Chapter 24

25 3 2
                                    

Chapter 24

Shakira Joyce

NAGUGULAT akong nakatitig sa lalaking mahimbing ang tulog. "N-Nj?"

Ano ang ginagawa niya dito? Bakit siya nandito? Mali ata ang hinatiran sa aking bahay ng tauhan ni Russia.

Nanatali pa rin akong nakatitig sa lalaking nakahiga sa kama nang gumalaw ito. Akala ko ay magiging siya ngunit magpapalit lamang ito ng pwesto. Pumwesto ito sa kabilang gilid ng kama. Tila pinaparating nito na humiga ako sa gilid na iyon.

Hindi ko na lang pinansin si Nj dahil baka ay maling bahay nga ang napuntahan ko. Iisipin ko na lang iyon kapag may araw na. Ang iisipin ko ngayon ay kung saan ako tutulog.

May nakita akong sofa dito sa loob ng kwarto ngunit masyadong maliit. Kung tutulog naman ako sa sofa sa baba ay masyadong malamig. Baka maghanap na lang ako ng dito.

Naglinis ako ng katawan ko at nagpalit ng damit. Binuksan ko lahat ng cabinet dito at sa huling cabinet ako nakakita ng comforter. Kinuha ko iyon at binaba. Pinagpag ko iyon para magamit ko ng hindi nangangati. Alas tres na at pagkahigang pagkahiga ko sa sofa ay nakatulog agad ako.

Nagising ako nang maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Naamoy ko ang pamilyar na bango mula sa taong nagbubuhat sa akin kaya mas siniksik ko ang mukha ko sa leeg nito kaya nakatulog agad ako.

NAGISING ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Naramdaman kong may nakayakap sa aking likuran at nakasiksik ang mukha sa leeg ko. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa aking leeg na nagpapakiliti sa aking bagong gising na katawan. Ang mga yakap niya ay kayang magpakalma sa akin kaya hinayaan ko lamang iyon.

Dahan dahan akong humarap sa kanya. Masyadong malapit ang mukha namin ngunit hindi ko inalintana iyon. Nakatitig lamang ako sa mukha niya. Inilagay ko ang daliri ko dimple niyang malalim. Napahawak ako sa malambot niyang buhok at marahan kong ginagalaw upang hindi siya magising.

"Joyce? Hmm? Good morning." Husky'ng bati ni Nj sa akin. Tuwing naririnig ko talaga ang boses niya kapag bagong gising ay iba ang tibok ng puso ko. Bumibilis.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama na kahit alam kong sa sofa ako natulog. "Morning. Bakit mo ako nilipat dito?"

"Malamig sa baba." Simpleng sagot ni Nj at tumayo na rin mula sa pagkakahiga. Tumango ako sa sagot niya. Kumuha na ako ng damit pang-alis at dumiretso sa CR. Naligo agad ako at nagbihis na doon. Lumabas ako ng CR pero wala na doon si Nj marahil bumaba na. Hinanap ko na ang mga maleta ko pero pagkabukas doon ay underwear lang ang nandoon.

"Nasaan ang mga gamit ko?" Kahit doon sa pangalawang maleta ay wala na rin ang gamit ko.

Hinanap ko ang damit at mga gamit ko, nakita ko na sila sa cabinet at maayos ang pagkakalagay. Nagtaka man ako ngunit isa isa ko nang kinuha ang gamit ko para mailagay sa maleta ko ulit.

Iilang damit pa lang ang nalalagay ko nang pumasok sa kwarto si Nj. "What are you doing?" Kunot noong tanong ni Nj.

"Binabalik ko ang gamit ko. Bakit mo ba kasi nilagay sa cabinet? Aalis din ako, may misyon ako." Sagot ko kay Nj.

"No. Ibalik mo yang gamit mo." Mariing sambit ni Nj. Nagulat ako sa tono ng pananalita niya dahil hindi iyon tipikal na tono ng pananalita niya.

Bumuntong hininga siya at inabutan ako ng tubig na tinanggap ko naman. Ininom ko iyon, nakalahati ko ang tubig dahil uhaw ako.

Unti unti akong nakaramdam ng pagkaantok at nilingon si Nj. "A-Ano a-ang ni-nilagay m-mo?"

"I'm sorry." Yun ang huling narinig ko bago ako lamunin ng dilim.

NAGISING ako sa isang estrangherong silid. Inilibot ko ang paningin ko at pinakiramdaman ang bawat paligid. Naririnig ko ang mga huni ng ibon at tunog ng iba't ibang hayop.

Nagising ako sa isang kwarto na gawa sa kahoy. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Sakto ang laki ng kwarto para sa dalawang tao, hindi man ito kasinglaki ng kwartong tinulugan ko kaninang madaling araw pero mas gusto ko itong kwarto. Simpleng disenyo lang ang kwarto at sobrang komportable manatili dito.

Pumunta ako sa banyo. May maliit na bathtub, may bowl, may shower area na kasya ang isang tao sa space na iyon, at lababo sa harap ng isang salamin.

Maganda ang buong kwarto paano pa kaya kung lumabas ako. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang maliit na sala sa kaliwa at kusina na agad sa kanan. Maalit ang bahay ngunit napaka-cozy nito. Napag-gigitnaan ng sala at kusina ang pinto ng kwarto. Sa tapat naman ng kwarto ay may isa pang pintuan doon.

Kaya lumapit ako doon at binuksan ang pinto. Kwarto rin iyon ngunit walang nakalagay. Walang kama, lamesa, upuan, o kahit ano pa. Kwartong walang laman iyon. Mas maliit nga lang kumpara sa kwarto kung saan ako nagising.

Lumabas naman ako ng bahay at isang napakatahimik at napakagandang tanawin ang nabungaran ko. Nasa isa akong gubat! Naririnig ko rin dito ang mahinang paglagaslas ng tubig at wari ko ay isa iyong falls.

Bakit ako nandito? Huling naalala ko ay nasa isang bahay ako na malaki para sa misyon ko at nagaayos ako ng gamit ko dahil nilipat iyon ni Nj. Pinainom niya ako ng tubig at nawalan ako ng malay!

Nasaan si Nj kung ganon?

"Joyce! Good Morning! Ang haba ng tulog mo!" Nakangiting sabi ng bagong dating na si Nj. Wala siyang damit pang-itaas at may hawak siyang mga kahoy na nakapatong sa kanyang balikat.

Napatitig ako sa kanyang pawisan na mukha pababa sa tyan niyang may abs. Ang pawis niya ay tumutulo mula sa kanyang mukha papuntang dibdib na mas nagpapainit ng tagpong iyon.

"Joyce, pwede mo naman kuhanan ng picture yung abs ko kasi baka matunaw sa init mong makatitig." May pang-aasar sa boses na sambit ni Nj.

"Tsk! Bakit ako nandito? May trabaho pa ako Nate Justine! Ano yung pinainom mo?! Considered na 'to as kidnapping!"

"Chill baby. We should eat first. Nagluto na ako ng breakfast natin. Then sa lunch magi-ihaw tayo, kumuha na ako ng mga pang-siga. Let's go!"

"Nate Justine! Answer my questions!"

"Kumain na tayo baby!"

"I'm not your baby! I have a girlfriend!"

"Let's eat, Joyce." Seryosong sabi ni Nj at tumitig sa mata ko. Tila ba ay isang mahika dahil sumunod ang katawan ko papasok sa loob ng bahay.

to be continued.



DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon