Last Chapter
Shakira Joyce
DALAWANG araw na ang lumipas at papunta na kami sa Bicol, doon daw ihahanda ng family niya ang birthday ng Lola niya.
Pinagpaalam niya ako kay Daddy at Mommy na agad namang pumayag dahil sa laki ng tiwala kay Nj. Si Nj na rin ang nagpaalam kay Stefano o kay Russia na mawawala ako ng tatlong araw.
Hinanda na pala lahat ni Nj, pag-payag ko na lang ang kulang. Mautak rin talaga itong lalaking ito.
"Bakit kailangan naka-ganyang kotse ka pa?" Tanong ko kay Nj na nasa harap ng bahay namin. Gamit niyang sasakyan ay iyong sasakyan na sinabi niyang magkakaparehas silang magpi-pinsan, iyong Bugatti Chiron na Matte Blue ang kulay.
"Bakit ba?" Pagsusungit ni Nj. "Sungit ah, nireregla?" Pang-aasar ko kay Nj. "Baby, tara na." Pilit ngiting sabi ni Nj at hinila ako patungo pa passenger's seat. Umupo na ako doon at agad namang inayos ni Nj ang seatbelt ko.
Pagkaayos niya ay umupo na rin siya sa driver's seat at umalis na. Alas sais ngayon ng umaga, masyadong mahaba kasi ang byahe papunta sa Bicol. Aabutin ng walong oras, kasama na ang traffic doon.
Dahil sa aga ay natulog muna ako dahil papalitan ko mamaya si Nj. Kahit naman naka-bugatti itong lalaking 'to ay may alam din ako kung paano ito i-maneho.
"Nj, tulog muna ako. Pagkagising ko, palit na tayo para makapagpahinga ka." Sinabi ko kay Nj at umayos ng pwesto para makatulog. Masyado pang maaga at hindi ako mahilig gumising ng maaga.
"Okay, baby."
MAHIGIT tatlong oras akong nakatulog at pagkagising ko ay nasa zigzag na kami. "Nj? Palit na tayo pagkababa ng zigzag ah." Sambit ko kay Nj.
"Is that okay with you?" Tanong niya sa akin at mabilis na tumingin sa gawi ko.
"Of course. You should rest, maaga ka na gumising. Ako na bahala dito. I-set mo na lang mamaya yung map sa phone and ako na ang bahala."
"I should be the one driving, baby." Sabi ni Nj kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I want you to rest, okay?" Sambit ko sa kanya, pinalamig ko ang boses ko para malaman niyang seryoso ako.
"Okay, baby, okay. I'll rest after natin makababa dito sa zigzag." Sagot naman niya agad.
Nang makababa sa zigzag ay initigil ni Nj ang sasakyan sa isang gilid. Nauna siyang bumaba ng sasakyan at umikot papunta sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto, bumaba na rin ako ng kusa at lumipat sa driver's seat.
Inayos na ni Nj ang cellphone para iyon na ang susundan ko at nagsimula na ulit kaming umandar. "Sleep now, Nj." Sabi ko habang nagmamaneho.
Tahimik lang akong nagmamaneho hanggang sa makarating kami sa Bicol ay saktong gising din ni Nj. "Where are we?" Tanong ng bagong gising na si Nj.
"Bicol. I was just waiting for you to wake up kasi hindi ko alam ang bahay ninyo dito." Sabi ko kay Nj.
"Dapat ginising mo ako." Sabi niya sa akin.
"Ayoko. Nagpapahinga ka eh. Kaya hinintay na lang kita, at papasok pa lang naman tayo ng Bicol kaya okay lang." Sambit ko sa kanya.
"Pumunta na lang tayo sa bayan tapos magpalit na ulit tayo." Sabi ni Nj na sinangayunan ko.
Nagpalit na muli kami ni Nj at nagdrive. May trenta minuto pa kaming bumyahe bago kami makapasok sa isang gate na may malaking ektarya ng lupa.
May mga tanim doon ng gulay at palay. May mga iba't ibang hayop din doon. Baboy, kabayo, kambing, kalabaw, at iba pa.
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomanceDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...