Chapter 9

35 2 0
                                    

Chapter 9

Shakira Joyce

BAKIT pa ako nagtataka ng makita ko ang pangalan ng lalaking iyon? Isang sikat na businessman ang lalaking iyon.

"Hik Lim ay isang chinese drug dealer. Maraming koneksyon pero balewala kapag nakalaban ang gobyerno." Sabi ni Iceland at ipinakita pa ang picture ni Hik Lim sa screen.

"Si Roel Gomez, isang drug lord dito sa Pilipinas. Pagbebenta ng drugs ang kabuhayan. May koneksyon sa mga Pulis. Siya rin ang nag-organize ng Party na ito." Paliwanag ko naman at ipinakita ko ang litrato nito.

"Kaya pala sa atin ibinigay ang misyon dahil may koneksyon sa pulisya. Tangina mga tarantado, imbes na tulungan at pagsilbihan ang mga tao sinisira ang mga buhay nila. Tapos gagamitin nila ang mga walang muwang at may sakit na bata?!" Gigil na sabi ni Iceland. Ganyan din ang nararamdaman ko, pero iniipon ko ito para kapag nakaharap ko na ang dalawa ay sakanila ko ibubuhos ang galit ko.

"Mag-check na tayo ng mga guest baka may kasabwat pa silang mga negosyante." Sinabi ko na lang dahil ayokong magsalita ngayon tungkol sa kanila.

Isa isa naming chineck ang guest. At nakita ko doon ang pangalan ko.

"Damn! Invited pala ako dito." Bulong ko ng makita ko ang pangalan ko doon.

"Yeah, me too." Sabi naman ni Iceland. Napailing na lang ako. Sa pagkakaalam ko ay may sariling business din itong si Iceland kaya hindi malabong hindi siya kasama dito.

"Hindi na pala tayo mahihirapan para kumuha ng invitations dahil tayo pala mismo ang bibigyan ni Roel Gomez. Dumb." Sambit ni Iceland at napatango ako sa pagsang-ayon. 

Natapos na kaming magcheck at buti naman ay walang kasabwat na negosyante doon. Dahil alam kong nangingiming pabagsakin ng kasama ko ang kumpanya ng sino mang kasabwat ng dalawang mga hayop na iyon.

Pinagaralan din namin ni Iceland ang mga galaw ng dalawang iyon, ang mga tauhan nilang dalawa ay pinagaralan na din namin. Napag-alaman kong si Hik Lim ay may pabrika dito sa Pilipinas na gumagawa ng ipinagbabawal na gamot. Para sa pera, kayang sumira ng mga inosenteng buhay. 

April 29. Araw na kung saan na gaganapin ang party. Nagbihis ako ng mosh green formal gown. Naglagay na ako ng strap ng baril sa aking kanang hita para doon ilagay ang glock 42 na daldalhin ko sa party, at sa kaliwa naman ay bala ng glock 42.

Formal party ang pupuntahan namin. Party na para sa mga bata pero ang invited ay mga negosyante. Ang makakalap na donasyon sa party na iyon ay kalahati na ibibigay sa mga bata at ang kalahati naman ay para sa pansariling kapakanan ni Roel Gomez.

Ang plano namin ni Iceland ay papasok kami ng Party na iyon at ako ang date niya ngayon. Susundan namin ang mga galaw ni Roel Gomez hanggang sa magkita sila ni Hik Lim. Doon kami papasok sa eksena. May mga backup na kami sa paligid ng party na iyon, yung iba ay nagpapanggap na staff at ang iba ay mga guest doon. Isa sa mga plano namin ay makipaglapit kay Roel. 

Bumaba na ako sa sala at nakita ko doon si Daddy at Mommy na naka-ayos din.

"Saan punta niyo?" Tanong ko kila Daddy.

"Sa isang charity event para sa mga may sakit na bata." Sagot ni Daddy. Shit, oo nga pala invited sila. 

"Ikaw, saan ka pupunta?" Tanong naman ni Mommy.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon