JERICHO - POV
Lumipas pa ang mga araw, at sa bawat pagdating nito, hindi ko rin tinigilan ang epal na si Gerome.
Tuwing darating ako ng umaga sa opisina, siya agad ang aking pinupuntahan. Binabati ko siya nang may halong pang-aasar. Alam kong kating-kati na ang aming mga katrabaho dahil bago ito sa kanilang paningin, ngunit wala naman ang naglalakas-loob sa akin na magtanong. Alam kasi nilang wala silang makukuha sa akin na sagot kundi puro pamimilosopo. Tuwing magtatapos din ang aming pagtatrabaho ay ganoon din, nagpapaalam ako sa kanya nang may ngiti at buong ningning.
Sa ilang araw rin na nagdaan, bakas pa rin kay Gerome ang pagtataka sa aking ikinikilos, pero kahit isang beses, hindi siya nakapagbigay ng reaksyon. Naiiwan ko siyang suot ang ekspresyong puno ng pagtatanong.
Tulad na lamang ngayong hapon na nagtapos muli ang panibagong araw sa amin, sinadya kong makalabas muna ang aming mga kasamahan para muli siyang inisin. Muli ko siyang nilapitan sa kanyang pwesto na abala pa rin sa pagtatrabaho. Gaya nga ng paniniwala ko, oras na yata nito para maging gwardiya dahil maiiwan na naman siya rito.
“Oppa, mauuna na ako, ha? Galingan mo rito,” pagpapaalam ko kay Gerome nang makarating ako sa mesa nito. “Pero payong-kagaguhan lang, ‘wag mong gagawin 'yon dito dahil maraming CCTV sa 'yo ang nakatutok.” makahulugan ko pang dugtong. May diin din iyon para dama niya ang sagad ng pagkasarkastiko ko.
Gaya ng aking inaasahan, gumuhit na naman ang pagtataka sa kanya nang lingunin ako.
Handa na rin sana akong umalis dahil sinimulan ko na siyang talikuran, ngunit natigilan din ako nang bigla siyang tumayo mula sa swivel chair na kanyang kinauupuan.
“Sandali, pare,” biglang pag-awat sa akin ni Gerome sa kalamado nitong tono. “May problema ba tayo?”
Gusto ko nang tumalon sa saya. Pakiramdam ko ay dinaig ko pa ang nanalo sa lotto dahil sumasang-ayon na talaga ang lahat sa aking plano. Sa ilang araw ko kasing paglapit sa kanya, sa wakas ay nagawa na rin niya akong tanungin sa naging pagbabago ko.
Suot ang aking nakakalokong ngisi, hinarap ko siya nang paunti-unti. “Ako, par, wala. Pero ikaw? Sa tingin ko, oo,” sagot ko rito. Saglit akong tumigil sa pagsasalita upang titigan ang kanyang nasasakal na kayamanan na bumabakat na naman sa kanyang pantalon. “At MALAKI! MALAKI talaga ang problema mo!” dugtong ko nang may kalakasan dahil muli na naman uminit ang aking ulo.
Puking*na, bakit kasi mas mahaba ang kanya?! May favoritism bang naganap noong hinuhulma kaming dalawa?!
“Ha?” lalo na niyang pagtataka sa naging sagot ko.
"Ha? Hakdog ba 'yan?!" pamimilosopo ko naman. Pero sa totoo lang, napepeste ako dahil hindi size ng hotdog ang mayroon siya. Frankfurter sausage, ampucha!
Napailing siya at at natawa nang mapait. Mukhang hindi rin bumenta ang joke kong iyon.
“Ano naman ang naging atraso ko sa ‘yo, Jericho?! At kailan pa ako nagka-atraso?! Ni hindi na nga tayo nag-uusap dito,” diretsong tanong na niya ngayon.
“Sigurado ka bang wala kang atraso, Gerome?”
“Then, what is it?! Tell me!”
Mukhang pagkakataon ko na talaga ito. Ito na ang tamang oras para tuluyan nang tanggalin ang tinik sa lalamunan ko.
Nagbitiw ako ng nakaiinsultong tawa. Humakbang pa ako nang unti-unti sa kanyang tapat upang lalong magkalapit ang aming mga mukha. “Sigurado kang dito mo gustong pag-usapan? Kasi kung dito ko sasabihin, baka bukas, wala ka nang mukhang maihaharap dito sa amin?” mapanghamon ko pang pagbabanta.
BINABASA MO ANG
CAUGHT ON CÜM
Roman d'amourSynopsis: Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumating si Gerome sa kanilang kompanya mahigit isang taon na rin ang nakalilipas, lahat ng proyekto maging...