Chapter 34

32 2 1
                                    

Chapter 34

Shakira Joyce

LUMIPAS ang anim na buwan at patuloy pa rin sa panliligaw si Nj. Matyaga niya akong hinihintay para feelings ko na mabuo.

Hindi ko maitatanggi na mayroong pagbabago. Ang kirot sa tuwing iniisip kong may asawa na si Natalie ay nawala na. Kaya ko na rin siyang harapin muli. Sa katunayan ay nagusap muli kami noong isang araw sa restaurant niya.

Nag-drive ako papunta sa restaurant ni Natalie dahil namimiss ko na ang mga luto at pagkain sa restaurant niya. Malaki ang ikinasikat ni Natalie at Restaurant niya sapagkat isang napakalaking pangalan ang napangasawa niya na kapareho rin niya sa industriya. Alam kong bagay talaga sila.

"Welcome to — Miss Shakira! Long time no see po!" Bati ng guard ng restaurant ni Natalie na hanggang ngayon pala ay doon pa rin nagt-trabaho.

"Si Natalie?" Nakangiti kong tanong sa guard.

"Nandyan na po sa loob, Ma'am! Pasok na ho kayo!" Masiglang sabi ng guard ni Natalie. "Maraming salamat."

Umupo ako sa isang bakanteng silya na malapit sa glass wall kung saan nakikita ang kusina. Tinititigan ko si Natalie, wala na roon ang pagmamahal kundi paghanga na lamang ang natira.

"Shakira Rodriguez?" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko. "Zion! Long time no see." Bati ko sa asawa ni Natalie. Niramdam ko ang puso ko, at wala na doon ang kirot na naramdaman ko sa tuwing nakikita ko si Zion.

"Long time no see din! Are you here to see my wife?" Nakangiting tanong ni Zion. "Actually, I'm craving for her cooking. Don't get me wrong, I already moved on. I just miss the food in this restaurant." Sabi ko kay Zion na walang bahid ng sarkasmo, at purong nakangiti ako sa kanya.

"Let me call my wife. Wife! Shakira is here!" Pagtawag ni Zion na kinatok pa ang glass wall kaya napatingin sa akin si Natalie, nanlalaki ang mata. Ngumiti naman ako kay Natalie.

Lumabas si Natalie sa kitchen at dumiretso sa akin para yakapin ako na sinuklian ko naman. "Long time no see, Natnat." Sabi ko habang nakayakap kaming dalawa.

Humiwalay kami sa yakap ng tumikhim ang asawa ni Natalie, inirapan siya ni Natalie at napangiti naman ako. "Let's talk in my office. Magpapaluto na ako ng paborito mo." Sabi ni Natalie at umalis sa harapan ko para bumalik sa kitchen.

"Zion, don't be jealous." Natatawa kong sambit sa asawa ni Natalie. "Hindi ako nagseselos. Sa akin na siya, kasal na siya sa akin." Sabi ni Zion na ikinangiti ko. Nasa tamang kamay si Natalie.

Dumating si Natalie at hinawakan ako sa pulsuhan para hilahin papunta sa opisina niya. "Yah! Namiss kita!" Sabi ni Natalie pagkapasok namin sa opisina niya. Napatawa naman ako bago sumagot, "Yeah, me too."

Umupo kami sa sofa ni Natalie at nagsimula na siyang magtanong. "Kamusta ka?" Tanong ni Natalie. "I'm okay. Nakamove on na ako at tanggap ko na ring may asawa ka na." Sinsero kong sabi kay Natalie. "Ikaw? Kamusta buhay may asawa?"

"Nako! Wag mo nang tanungin! Ako ang magi-interview sayo. Kamusta panliligaw ng bestfriend ko? Balita ko anim na buwan ka na niyang nililigawan?" Sambit ni Natalie.

"Persistent si Nj which I really like. Di ko pa sinasagot, siguro dahil sa three-month-rule. Napatagal lang kasi gusto kong i-sure na wala na talaga akong feelings para sayo." Nakangiti kong sabi kay Natalie.

"Sj, inlove ka na sa bestfriend ko. Iba ang ningning ng mata mo nang banggitin mo ang pangalan niya, ningning na hindi ko nakita noong tayo pang dalawa." Sabi ni Natalie.

"M-Mahal ko na?" Nagkanda utal-utal kong sambit. Tumango naman si Natalie.

"What can you feel about him? Bumibilis ang tibok ng puso mo kapag kasama mo siya? Nagiging mahina ka kapag kasama mo siya? Sa tingin mo ay safe kang kasama siya? At nakikita mo ba ang future mo na kasama mo siya?" Tanong ni Natalie. Napatitig ako sa kanya.

"Oo lahat ang sagot." Bulong kong sabi. Napangiti naman si Natalie. "Inlove ka na sa bestfriend ko. Wag mo nang patagalin at sagutin mo na siya. You deserve each other,  Sj. Baka jj couple yan." Sabi ni Natalie. Napatawa naman ako. Nagpatuloy kami sa kwentuhan, kahit na dumating ang pagkain ay tuloy pa rin kami.

Naging magkaibigan na kami ni Natalie. Maaaring maging kaibigan ang ex basta wala kayong ginagawang masama at hindi immature ang present.

Sa usapan namin ni Natalie, may narealize ako. Mahal ko na nga si Nj.

Napukaw ang atensyon nang marinig ko ang pag-ring ng telepono ko.

Nj calling...

"Baby! Let's have dinner date, okay?"

"Desisyon ka na naman, Nj."

"Alam ko bamang papayag ka eh."

"Tsk! Oo na. Sunduin mo ako dito."

"Yes baby. Love you." Hindi ko na sinagot at binabaan ng tawag.

Lumipas ang oras at uwian na. Napadako ang tingin ko sa orasan. Alas otso. Nagsimula na akong mag-ayos ng gamit ko nang may pumasok sa opisina ko. Naamoy ko agad ang pamilyar na bango, alam kong si Nj iyon.

"Let's go." Sabi ko at pumunta sa tabi ni Nj. Kinuha niya ang kamay ko para hawakan niya. Pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa.

Mabilis naman kaming nakapunta sa isang restaurant. Nag-order na kami ng makakain na mabilis namang dumating.

"Nj, I went to Natalie's restaurant the other day." Panimula ko. Nakuha ko agad ang atensyon niya kasi tumingin siya sa akin.

"Why?" Tanong ni Nj. "We just talked some things. And I realized something." Sabi ko kay Nj.

"W-What?" Tanong muli ni Nj at di ko siya sinagot pero nginitian ko naman siya. Tahimik muli kaming kumakain nang basagin naman ni Nj ang katamikan.

"Birthday ni Lola, twoq days from now. Can I ask you to go with me there?" Tanong sa akin ni Nj. Nginitian ko siya bago magsalita. "Oo, sasama ako." Sagot ko at napangiti naman ng malapad si Nj.

"Teka, bakit kailangan kasama pa ako? Diba birthday ng Lola mo is also a family reunion?" Tanong ko.

"Yes, it's a family reunion. I want to introduce you to my family because you're the girl whom I love." Nakangiting sagot ni Nj sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso.

Lalo akong nahuhulog kay Nj.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon