CHAPTER 9

2.2K 169 63
                                    

JERICHO - POV





Matapos ang pangyayaring nagpagising sa katawang-lupa ko, isang desisyon din sa akin ang nabuo — kalilimutan ko ang lahat ng nangyari at magsisimula ako ng panibago. Tulad ng ginagawa ko noon, iiwasan ko na lamang muli si Gerome. Ibabalik ko ang panahong dinadaanan lang namin ang isa't isa at hindi nag-uusap.


Sa paglipas nga ng mga araw, agad din iyong napansin ni Gerome. Hindi tulad ng dati, wala nang Jericho ang unang bumabati sa bawat pagpasok ko sa opisina namin dito. Walang Jericho na mangungulit, walang Jericho na mangangalabit. Animo'y isang palos din ako na pinahiran pa ng petroleum jelly ang buong katawan dahil sa sobrang dulas o ilap ko.


"Jericho, p'wede ka bang makausap?" isang araw ito nang hindi na napigilan ni Gerome ang lumapit sa akin. Sinubukan niya pa akong abangan na lumabas mula sa CR ng aming building. Bakas din sa kanyang mukha ang pag-aalala habang nakatingin sa akin.


Hindi ko siya matapatan ng tingin, ngunit nagawa ko naman makakuha ng dahilan upang makaiwas sa kanyang muli. Mabilis akong kumilos para dukutin ang isang bagay mula sa bulsa ko at agad na idinikit iyon sa aking tainga.


"Hello? Sige, kita na lang tayo sa labas. Palabas na ako ng opisina!" malakas kong pagkakasabi at nagmamadali na rin akong lampasan si Gerome. Mahusay na boy scout talaga ako noong kabataan ko kaya chicken lang ang makalusot sa akin sa mga ganitong sitwasyon.


"Pare, sandali nga!" mabilis naman na pag-awat sa akin ni Gerome. Mahigpit din ang paghawak nito sa braso ko. "Iniiwasan mo ba ako?! Ano bang kasalanan ko?!" sunod pa nitong tanong.


Sa totoo lang, gusto ko nang balibagin ang taong kaharap ko ngayon. Ang lakas maka-feeling close amp! Pero sa halip na ipakitang apektado, sinikap kong maging kalmado.


"Sorry, Par, ha? May sinasabi ka ba? Hindi ko kasi marinig dahil may kausap ako sa kabilang linya. Nakita mo naman na may kausap ako sa cellphone, 'di ba? Mas importante 'to kesa sa tanong mo. Next time na lang, ha?" tuluyan ko nang pagpapanggap. Kailangan ko na talagang makatakas sa kanya.


"'Wag mo nga akong ginagago, Jericho!" hindi na naiwasang mapasigaw ni Gerome. "Wallet mo 'yang hawak mo at hindi cellphone!"


Para akong binuhusan ng malaming tubig na galing pang Antarctica dahil sa pagkapahiya. Nawala ang dugong boy scout na dumadaloy sa katawan ko kaya naman hindi ako nakagalaw.


"Ano?! Sagutin mo ako! Bakit mo ako iniiwasan?!" muli na namang pagtatanong sa akin ni Gerome.


Gustuhin ko man na maghanap pa ng idadahilan ay wala na akong maisip sa pagkakataong ito. Labis na pagkataranta ang aking nararanasan kaya ang nagawa ko na lamang ay ang tumakbo sa kanya palayo.


"Hello?! Palabas na talaga ako! Peksman, mamatay man ang kausap ko kanina sa CR!" paninindigan ko pa rin sa aking pagpapanggap na may kausap sa wallet ko.


Pukingina, ang bobo ko ngayon.


Alam kong hindi na talaga nagugustuhan ni Gerome ang mga nagaganap. Sa ilang buwan na kami ay lagi lamang masaya, marahil ay maninibago talaga siya. Pero nakangako na rin ako sa sarili ko — hinding-hindi na ako papayag na maisahan na naman ako ni Gerome. Pride na lang ang mayroon ako, wala ayaw kong mawala pa 'yon.


Tiwala rin naman ako na hindi makalahingi ng saklolo mula sa ibang tao si Gerome para magkaroon kami ng komunikasyon. Laking pasasalamat ko lang talaga dahil walang ibang nakakaalam kung ano ang naging ugnayan namin nito. Kahit si Jamie, alam kong magdadalawang-isip pa siya para hingian ng tulong.


CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon