CHAPTER 2

3.4K 173 64
                                        

JERICHO - POV



Balik-normal ang lahat nang dumating ang Lunes. Bilang Marketing Staff sa opisina ng kilalang fastfood chain sa buong Pilipinas, dito ako namamasukan.

Kuntento na sana ako sa pamumuhay noon sa probinsiya kasama ang aking masayang pamilya. Pinagpala ako dahil mababait ang aking mga magulang ganoon din ang nakababata kong kapatid na lalaki. Hindi namin pinagtutuunan ng pansin ang problema. Lahat kasi ng mga pagsubok ay idinadaan lang namin sa tawa, ngunit kung ano ang pinagkukunan namin ng lkas, iyon din ang naging mitsa sa pagkawasak ng aming tahanan.

Tatlong taon na rin ang nakalilipas, naunang namaalam ang aking ama. Inatake siya sa puso dahil sa labis na pagtawa. Paglipas naman ng apat na buwan, ang ina naman namin ang namaalam. Ang dahilan ay dahil pa rin sa pagtawa. Nalunok kasi niya ang sinisipsip na buto ng santol dahilan para siya ay mabulunan.

Dahil sa mga pangyayaring iyon, kinailangan ko tuloy makipagsapalaran dito sa Maynila upang suportahan ang aking nag-iisang kapatid na naiwan sa probinsiya na nasa pangangalaga naman ng aming lola. Gusto ko siyang makapagtapos ng pag-aaral tulad ko, kaya naman simula pa noon ay kayod-kalabaw na ako rito. Muntik ko na nga pasukin ang pagho-hosto para lang sa kanya. Mabuti na lang at sapat ang aking kinikita para sa kanilang pangangailangan ni Lola.

“Good morning, mga undin!” bati kong mapagbiro sa bawat makakasalubong kong katrabaho. Ganito ko rin sinisimulan ang aking araw tuwing papasok. Noon ay paborito ako ng lahat at binansagan pa nga akong Mr. Congeniality dahil sa pagiging friendly, pero magmula nang dumating ang isang bida-bida kong katrabaho, hindi ko na narinig mula sa iba ang titulo kong iyon.

Sa pagpasok ko sa aming opisina, iisang pwesto agad ang tinumbok ng aking mga mata.

“Gotcha!” sambit ko pang nakangisi nang matagpuan ang aking sadya.

Naroon na ang aking target para sa araw na ito. Abala na itong nagtatrabaho at binabati ang mga kasamahang pumapasok dito. Lahat ay binibigyan niya ng ngiti, maliban sa akin. Sa loob ng mahigit isang taon, iyon na ang aming daily routine.

Inaasahan ko nang madaratnan siya rito. Ganito naman siya simula pa noon, nauunahan pa kaming lahat na pumasok. Kung minsan nga, gusto ko na isiping suma-sideline na rin siya bilang guwardiya. Late na kung umuwi, pero nauuna pang pumasok sa amin sa umaga.

Sa buong kasaysayan mula nang kami ay magkakilanlan, ito ang kauna-unahang beses na lumapit ako sa kanyang kinauupuan. Ito rin ang unang pagkakataon na suot ko ang aking mamahaling ngiti nang makarating sa kanyang kinaroroonan.

Habang prente siyang nakaupo sa kanyang silya, ipinatong ko ang aking isang kamay sa kanyang mesa at yumuko nang bahagya upang mas makaharap siya. Kaya naman nang mapansin niya ang aking presensiya, tiningnan niya ako nang may pagtataka.

“Good morning...... Oppa?” bati ko sa kanya at pinaghugis-puso ko pa ang aking mga kamay. Ginawa ko ang paraan ng pagbati sa amin ni Jamie na nilamon na nga ang sistema ng K-pop.

‘Oppa’ — ayon kay Jamie, ganito raw nila kadalasan tawagin ang mga iniidulong celebrity na Koreano. Kuya raw ang meaning? Ewan. Bahala sila sa buhay nila. Cute din daw sa pandinig nila, pero sa pandinig ko, ang lakas maka-bakla. Bakla na nga ako, lalo pa akong binabakla.

Pasimple kong sinilip ang ilan pa naming mga katrabahong naririto na rin ngayon sa opisina. Lahat at nagulat at hindi nakapagsalita. Ang isa pa nga sa kanila ay nabitiwan ang hawak na mga papel na ipo-photo copy sana. Ang isa naman ay napaso pa yata ang dila dahil hindi nagawang kontrolin ang pag-inom ng kape dahil sa aking eksena. Sa madaling salita, parang huminto sa kanila ang oras.

Hindi na nga iyon nakapagtataka. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman na hindi kami in good terms ni Gerome. Alam nilang mainit ang dugo ko sa gunggong na ito. At kahit ilang beses nila sinubukang pag-ayusin kami, wala sa kanila ang naging matagumpay.

Ibinalik ko ang tingin kay Gerome at nasaksihan ko kung paano nagsalubong ang mga kilay nito. Naniningkit din ang kanyang mga mata at palatandaan iyon na nasorpresa siya sa aking ginawang pagbati sa kanya. Hindi rin siya nakagalaw at nakapagsalita. Nasaksihan ko pa ang kanyang paglunok tanda na siya ay may kaunting kaba.

Inaasahan ko na ito. Dahil din dito, pakiramdam ko ay nakamit ko na agad ang tagumpay kahit nagsisimula pa lamang ako sa mga naisip kong plano.

Dahil sa ilang pulgadang layo ng aming mga mukha, nagkaroon din ako ng pagkakataong matitigan nang malapitan si Gerome. Magmula sa kanyang mga mata na pinaresan pa ng may kakapalan niyang mga kilay, ilong na may katangusan, labing mamula-mula at mamasa-masa, maging ang kanyang pisngi, hindi nakaligtas sa mapanuri kong mga mata.

"Konti lang naman pala sa akin ang lamang," bulong ko sa aking sarili. "Mas visible lang ang pores ko kesa sa kanya." dugtong ko pa.

"What?"

Hindi ko namalayan na ang pangingilatis kong iyon sa kanyang mukha ay kusang lumabas sa aking bibig. Buong akala ko ay nasa isip ko lang.

Sa halip na ipakitang bahagya rin akong nasorpresa, itinuwid ko ang aking pagkakatayo upang magkalayo ang aming mga mukha. Inayos ko rin ang aking polo na bahagyang nakusot dahil sa ginawa kong pagyuko.

“Have a great day..... Oppa?” makahulugan at may lambing ko pang pagsasalita bago tuluyang lisanin ang kanyang kinauupuan. Iniwan siyang hindi na nagawa pang makapagsalita dahil tila ba tinakasan na siya ng sariling kaluluwa.

Sa dalawang araw na nagdaan magmula nang malaman ko ang kanyang itinatago, maraming beses kong pinag-isipan ang dapat na gawin sa talipandas na si Gerome. Nang madiskubre ko ang kanyang lihim, para na akong sinapian ng dyablo. Gusto ko siyang masira sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kanyang video. Pero sa kabilang banda, naisip kong makakaapekto at makasisira rin iyon sa akin. Kaya naman sa huli, nauwi ako sa iisang desisyon.

Uunti-untiin ko si Gerome. Gagamitin ko ang aking hawak na video para i-blackmail siya. Walang ibang ma-i-involve maliban sa aming dalawa. Ito-torture ko siya. Naisip kong sa ganoong paraan, sa tingin ko ay kusa siyang aalis sa kompanya. At sa oras na mawala siya sa aking landas, babalik din sa akin ang lahat na kanyang kinuha.

“Tingnan ko lang kung magamit mo pa ‘yang mala-pitong pulgada mong armas!” bulong ko pa sa aking sarili. Sa pagkakataon din na ito, hinubad ko na ang pekeng-ngiti na ibinigay ko kanina kay Gerome. “Tang*na, napakahambog! Isang pulgada lang naman sa akin ang lamang!” dugtong ko pang pagmamaktol nang marating ang aking mesa.




----------

A/N

Para sa 'yo, jtmrn11! 'Wag ka na ma-high blood, Sissy Sharkie! May pag-asa pa naman tayong magkalaman ang ...... 🙊 Hahahahahahahaha! Labyu!

cold_deee ❤️
05.02.2020

CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon