Chapter 5

36 3 0
                                    

Chapter 5

Shakira Joyce's Point of View

MALAKI ang ngiti nitong lalaking kasama ko ngayon, na para bang ang ganda ng nangyari.

"Pumapabor sa akin ang tadhana. Akalain mo 'yun? May lunch date tayong dalawa na hindi plinaplano?" Ngising sabi ng damuhong 'to.

"Pwede ba? Hindi 'to lunch date. Mandiri ka nga sa sinasabi mo." Mataray kong saad sa kanya.

"Kung para sayo hindi ito lunch date, para sa akin, Oo. First date natin 'to." Sambit niya.

"Mr. Dela Ve—,"

"Nj."

"Huh? Ano? Mr. Dela Ve—,"

"I said Nj." Mariing sabi ng lalaking ito.

"Nj, what?"

"Call me Nj! Damn it."

"Why?"

"Because I told you so."

"What if I don't wanna call you that?"

"Then I'll call Natalie and tell her that you don't want to call me Nj and you will ditch me."

"Fuck you."

"Soon, babe." Sabi niya sa akin sabay kindat. Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at nagtitimping huwag saktan ang lalaking nasa harapan ko.

"Don't test my patience, Nj." May diin kong sabi sa pangalan niya. Pero ngumiti lang siya.

"Damn, Nj sounds sexy when you say it." I just rolled my eyes.

Nanahimik na lang ako, at hinayaan siya. Ayokong magsalita, baka mamura ko lang siya ng todo todo. Dumating na ang pagkain namin, pero nananahimik pa rin ako.

"Joyce, talk to me." Panguguha niya ng atensyon ko. Pero di ko pa rin siya pinapansin.

"Joyce?"

"Jooooyycceee?" Patuloy ko pa rin siyang di pinapansin.

Narinig kong tumunog ang aking cellphone,  nakita kong nagtext si Nat at tinatanong ako kung maayos ba ang daloy ng lunch ko. Nanghingi din siya ng sorry.

Ayos lang sa akin, basta si Nat. Nat is a very wonderful woman. Very understanding. Napangiti na lang ako sa isiping iyon. Pero naputol ang iniisip ko ng agawin ng lalaking ito ang cellphone ko.

"Ano bang problema mo?!"

"Damn it, Joyce! Anong problema ko?Kanina pa ako tawag ng tawag sayo pero hindi mo ako pinapansin. Isang tunog lang ng cellphone mo, pinansin mo agad. Akong nandito sa harap mo hindi!"

"Anong bang pake mo kung hindi kita pinapansin? Ha? Hindi kita boyfriend o kaano ano. Kliyente ka lang ng Tatay ko. Ni ayaw nga kitang makita eh. Okay? Give me back my phone."

Napatitig lang sa akin si Nj. Lumamig ang mga titig niya at mas lalong lumalim. Parang tinitignan niya ang buong pagkatao ko.

"Hindi mo nga pala ako kaano ano o boyfriend para mag-demand. I'm sorry for my childish act, Miss Rodriguez. I'll tell your father that we will not working together. I should go. You won't see me anymore." Malamig na sa sabi sa akin ni Nj saka umalis ng restaurant.

Natulala lang ako pero bumalik ako sa wisyo at patuloy na lang kumain. Inubos ko ang mga in-order ko. Naubos din pala niya ang pagkain niya.

Siraulong lalaki, ako pa pinagbayad ng kinain niya!

Naglakad ako pabalik sa office ng maalala kong na kay Nj pa ang cellphone ko!

"Stupid! Stupid!"

Pagkabalik ko ng office ay agad akong humarap sa laptop ko, at nag-email kay Iceland para i-hack ang cellphone ko at tanggalin lahat ng naroroon ilagay iyon sa aking extra phone. Dahil hindi ko na kukunin kay Nj ang cellphone ko. Sumagot naman si Iceland, at sinabing no problem. Nagpasalamat na lang ako.

Ang cellphone ko na hawak ni Nj, ay wala ng laman. Wala na siyang makikita doon. Messages, Files, Pictures, Contacts, at lahat. Para na iyong brand new.

Hawak ko ang aking extra phone, sinabi ko kay Natnat ang nangyari. Sabi niya kakausapin na lang niya si Nj.

NATAPOS ang 1 week vacation ko na nasa opisina. Hindi na rin nagpakita si Nj. Mas mabuti na 'yon at iwas gulo.

Nalaman na ni Daddy ang nangyari, pero hindi ang buo. Na sinigawan ko ang kliyente niya. Ang alam niya lang ay mas gusto ni Nj na makipagdeal kay Daddy. Yun lang at wala ng iba. Nag-usap kami ni Daddy tungkol doon, wala naman siyang magagawa dahil hiling iyon ng kliyente niya. Alam kong nagtataka si Daddy pero di na siya nagtanong pa.

Nag-usap na rin kami ni Daddy tungkol sa pagiging pulis ko. Sabi ko, aasikasuhin ko pa rin ang kumpanya tuwing natatapos ako sa mga misyon ko. Sinabi ko ring di ako makakapasok sa opisina at dito na lang sa bahay gagawin ang mga paperworks. Pumayag si Daddy, dahil alam naman niyang di ko pababayaan ang kumpanya.

Hindi ako magre-resign sa pagiging Africa ko dahil lang sa magiging CEO ako ng kumpanya namin.

Naging routine ko ay papasok ako ng umaga bilang Pulis, at pagkauwi ko ay titignan ko na lahat ng paperworks. Ganon ang naging routine ko pagkalipas ng isang linggo.

Pinupuntahan na lang ako ni Kyla, na ngayong sekretarya ko na, para ibalita ang nangyayari sa Opisina.

Kagaya na lang ngayon, nandito si Kyla para ipaalam sa aking may meeting si Daddy at mga bigating kliyente niya bukas. At kailangan daw nandoon ako, kasi pagiging CEO na daw ako in the future.

Nagsabi na ako sa aking superior na hindi ako papasok bukas. Dinahilan kong personal matters. Pumayag naman si Russia, dahil alam niyang madalang akong um-absent.

Tinext ko rin si Natnat na mag-date kami bukas after ng meeting namin. Pumayag naman si Nat, miss na rin naman namin ang isa't isa.

NANDITO na ako sa aking opisina dito at hinihintay ko na lang na tawagin ako ng ni Kyla.

Habang naghihintay ay binasa ko ang mga papel ng mga makaka-meeting ko. Napukaw ng isang pangalan ang atensyon ko.

Mr. Nate Justine Dela Vega, owner of Dela Vega Airlines and Dela Vega Cruise and Ships.

Nalimutan kong isang bigating kliyente pala siya. Marami na siyang pag-aari sa edad niya. Nakita ko ring ka-edad ko siya, marami na siya na-achieve para sa kanyang Airlines at Cruise and Ship Company niya.

Napahanga niya ako 'don.

Isang bigating tao ang sinigawan ko sa isang pampublikong lugar, at minura ko rin. Buti hindi niya pinutol ang deal niya dito sa kumpanya.

Bahala na mamaya kung paano ko siya kakausapin ukol sa mga uungkating topic mamaya.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon