Chapter 10

38 3 0
                                    

Chapter 10

Shakira Joyce

"JOYCE." 

"Nj." Sabay naming sambit. Hindi ko inakalang makikita ko silang dalawa dito.

"Sj, Justine is my date. Wala daw kasi siyang date dito, ako naman ang bestfriend niya kaya pumayag ako." Paliwanag ni Natnat sa akin. Tumango ako sa kanya.

"Ikaw, sinong kasama mo?" Tanong ni Natnat sa akin, nang may biglang lalaking humawak ng aking bewang.

"Shaq, iniwan mo naman ako eh." Sabi ng bagong dating na si Michael. Bahagya akong lumapit kay Natnat para bumulong. "Nat, don't be jealous. May mission kami at siya ang kapartner ko." Tumango lang din si Nat at ngumiti sa akin at kay Michael.

"Michael, bakit mo siya kasama? Bakit hawak mo ang bewang niya? Siya ba ang sinasabi mong date mo dito?" Madilim ang mukhang sabi ni Nj kay Michael at bahagya pang umigting ang kanyang panga habang mariing nakatitig kay Michael na balewala lang ang emosyon sa mukha.

"Uhh.. so? I mean anong pake mo kung kasama ko siya? Hindi mo naman siya girlfriend." Savage talaga 'to kahit kailan. Lihim naman akong napangisi.

Lumingon ako sa gawi ni Natnat na mukhang nagseselos sa kamay ni Michael na nakahawak sa bewang ko. Kaya pasimple kong tinanggal ang kamay ni Michael, napalingon siya sa akin. Sinenyasan ko siyang kakausapin ko si Natnat. Tumango naman siya.

Inakay ko si Natnat sa lugar kung saan wala masyadong dumadaan.

"Natnat, may misyon kami dito. Wag kang magselos kay Michael, okay? Kailangan lang naming umakto." Paliwanag ko kay Natnat.

"Hmm. I understand. Alam ko namang trabaho lang 'yon eh, pero nagseselos pa rin ako." Sagot ni Natnat habang nakatitig sa mata ko. Iba't ibang emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

"Hey, don't be jealous. Ikaw ang mahal ko." Sabi ko at hinalikan sa noo si Natnat, sabay yakap sa kanya na agad naman niyang tinugunan.

"Nat, wag kang hihiwalay kay Nj ano man ang mangyari. Wag na wag, okay? Delikado ang mangyayari ngayon." Bulong ko kay Natnat. Naramdaman ko namang tumango siya sa akin.

"Bakit ka pa kasi sumama dito. Tsk." Iritang bulong ko kaya napatawa naman si Natnat.

"Inaya ako ni Justine eh. Tsaka sabi niya kasi di daw niya mahagilap yung babaeng gusto niyang mahanap kaya ako ang inaya niya. Di ko na nasabi sayo kasi lagi naman ganto ang routine namin ni Justine total walang nakakaalam ng relasyon natin."

"Tsh. Oo na, oo na. Basta wag kang aalis sa tabi ni Justine kahit anong mangyari." Mariin kong paalala sa kanya nakahawak ako sa balikat niya at nakatitig sa mata niya. Ngumiti naman siya na nagsasabi na wala dapat akong ipagalala.

May napansin akong lalaki na nasa 40's ang edad kaya niyaya ko na agad si Natnat na bumalik sa dalawa. Naglakad na kami palapit sa dalawang Dela Vega. Si Nj na ang sama ng tingin kay Michael na may nang-aasar na mukha.

Lumapit ako agad kay Michael at nilapit ang aking mukha sa kanyang tenga. "Nakita ko na ang target natin." Bulong ko kay Michael. Lumingon siya sa akin at tumango bago bumaling kay Nj na mas lalong dumilim ang mukha.

"Paano ba yan cousin of mine, kailangan na naming umalis ng date ko kasi may gagawin pa kami." Nakangising paalam ni Michael kay Nj na masama ang tingin kay Michael.

If looks can kill, kanina pa duguan dito si Michael sa talim ng titig ng lalaking ito. Ano ba naman kasi ang ginawa ni Michael dito?

Lumingon ako kay Natnat at ngumiti sa kanya, bago ako umangkla kay Michael. Pagkatalikod namin ay nawala ang mapaglarong ngisi sa labi ni Michael, at ako naman ay biglang nawalan ng emosyon sa mukha.

Let's end this shit.

Lumapit naman kami ni Michael kay Roel Gomez. "Good Evening, Mr. Gomez." Kung hindi mo alam ang tunay na pakay namin ay hindi mo iyon mahahalata sa malambing na pagkakasabi ko ng mga kataga na iyon.

"Mr. Gomez, your event is very well organized. And I love the reason of this event. I really have soft spot for children with illness." Ang pagkakasambit ni Michael sa mga salitang iyon ay tila may paghanga sa boses. Kung hindi ko ito kapartner ay maniniwala akong may hanga talaga sa boses niya.

"Thank you very much, Mr. I'm very pleased that you really have soft spot for the children. Kakaunti na lang ang ganyang mga mayayaman. Ang may pagmamahal sa mga bata." Nakangiting sabi ni Roel Gomez. Kakaunti na nga lang na mayayaman ang may tunay na pagmamahal sa mga bata ginagamit mo pa sila sa kasakiman mo.

Kahit na gigil na gigil ako ay ngumiti pa ako sa kanya ng isang ngiti na nagsasabi na ako ay humahanga sa kanya.

"Mr. Gomez, meet my fiancée." Pagpapakilala sa akin ni Michael at bahagya pang hinapit ang bewang ko. Ngumiti naman ako ng pagkatamis-tamis kahit gusto ko ng barilin ang nasa harapan ko.

"Nice to meet you. You have a lovely fiancée here." Tuwa pang sabi ni Roel Gomez. Tumawa lang si Michael.

May dumating biglang lalaki. Tinignan ko ito at nakilala. Si Jef Tores ang kanang kamay ni Roel Gomez. Bumulong si Jef kay Roel. "Couple, please excuse me. Dumating na kasi ang inaabangan kong bisita." Paalam ni Roel sa amin. Tumango kami ni Michael at pilit na ngumiti.

Pagkaalis ni Roel Gomez ay nagkatinginan kami Michael. "This is Iceland. Ready your position." Sabi ni Michael sa earpiece niya.

"This is Africa. Susundan namin ang target. Always be ready and attentive." Bilin ko sa mga backup na kasama namin.

Dahan dahan naman naming sinundan ni Michael si Roel Gomez. May pakiramdam akong may mangyayari ngayon na hindi ko inaasahan.

Nasa ikalawang palapag na kami ni Michael, wala na ditong tao sa ikalawang palapag. Patuloy pa rin namin sinusundan si Roel Gomez nang bigla namin nakaharap si Jef Tores.

"Hindi kayo magaling umakto." Sabi ni Jef Tores sa amin. Naging alerto naman kami agad ni Michael.

"SOS." Sabi ko bigla sa aking earpiece.

Dumating ang mga tauhan ni Jef. "Linisin niyo sila. Dapat hindi ito malaman ni Boss." Pagkasabi 'non ay umalis na si Jef.

Sumugod agad ang isang dosenang tauhan ni Roel Gomez sa amin. Inilabas ko agad ang glock 42 na nasa hita ko. Binaril ko agad sila sa kanilang mga binti at braso upang hindi na sila makatayo at makahawak ng baril. Nilapitan ko ang anim na sumugod sa akin at kinapa ang leeg upang diinan ang ugat para mawalan sila ng malay. Nakita kong ganon din ang ginawa ni Michael.

Tumakbo naman kami agad. Nakita naming kasunod namin ang mga backup. Nagulat pa ako ng makita ko si Japan na kasama nila.

"Japan! Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Duh! Isa ako sa mga pinadala na backup niyo. Ako kaya leader ng mga backup niyo." Sagot ni Japan sa akin. "May mga tauhan na naiwan sa baba para paalisin ang mga bisita sa lugar na ito." Sabi ni Japan sa amin habang tumatakbo.

"Africa! Iceland! Japan! May isang guest dito na naiwan! Sabi niya nawawala daw ang bestfriend niya ang pangalan ay Natalie Perez!" Nanlamig ang katawan ko sa sinabi ng isa sa mga backup sa aming earpiece. May hinala na agad ako kung sino ang kumuha kay Natalie.

That Jef Motherfucking Tores!

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon