JERICHO - POV
Ang unang gabi na kami ay nagpulot-gata ay naging makasaysayan para sa akin. Lagi ko noon sinasabing ayaw ko ang bagay na ito, pero sa paglipas pa ng mga araw na kami ay nagkakasama, nasundan pa ito nang nasundan.
Lintik na kati 'yan.
Isang linggo, dalawa, tatlo, apat, hanggang sa umabot kami sa dalawang buwan na nagpapakasasa sa isa't isang katawan.
Tunay nga akong marupok. Nagpakipot lang talaga ako noon.
Habang nakadapa ako sa kama ay matalim ang tingin ko kay Gerome na nasa aking tabi. Abala na ito ngayon sa panonood ng soccer game sa TV. Katatapos lang din maganap ang matindi naming sagupaan kaya naman iniinda ko ang hapdi ng aking lagusan.
"Ugh... Tangina! Hindi na ngumingiti ang wetpaks ko, eh! Humahalakhak na! Animal naman talaga!" daing ko habang kinakapa ang butas ng lagusan ko. Inaalala kong baka tuluyan nang mala-Araneta Coliseum na ang luwang nito.
Tamang-ngiti lang naman ang gago. Hindi ko alam kung nakakatawa ba ang soccer game o dahil iyon sa reklamo ko. Ngunit sa reaksyong iyon ni Gerome, kusa na lang din akong napangiti. Wala naman espesyal sa ginawa niya, pero ako itong parang mas gago pa sa kanya na ngumingiti na ngayon habang nakatitig sa kanya.
"Tangina..." mahina kong bulong. "Humihinga ka pa lang, gwapo ka na. Kahit yata umutot ka sa public place, hindi masisira ang image mo. Samantalang ako, mag-e-effort pa para lang sa magandang anggulo." Sinadya kong hindi lakasan ang aking boses dahil baka pasukin ng hangin ang aking lagusan. Iwas-kabag lang naman. Ewan ko kung saan ko nakuha ang kasabihang iyon, pero dahil dakilang henyo ako, malamang ay inimbento ko lang.
Tuluyan na nga kaming naging malapit sa isa't isa ni Gerome. Walang malinaw kung ano nga ba ang relasyong mayroon kami, ang tanging alam lang namin ay masaya kami tuwing magkasama. Kung may kagandahan man sa samahan namin, iyon ay para rin kaming magtropa. Nagkakaintindihan kami sa maraming bagay kaya marami kaming napag-uusapan. Sa bawat masaya rin naming kuwentuhan, hindi rin nawawala roon ang inuman.
Bihira na rin kung umuwi ako sa inuupahan kong bahay. Mas masarap ang buhay ko sa condo ni Gerome lalo na at alaga ako nito. Siyempre, libre ang lahat lalo na ang pagkain. Mukhang ayaw na rin naman humiwalay pa sa akin ni Gerome kaya wala na rin akong nagawa kundi ang manatili sa unit nito. Mabangis din talaga ang kamandag ko.
Sa dalawang buwan na kami ay laging magkasama, para bang naging makabuluhan sa akin ang lahat. At sa nakalipas na mga buwang iyon, tuluyan ko rin nakilala si Gerome. Sa mga panahon din na ito, nalaman ko na rin ang kasagutan sa aking mga tanong noon.
Ano nga ba ang mayroon kay Gerome at marami ang napapalapit dito? Bakit marami sa kanya ang natutuwang mga katrabaho?
Bukod sa pisikal na katangian — gwapo at may magagandang pangangatawan — matulungin si Gerome at tunay na masipag. May dedikasyon din ito sa trabaho at alam ang salitang respeto sa kasama. Walang pinipiling tao upang bigyan ng pangangailangan na may kinalaman sa trabaho. Walang exempted kahit ang taga-linis namin doon. Naging malinaw rin sa akin na kaya pala madalas siyang mag-overtime ay dahil ito ang takbuhan ng mga kasamahan naming hindi natatapos ang naibibigay sa kanilang tasks. Kaya naman sa huli ay nawawalan na ng oras ito para sa sariling trabaho. Noon ay hindi ko alam ang mga bagay na iyon dahil hindi ko naman siya binigyan ng pagkakataon para alamin sa kanya ang lahat.
Nadiskubre ko rin na malaki ang aming kaibahan pagdating sa pag-uugali. Kung ako ay kilala dahil sa nakakarindi ang ingay ng bibig, si Gerome naman ay tahimik lamang ngunit laging nakangiti. Gentleman din ito kaya't marami rito ang nahuhumaling mapa-babae man o bading.

BINABASA MO ANG
CAUGHT ON CÜM
RomanceSynopsis: Matinding karibal para kay Jericho Gonzales si Gerome Almeria kung pag-uusapan ang trabaho at atensyong nakukuha nito. Magmula nang dumating si Gerome sa kanilang kompanya mahigit isang taon na rin ang nakalilipas, lahat ng proyekto maging...