Chapter 32
Shakira Joyce
"BABY, let's date."
Nakatingin ako kay Nj para malaman ba kung seryoso siya, at nakita ko ang mukha niyang seryoso.
"T-teka! Bakit? For what?" Tanong ko kay Nj.
"I just feel like it. Magbihis ka na baby." Sabi ni Nj at iniwan ako sa harap ng kwarto ko. "Wait. Wear something casual." Pahabol na sabi ni Nj.
Pumasok ako sa kwarto at pumunta sa closet. Kumuha ako ng maong shorts, white sando, green polo, at white shoes. Simple lang ang sinuot ko dahil sabi naman niya ay casual lang. Sinuot ko na ang mga iyon at humarap sa salamin, naglagay ako ng lip gloss at nagblush ng kaunti. Naglagay rin ako ng mascara para ma-emphasize ang mata ko.
Bumaba na ako sa sala at nakita ko doon si Nj sa bagong palit niyang dami. Suot niya ang maong pants, white sando, green checkered polo, at white shoes. Tinitigan ko siya sa suot niya, napatingin rin ako sa akin.
Hindi naman kami nag-usap pero ano ito?
"Saan galing yang damit mo?" Tanong ko kay Nj.
"Couple outfit tayo baby! Galing to sa sasakyan. Lagi kasi akong may spare clothes doon." Sagot ni Nj. "Tara na!"
Hinila ako ni Nj papunta sa sasakyan niya, inayos niya ang seatbelt ko at umalis na. "Baby, wala akong maisip na unique date. Pagpasensyahan mo na ako." Sabi bigla ni Nj. Nandito kasi kami sa parking lot ng Mall.
"Maga-arcade tayo, then manonood ng movie, at kakain tayo. Yun ang gagawin natin dito." Pahayag ni Nj sa plano niya. Tumango naman ako.
"Baby, do you listen to Ben&Ben?" Tanong bigla ni Nj.
"Yes. I love their songs. It's calming. I'm not a fan of them tho." Sagot ko kay Nj. Tumango naman ito. "What's your favorite song of them?" Tanong muli ni Nj.
Naglalakad kami ngayon papunta sa isang arcade. "Araw-Araw. Yun 'yong nagustuhan ko talaga sa mga kanta nila." Sabi ko kay Nj. Papasok na kami sa arcade at dumiretso sa cashier.
"Tokens please." Sabi ni Nj sa Cashier at naglabas ng isang libo.
"How much Sir?" Tanong ng Cashier kay Nj.
"Huh?" Takang tanong ni Nj kaya sumingit na ako. "100 pesos only, Miss." Sabi ko sa babae at bahagya pang ngumiti. Napatitig sa akin ang babae na tinitigan ko rin na may halong pagtataka.
"Miss, humahaba na ang pila. Wag mo nang titigan ang girlfriend ko." Biglang sabi ni Nj at kumatok pa sa glass.
"Sorry Sir." Paumanhin ng babae at mabilis na binigay ang tokens at sukli ni Nj. Kinuha naman iyon ni Nj at umalis na sa cashier.
"Bakit kailangan mo pang sungitan yung kahera?" Tanong ko kay Nj. "Nakatitig siya sayo. Hindi lang lalaki napapatitig sayo, pati na rin babae. Tsk." Sabi ni Nj kaya napatawa ako. "Cute mo talaga." Sabi ko at umalis sa harapan ni Nj para dumiretso sa dance revo.
"Tara! Dance revo tayo!" Yaya ko kay Nj at pumwesto na sa isa sa mga platform doon. Naghulog naman si Nj ng apat tokens. Nilapag ko ang shoulder bag ko sa baba ng tv.
Pinili kong kanta ay ang Love Scenario By Ikon. Nag-hard kaming dalawa ni Nj at tinignan kung sino ang mas mataas ang score. Natapos ang kanta na ako ang may mas mataas na score. "Weak!" Pang-aasar ko kay Nj kaya umulit muli kami sa ibang kanta na. At ganon pa rin ang resulta.
"Wag na tayo dito baby!" Angal ni Nj kaya pumayag na ako. Pumunta naman kami sa basketball na arcade. "Laban ulit tayo?" Tanong ko kay Nj at pumwesto sa katabing machine niya.
Naghulog na kami ng tokens. Sunod sunod ang pag-shoot ko ng bola hanggang sa matapos ang time. 247 ang score ko at pagtingin ko kay Nj ay 300 ang score niya.
"Ulit! Tatalunin kita!" Sabi ko at muli na naman kaming naghulog ng token. Sa dami ng laro namin ay hindi man lang ako nanalo kay Nj. At habang patagal ng patagal ang laro ay pataas ng pataas ang lamang sa akin ni Nj kaya sinabi kong ayaw ko na doon.
Kung ano ano na ang nilaro namin sa arcade pampaubos lang ng oras. Alas dose kami pumunta dito at alas dos na kaya dumiretso kami sa isang movie theater.
Bumili si Nj ng tickets at pumasok na kami ng cinema. Saktong pagpasok namin ay saktong nagsisimula na ang movie. Umupo kami sa baba lang dahil tinatamad na kaming umakyat. Horror pala ang piniling panoorin ni Nj. "Baby, horror lang ang available ng ganitong oras. Okay lang sayo?" Bulong sa akin ni Nj. "Oo. Tara na. Nagsisimula na."
Nasa kalagitnaan na ng movie at doon sa nakakatakot na part ay nakaramdam ako ng antok. Kaya hinilig ko ang ulo ko kay Nj at unti unting pinikit ang mata.
"Baby, kung natatakot ka sabihin mo sa akin. Wag ka dyang magtago sa balikat ko." Yun ang huling narinig ko kay Nj bago ako tuluyang lamunin ng antok.
NAGISING ako sa mahinang yugyog sa akin. "Baby, tapos na ang movie. Tara na, kakain pa tayo." Sabi ni Nj noong nakita akong nakamulat.
"Nj, sorry nakatulog ako." Paumanhin ko kay Nj at ngumiti lang siya sa akin. "It's okay. Napagod ka siguro kaka-dance revo. Batak na batak ka, baby." Sabi ni Nj kaya sinuntok ko siya ng mahina sa braso. Tumayo na ako at lumabas na kami ng cinema.
"Nj, I'm craving for halo-halo. Razon's tayo." Sabi ko at hinila si Nj patungo sa Razon's. Naghanap na kami ng table at tumungo si Nj sa cashier para um-order. Bistik Tagalog ang akin, bangus silog, dalawang halo halo, at dalawa ring bottled water ang in-order ni Nj. May kasunod na waiter si Nj para magdala ng pagkain.
"Baby, let's eat. Nandyan na rin yung halo-halo mo." Sabi ni Nj at umupo na. Nagsimula naman kaming kumain ngunit napapansin kong patingin-tingin siya sa relo niya.
"Nagmamadali ba tayo? May pupuntahan ka pa?" Tanong ko kay Nj.
"It's just that.. may hinahabol akong oras baby. Let's eat na." Sabi ni Nj. Unconsciously binibilisan ko na ring kumain.
to be continued.
Outfit ni Nate Justine: *CTTO*
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomanceDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...