Epilogue
AT FIRST I was just curious about her. Like how she didn't react to me when she saw me unlike the other girls.
I just want to know her because she's so different. The way she stares, the often she smiles, her emotionless voice, her lovely face, and her unique personality.
Pinatignan ko ang mga information niya kay Michael and I decided na maging kliyente ng kumpanya nila. Di ko inakalang doon ko siya makikilala.
Nalaman ko ring magkakilala sila ni Natalie. Noong una akala ko lang talaga ay magkaibigan sila. Sinabi ko pa kay Natalie ang nararamdaman ko patungkol kay Joyce.
Sinimulan kong obserbahan si Joyce, at marami akong napansin lalo kapag kasama namin si Natalie. Nagiiba ang pakikitungo ni Joyce kapag kasama namin si Natalie. Tila ba natutunaw ang yelong nakapaligid kay Joyce.
"Yow! Nate! Balita ko pupunta ka sa party ni Roel Gomez? May date ka na?" Tanong ni Michael noong dumaan siya sa opisina ko.
"I want Joyce to be my date. Pero sa tingin ko hindi siya papayag, kaya baka si Natalie." Sagot ko kay Michael.
"Hmm. Ako merong date, maganda." Nakangising sabi ni Michael.
"I don't care." Sagot ko na lang kay Michael.
At noong dumating ang party ay nagulat akong si Joyce ang kapartner ni Michael kaya nagdidilim ang paningin ko noong oras na iyon. Umalis pa si Natalie at Joyce, kaya inasar asar pa ako ni Michael.
Noong gabi rin na iyon ay may nangyaring engkwentro na hindi ko inaasahan. Nabaril pa ako ngunit ginamit ko ang sitwasyon na iyon para mapalapit kay Joyce.
Binantayan ako ni Joyce kahit hindi ko naman talaga iyon kailangan, pero dahil sa kagustuhan kong mapalapit kay Joyce ay nagrequest ako kay Stefano na nagkataong superior ni Joyce.
Nagstay naman sa bahay ko si Joyce ng isang linggo na ikinatuwa ko. Hanggang sa nalaman ko ang relasyon nila Natalie at Joyce. Masyado akong nasaktan.
Dahil bestfriend ko si Natalie at Mahal ko naman si Joyce. Nagulat pa rin ako kahit may mga napapansin na ako. Kaya pala napakamahinahon ni Joyce kapag kasama si Natalie. Kaya pala.
Kaya inaya ko ang kapatid ko na maginom. Kahit magmukha pa akong broken hearted sa babaeng di ko naman naging girlfriend. Nandoon lang ang kapatid ko na nakikinig sa mga hinaing ko kaya nagpapasalamat ako na nandoon siya.
Ilang araw akong hindi nagpakita kay Joyce hanggang sa hindi ko na natiis at pumunta na ako sa opisina niya. Doon ko inamin na kinontsaba ko si Stefano para bantayan ako nagpapasalamat nga ako dahil hindi siya nagalit.
Dahil nga namiss ko siya, lahat ng appointments ko pina-cancel ko sa sekretarya ko. At nag-stay sa opisina ni Joyce para matulog.
Nagising lamang ako sa masarap na amoy ng pagkain. Pagkabangon ko ay nakita ko si Natalie kaya agad akong nag-explain sa kanya na nakipagusap lang ako kay Joyce.
Niyaya ako ni Natalie na mag-usap kami, at alam kong kaming dalawa lang dapat ang nandoon. Kaya nagpasya kaming mag-usap sa isang restaurant.
"Nate, I have a favor to ask." Panimula ni Natalie.
"What is it?" Tanong ko habang hinihiwa ang steak na in-order ko.
"U-Uh... Can you take Sj somewhere. Yung walang connection to any social medias? You can also make her love you." Sambit ni Natalie sa mahinang boses.
"Wait. Natalie. What?!" Gulat kong sambit.
"You are in a relationship! How could I do that? I may love her but I respect both of you and your relationship." Sabi ko sa nakayukong Natalie.
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomanceDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...