CHAPTER 8

2.3K 147 54
                                    

JERICHO - POV





Umaga nang saksi ang kama, unan at kumot sa paghaharutan ng dalawang borta sa kama. Naiinggit kahit ang mga ibon na nakadungaw sa malaking bintana. Tanging underwear lamang ang takip sa katawan dahil mas komportableng matulog nang ganoon at iyon din ang nakasanayan.


"Kingina, Par! 'Wag diyan! Nakikiliti nga ako, eh!" naglulumandi kong pag-awat sa paghaplos ni Gerome sa aking singit. Hindi naman talaga ako nakiliti, sadyang umaarte lang akong birhen.


"Ano bang ginagawa ko? Binibigyan lang naman kita ng breakfast, e." si Gerome naman na ayaw rin magpaawat sa pangingiliti.


"Tangina! Hotdog na ang dinner natin! Hotdog pa rin sa morning?!"


"Nakakaadik kasi hotdog mo,"


"Mas masarap kaya ang hotdog mo!" tinapatan ko rin ang kanyang sinabi kasabay ng marahan kong pagsuntok sa kanyang tagiliran. Pinaninindigan ko na talaga ang taglay kong kalandian.


Sinusulit namin ang umagang ito dahil wala naman kaming pasok sa trabaho. Sa katunayan, may nakatakda kaming lakad sa bandang hapon. Nagpasya kaming mamasyal sa kauna-unahang pagkakataon. Isasabay na rin namin ang pagpunta sa supermarket para may stocks kami rito sa condo.


Kingina, asawahan na ba ito?


Habang kami ay nasa kalagitnaan pa rin ng paglalandian, natigilan din kami sa nakaririnding doorbell nitong unit ni Gerome. Sabay rin kaming nagkatinginan suot ang nagtataka naming ekspresyon.


"May in-e-expect ka bang bisita?" tanong ko sa kanya.


"Wala naman?" naguguluhan pa rin nitong balik.


Mula sa paulit-ulit na tunog ng doorbell ay nahinto rin ito makalipas ang ilang sandali. Labis naman namin iyong ipinagtaka kung kaya't nagmamadali kaming umahon mula sa kama upang silipin sana ang nasa labas. Subalit pagdating pa lamang namin sa sala, nakabibinging sigaw din ang bumungad sa aming dalawa.


"Patawarin!" sigaw ng isang ginang na sinubukang takpan ang kanyang mga mata gamit ang palad ngunit nakakasilip pa rin siya. "At ikaw?! Sino ka?!" tanong pa nito habang tinuturo ako. Tuluyan na rin niyang tinakpan ang kanyang mga paningin dahil nasipat niya ang bumubukol mula sa brief ko.


Dahil sa dakila akong pabibo, sa halip na magpakilala nang pormal ay itinaas ko pa ang aking isang braso upang ipamalas ang bicepes na mayroon ako.


"Yow! Jericho Gonzales at your service, Ma'am!" masigla kong sagot dito.


Nagkagulo nang bahagya matapos ang senaryong iyon. Hiningal ang ginang na animo'y katapusan na ng kanyang mundo. Kasunod din nito ay kinuha niya mula sa kanyang bag ang isang abaniko at nagpaypay sa sarili kahit naka-aircon naman kami rito.


Sa kabutihang palad, dahil na rin sa pagiging kalmado ni Gerome ay nagawa nitong pahupain ang tensyon. Inalalayan niya ang may edad na babaeng iyon upang makaupo sa ibabaw ng telebisyon. De joke lang. Pinaupo niya siyempre sa sofa.


"Now, Gerome, ipaliwanag mo kung ano ang nangyayari!" may diin pa rin na utos ng ginang. Sa mga oras na ito ay nakaupo na rin kami sa kanyang tapat. Kalmado na rin ito ngayon kumpara kanina na halos himatayin siya nang makakita ng dalawang lalakeng kapwa hubad. Hindi nito kinaya na makakita ng dalawang Adonis na halos dumungaw na ang ulo ng kani-kanilang sundalo na nakasaludo.


Kung si Gerome ay nagawang magsuot ng shorts at sando, sadyang feel at home ako dahil kinuha ko lamang ang kumot mula sa kwarto upang ipangtakip sa katawan ko.


CAUGHT ON CÜMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon