Chapter 29
Shakira Joyce
LUMIPAS ang isang linggo ay naging okay naman na ako. Masasabi kong okay dahil hindi ko na gaano iniisip si Natalie. Nawalan na rin kami ng komunikasyon. Walang text o tawag. Hinayaan ko na lang siya sa asawa niya.
Sa isang linggong lumipas ay hindi ko rin nakita si Nj. May inis pa rin akong nararamdaman sa kanya sapagkat hindi man lang siya nagsalita tungkol sa kasal ng bestfriend niya.
Tumawag sa akin sina Japan, Iceland, at Myanmar. Si Japan na nagpapasalamat sa leave na iyon. Si Myanmar na tuwang tuwa sa leave. At si Iceland na tumawag para sabihing paano ko daw nakumbinsi si Russia na pumayag. Sa bakasyon na iyon ay si Japan na hindi ko nahagilap. Si Myanmar na nag-focus sa pagiging Organizer. At si Iceland na nang-gugulo dito sa opisina ko, sinabi ni Iceland na ngayong buwan daw ang pinakamaraming pasok niya sa kumpanya niya.
Mas nag-focus naman ako sa kumpanya namin para mawala sa isip ko si Natalie. Hindi rin madaling mawala ang sakit dahil sa tagal rin ng relasyon namin ni Natalie.
Tumanggap rin ako ng iilang projects para mas maging busy pa ako. Mas sineryoso ko na rin ang pagt-training dito sa kumpanya namin dahil nga gusto na ipasa sa akin ni Daddy ang posisyon niya dito.
Nagd-drawing ako ng mga plates nang pumasok sa opisina ko ang aking sekretarya. "Miss, nandito po si Mr. Dela Vega." Sa isiping si Iceland iyon ay pumayag ako. Lumabas na ang sekretarya ko at pinapasok ang naghahanap sa akin.
"Bakit ka na naman nandito, Michael?" Sinabi ko iyon nang hindi inaangat ang paningin ko.
"Joyce, Baby, I'm sorry." Narinig ko ang pamilyar na boses ni Nj kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"Nj?"
"Joyce, I'm really sorry that I didn't tell you. Binilin kasi ni Natalie na wag kong sasabihin. I'll come clean now, sinabi ni Natalie na dalhin kita sa malayong lugar kung saan walang komunikasyon sa akin niya sinabi dahil alam ni Natalie ang nararamdaman ko sayo. Yun lang sinabi niya." Mahabang pahayag ni Nj.
"Pinagplanuhan ninyo ako?" Mahinahon kong tanong kay Nj.
"No no no.... I just don't want you to be hurt. Kaya ako pumayag. Please believe me. I just did that because I love you." Sinserong saad ni Nj.
"Nj.." Napapagod kong sambit sa pangalan niya. "Nasasaktan pa rin ako. Kahit alam ko ang dahilan, nasasaktan pa rin ako." Sambit ko sa mahinang boses,
"Joyce, can I break my promise that I won't bother you after that one month? I can't be away from you. That one week without you was hellish but I did that because I know you needed time for yourself." Marahang sabi ni Nj na tila iniingatan ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig.
"Nj.. sa tingin mo ba mapipigilan kita?" Tanong ko kay Nj na natatawa.
"Bakit ka tumatawa? Seryoso ako dito." Sabi ni Nj.
"Natatawa ako kasi nagtatanong ka pa, as if naman na mapipigilan kita." Sabi ko sa kanya.
"Kung di mo rin pala ako mapipigilan. Liligawan na rin kita ngayon." Ngisi ni Nj sa akin.
"Hoy! Kakagaling ko lang sa break up." Singhal ko kay Nj na nakangisi sa akin.
"I'll wait for you. Mahal kita eh." Sinabi ni Nj sa seryosong boses at kumindat. Nirolyo ko ang mata ko at pinabayaan siya sa gusto niya.
Sa hindi malamang dahilan, mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na lamang pinansin at itinuloy ko na lamang ang plates. Biglang dumagsa sa utak ko ang mga ideas kaya napabilis ang pag-gawa ko.
Dahil sa dami din ay inabot ako ng ilang oras para matapos ang ilang plates na nasa akin. Pag-inat ko ay nandoon pa rin si Nj na inakala kong umalis na.
Nasa sofa siya at natutulog kaya naman ay lumapit ako sa kanya. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha, hinawakan ko ang malalim niyang dimples at ang malambot niyang buhok na masarap sa pakiramdam kapag hinahawakan.
"Hilig mo talagang titigan ako kapag natutulog ako." Biglang sambit ni Nj kaya napalayo ang kamay ko na mabilis namang hinawakan ni Nj at iginaya sa mukha niya.
"Ang sarap sa pakiramdam ng kamay mo sa mukha ko." Nanatali pa rin ang aking kamay sa mukha niya na hawak pa rin ni Nj.
"Get up. Uuwi na ako." Sinabi ko iyon pagkaraan ng ilang minuto. "Hmm? Let's go. Hatid na kita." Tumango ako sa kanya. Binitawan na ni Nj ang kamay ko at umupo sa pagkakahiga. Ako naman ay tumayo at pumunta sa lamesa ko para ayusin ang gamit ko.
Nang maayos ko na ay nilapitan ko na si Nj. "Tara." Yaya ko at naunang maglakad palabas ng opisina ko. Nauna nang umuwi ang sekretarya ko kaya walang tao na sa labas. Humabol naman si Nj at hinawakan ang kamay ko.
"Yah!" Saway ko at tinatanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko ngunit hinigpitan niya ito. "Tsk."
"Nj, wala ka bang pasok? Nandito ka buong maghapon sa opisina ko. Nawala ka pa ng one month, buti ay buhay pa ang kumpanya mo." Sabi ko kay Nj habang papalapit sa sasakyan niya.
"Baby, mabubuhay ang kumpanya ko kahit hindi ako pumasok. At I have trusted employees kaya kampante ako." Sabi ni Nj na may halong pagmamayabang. Hindi ko na sinita ang pagtawag niya sa aking baby dahil hindi rin naman susundin iyon ni Nj.
"Hindi ka ba matatambakan ng trabaho." Tanong ko kay Nj na inaayos ang seatbelt sa akin.
Tumigil siya sa harap ng mukha ko na may kaunting distansya sa pagitan namin at nagsalita. "Baby, I managed my time. You are now one of my priorities, that's why you will see me more often." At mabilis na hinalikan ako sa labi bago bumalik sa kanyang inuupuan.
Natigilan ako at ito na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. "Hey! Why did you kiss me?! May nanliligaw bang nahalikan na agad ang nililigawan?" Angal ko kag Nj.
"Oo meron. Pangalan niya ay Nate Justine." Sagot niya habang nagtataas-baba ang kilay kaya naman ay sinuntok ko siya sa braso.
"Baby! Masakit! Di pa nga tayo kinakasal pero battered husband na agad ako." Atungal ni Nj kaya nilakasan ko ang pagsuntok.
"Battered husband?!?! Hindi pa nga kita boyfriend!" May kalakasang boses kong sabi.
"Hindi pa. Shit baby, kinilig ako doon." Namula ako sa kanyang tinuran at hindi ko na siya hinarap. Narinig ko ang tawa ni Nj bago umandar ang sasakyan.
to be continued.
Note: Hi kay cgminormariano dahil kasama niya ngayon yung crush ko HAHAHAHAHA char!!
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomanceDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...