Chapter 3
Shakira Joyce's Point of View
PAGKAGISING ko ay tinext ko ng Good Morning si Nat at naglinis ako ng aking kwarto dahil may kakalatan na ito. Pagkatapos ko mag-linis ay agad akong naligo.
Bumaba na ako sa aming hapag. Doon ko nakita ang aking magulang na seryosong kumakain.
"Good Morning, Mom, Dad."
"Shakira Joyce, you should go to office now. Pinagbibigyan na kita sa gusto mong maging Pulis, pagbigyan mo naman ngayon ang responsibilidad mo sa ating kumpanya." Wika ni Dad. Ken Rodriguez ang pangalan ni Daddy at isang kilalang business tycoon. Kilala si Daddy bilang may-ari ng Rodriguez Construction Company. Si Mommy na si Anna May Rodriguez ay isang sikat na celebrity dati, ngunit ng pakasalan niya si Daddy ay iniwan niya ang showbiz.
"Yes, Daddy. I'll go to our company and train. I have one week vacation given by my superior." Sagot ko kay Daddy. I'm not mad at him for making me train and passing the company to me. Why? Pinagbiyan niya ako sa aking gusto, sa aking pangarap na pagiging Pulis at makatulong sa kapwa.
My parents gave me everything that I want and I need. And in repay, I'll keep our company standing.
Pagkatapos naming kumain, nauna na akong umakyat sa taas para maghanda ng aking susuoting disente pang-pasok sa kumpanya.
Ang napili ko ay gray turtleneck long sleeve, pink coat, pink highwaist slacks, at skin-toned heels. Naka-tuck in ang gray turtleneck long sleeve sa aking pink highwaist slacks at ipinatong ko ang pink coat ko sa akin. Sinuot ko naman ang aking heels. Naglagay lang ako ng light make up para hindi ako magmukhang namumutla.
Nakita ko ang salamin ko sa mata na kulay bronze at sinuot iyon. Nilugay ko ang aking mahaba at paalon-alon na buhok. Chineck ko ulit ang aking itsura bago ko kinuha ang aking hand bag.
Bumaba na ako sa at nakita kong naghihintay na doon si Daddy.
"Dad, I'll bring my own car. Convoy na lang tayo."
"Okay. Mag-ingat ka."
Sumakay na ako sa aking kotse, wala akong driver dahil kaya ko namang magmaneho ng sarili. I'm already 27 years old, and a Police.
Nakarating na kami sa harap ng building ng kumpanya namin. Kinuha naman ng Valet ang aking sasakyan.
Pumasok na kami sa loob ni Daddy, maraming bumati sa kanya at halatang nirerespeto nila ang aking Ama.
"Siya yung anak ni Mr. Rodriguez, bakla!"
"Ang ganda niya! Nagiging lalaki na ata ulit ako, bakla!"
"I love her fashion style! That pink and gray combination is sooooo fantastic!"
"She look so cold."
"Tingin ko mataray at mahigpit siya."
"Balita ko, pulis daw ang anak ni Mr. Rodriguez."
"Ang lamig niya kung tumingin, katakot!"Iilan lang yan sa mga narinig kong usapan ng mga empleyado dito. Hindi ko na lang sila pinansin, mauubos lang ang enerhiya ko.
Umakyat kami ng 7th floor. Kalahati ng floor na iyon ay office ni Daddy. Ang kalahati naman ay nandoon ang waiting area, Secretary and Asst. Secretary's Desk, at pantry na para lang sa CEO at bisita ng CEO. Si Daddy ang Chairman at CEO ng company namin.
Pero kapag natrain na ako ng mabuti, sa akin mapupunta ang CEO position, kay Daddy pa rin ang pagiging Chairman ng Company.
Pumunta si Daddy sa gitna kung saan kita siya ng lahat. "Can I have you attention?" Tawag ni Daddy sa atensyon ng mga empleyado niya, nang marinig nila ang winika ni Daddy ay agad naman silang timigil sa kanilang mga ginagawa.
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomanceDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...