwasan ang makaramdam ng kaunting takot. Sa mahabang panahon na magkasama kami, ngayon ko lang siya nakitang nagalit.


"Jericho, alam kong galit ka sa akin! Pero ano bang dahilan?! Ano bang nagawa ko?!" muling pagpapatuloy ng aming diskusyon.


Napangiti ako nang mapait. Gustuhin ko man na kalmahin ang sarili, hindi ko na rin ito makontrol. Sa palagay ko, ito na rin siguro ang tamang panahon para sabihin kay Gerome ang tunay na dahilan. Hindi ko na iisipin ang kahihiyan. Tutal naman ay desidido na rin akong umalis sa kompanya at maghanap na lamang ng ibang mapapasukan. Hindi naman ako mahihirapang makapagsimula dahil kahit paano, maganda naman ang aking naging background sa trabaho. 'Wag lang mabibisto ang mga pang-ti-trip ko sa mga kasamahan ko.


Nagdidikit ang aking mga ngipin habang nakakuyom ang aking mga kamao. Sa pagkakataon ding ito, nagawa ko nang tapatan ang matalim na pagtitig sa akin ni Gerome.


"'Yun nga ang problema, Par, eh! Ano nga bang nagawa mo?! Wala! Wala kang nagawa!" sigaw ko na pabalik kay Gerome.


"Linawin mo, Jericho! Hindi kita maintindihan!"


"Tanga-tangahan lang tayo, Par?! 'Wag ka nang magpanggap na walang alam! Tigilan mo na rin ang paglalaro ng manhid-mahiran! Siraulo ako pero hindi ako bobo, gago!"


CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon