Chapter 28

24 2 0
                                    

Chapter 28

Shakira Joyce

GABI na ako nang makarating sa Pilipinas kaya umuwi muna ako sa aming bahay. Ngayong umaga ay pumunta ako sa restaurant ni Natalie.

Dire-diretso akonsa opisina ni Natalie at naabutan ko doon si Zion Fernandez. "Good Morning Mr. Zion Fernandez, the husband of my girlfriend." Ngumiti pa ako sa kanya bago muli nagsalita. "Can I punch you? That's just my reminder to take care of my girl or else I'll be the one who will face if you hurt her."

"So you knew? Did Natalie tell you? By the way, don't worry, Miss Shakira Rodriguez. I love Natalie more than you love her. I won't hurt her." Sagot ni ni Zion sa akin at agad ko namang sinuntok sa mukha si Zion. Nakita kong pumutok ang labi niya at dumugo.

"Damn. You punch too hard." Sabi ni Zion at hinawakan ang labi niyang pumutok. "I'm a policewoman afterall." I said to Zion. Zion excused himself to go to his car to clean the wound.

Umupo ako sa sofa ng upuan ni Natalie at hinintay siya doon. Maya maya pa ay dumating na si Natalie in her Chef's uniform.

"S-Sj." Gulat na sambit ni Natalie nang makita akong nakaupo sa sofa.

"Let's talk." Seryosong sabi ko kay Natalie. Nakita kong napalunok siya at nilock ang pintuan ng opisina niya. At nang humarap muli sa akin si Natalie ay nagsalita na ako.

"Bakit mo tinago? Bakit? Pwede ka namang makipaghiwalay na sa akin eh. Bakit?" May hinanakit sa boses ko nang sabihin ko iyon.

"Sj, I'm sorry. I'm so sorry. I got scared. I don't know what to do. I really got scared." Nagsisimula nang umiyak si Natalie.

"Nasasaktan ako ngayon Natalie. Masakit."

"S–Sj.. I love you, okay?"

"I love you too. But we have to stop our relationship." Kahit masakit para sa akin ay sinabi ko iyon. Wala na akong laban kung kasal na sila.

"S–Sj. I'm sorry. Nalaman ni Papa ang relasyon natin at hindi siya sang-ayon. Kababata ko si Zion, at pinilit niyang ikasal kami noong sinabi ko sayong may biglaang lakad kami. Yun na pala ang kasal namin. I swear, hindi ko ginusto ito." Umiiyak na saad ni Natalie.

"We cannot do anything. Kasal ka na. Maghihiwalay na tayo. Maybe in another life, we will be together." Mahina kong sabi at niyakap si Natalie. Doon na tumulo ang luha ko. "Thank you for 1 and a half years of relationship with you. I will treasure it. I love you Natalie." Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Natalie at bumitaw na.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa pinto. "Love your husband more than you love me. He loves you. I saw it in his eyes. Don't keep your love from me, let it go. Love him and care for him, okay? I am always here for you. I love you." Pagkasabi ko 'non ay binuksan ko na ang pintuan ng opisina ni Natalie. Pinunasan ko ang luha ko at dire-diretsong lumabas ng restaurant niya.

Pagkapasok ko sa sasakyan ay tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Ilang minuto rin akong umiiyak bago ako kumalma. Pinaandar ko na ang sasakyan at dumiretso sa bahay. May isang linggo pa ako bago matapos ang vacation leave ko.

Pagkadating ko sa bahay humiga na agad ako sa kama. Dalawang araw ako hindi lumabas ng kwarto dahil hinihilom ko pa ang sarili ko.

Pagkatapos ng dalawang araw ay lumabas na ako at pumunta sa HQ. Pinuntahan ko agad si Russia.

"Africa!" Gulat na sambit ni Russia ng makita akong binuksan ang pintuan ng opisina niya.

Dire-diretso ako at sinuntok sa mukha si Russia. "Hey! I'm still your superior!" Angil ni Russia sa akin.

"You're my superior but you made me leave the country for a month for your so-called mission! You're my superior but you made me guard your friend! All because he requested it!" Sigaw ko kay Russia.

"I'm sorry, okay? Nate and his cousins are my friends. Forgive me, okay?" Sinserong sabi ni Russia.

"Fuck you. I'm still pissed."

"I'm sorry, okay? Gagawin ko gusto mo, sabihin mo lang." Napangisi ako sa sinabi ni  Russia. "Really?" May ngisi sa labi kong sabi.

"Uh yeah." Alanganing sagot ni Russia noong makita niya ang ngisi ko sa labi.

"Gusto ko mag-leave. Indefinite leave. Kaya mo naman i-approve diba? Syempre kasama si Myanmar, Japan, at Iceland. Yun lang naman." Sabi ko kay Russia. Kaming apat kasi ang top agents na handle ni Russia. Kaya kung mawawala kaming lahat ay wala siyang katulong maghandle ng mga tauhan niya. Hinati kasi sa lima ang tauhan na handle ni Russia. Binigyan niya kaming apat ng kanya kanyang tauhan na iha-handle dahil nga kami ang pinagkakatiwalaan ni Russia.

"What the fuck Africa?!"

"Bakit? Sige, granito na lang. 1 month ang leave noong tatlo tapos sa akin ay indefinite leave. Hayaan mo babalik naman ako eh." Sambit ko kay Russia akmang magrereklamo siya ng magsalita muli ako. "Stefano, may kasalanan ka." Sinabi ko ang pangalan niya na nakita ko noong tumawag siya sa cellphone ni Nj.

Bumuntong hininga si Russia at sumagot. "Oo na." Napangiti naman ako sa sagot ni Russia at nagpaalam na uuwi na.

Pagpasok ko sa sasakyan ay binuksan ko ang cellphone ko at pumunta sa browser. Tinitignan ko ang mga pictures ni Natalie at Zion. Masakit pa rin. Pero nakikita ko namang sasaya si Natalie sa piling ni Zion kaya nakakampante na ako. Masakit ngunit kailangan kong tanggapin.

Umalis na ako sa HQ at nagdrive kung saan. Namalayan ko na lang na pumunta pala ako  sa restaurant ni Natalie. Hindi ako bumaba ng sasakyan at nandoon lang ako. Pinapanood si Natalie na naga-assist ng costumer niya. Nakita ko muli ang singsing niya, ngayon ko lang napagtagpi tagpi ang lahat.

Ayos na ako dito kahit malayo ay nakikita kong nakangiti si Natalie. Maayos na ako. Nanatali akong nago-obserba mula sa sasakyan ko. Mukha na nga akong stalker nito eh.

Habang nakatitig ako kay Natalie ay nakita kong napatingin sa akin si Natalie. Bahagya pa siyang nagulat. Alam niya kung ano ang sasakyan ko kaya alam niyang ako ang naroroon. Akmang lalabas na siya ng restaurant ay binuhay ko na ang makina ng sasakyan ko at umalis sa lugar na iyon.

Hindi ko pa rin kayang harapin si Natalie. Nasasaktan pa rin ako.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon