Chapter 16
Shakira Joyce
PAGKARATING ko sa bahay ay naabutan ko ang parents ko na naga-almusal. "Good Morning, Mom, Dad," Bati ko sa parents ko na kumakain.
"Where have you been? Hindi ka umuwi kagabi? Another mission?" Tanong ni Daddy sa akin.
"Uhh.. pumunta kasi ako sa bahay ni Mr. Dela Vega and di ko namalayan nakatulog ako sa couch niya. Nagising na lang ako, umaga na." Pahayag ko kay Daddy na agad kumunot ang noo.
"Mr. Dela Vega? Si Nate? Bakit ka nasa bahay niya? May relasyon ba kayo? You're not comfortable in any other guys yet 'hindi mo namalayan' na nakatulog ka sa bahay niya. Which is hindi ka ganon, kapag hindi ka komportable sa ibang tao." Mahabang sabi ni Daddy sa akin.
"Dad, siya ang mission ko. Kailangan ko siyang bantayan, so baka araw-araw kaming magkasama." Sagot ko kay Daddy.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Saad ni Daddy.
"Dad, wala kaming relasyon. Nakatulog ako doon dahil kagagaling ko lang ng misyon nung isang araw at wala akong maayos na pahinga." Paliwanag ko kay Daddy na hindi pa rin naniniwala na wala kaming relasyon ni Nj.
"Kumain ka na dito." Biglang sabat ni Mommy. "Kumain na po ako, Mommy."
"Akyat na ako," Sabi ko sa parents ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso na paakyat sa kwarto ko. Tinanggal ko na ang damit sa katawan ko diretso ng CR. Mabilis akong natapos maligo, nagpambahay muna ako at pinatuyo ang buhok.
Hindi ko tinuyo ng tuyong tuyo ang buhok ko, kumbaga tinanggal ko lang ang excess water niya. Humiga na ako sa aking kama at natulog muna dahil masyado pang maaga kung maghahanda na ako.
Sakto akong nagising at agad akong nag-toothbrush bago magbihis ng formal attire ko. Naka-black coat and black slacks lang ako tapos naka-white sando ako sa loob. Naka-black heels din ako.
Pagbaba ko ay nakaalis na si Daddy at si Mommy naman ay hindi ko nakita sa baba kaya dire-diretso ako papunta sa aking sasakyan. Bago umalis ay chineck ko ang cellphone ko. May iilang message doon galing kay Daddy, Natnat, at kay Nj.
From: Daddy
Shakira, ikaw muna bahala sa company. I have to go to Tagaytay to meet some investors.
Nireplyan ko na agad si Daddy at sinabing ako na ang bahala muna ngayon sa company. Sunod kong tinignan ang message ni Natnat.
From: Natnat
Sj, I tried calling you last night but you're unattended, if ever you read my text please call me.
Hindi ako nagreply sa message ni Natnat imbes ay tumawag ako. "Hello?"
"Sj! I've been calling you last night."
"Sorry, nakatulog ako agad. Why? May problema ba?"
"Uhm.. No.. I just want to tell you na may pupuntahan kami ng family ko. Maybe one week kami doon. I still don't know. Kagabi lang nila sinabi eh."
"Enjoy your trip with your family, Nat. Can I see you now? Bago ako pumunta sa kumpanya? I will miss you."
"Okay! Let's meet at the café nearby our house? Is that okay?"
"Yeah, it's okay."
"Yey! Ingat ka sa pagmamaneho! Love you!"
"Love you too." Binaba ko na ang call.
Chineck ko ang message ni Nj sa akin dahil baka ay emergency iyon.
From: Annoying
See you later, J.
Di ko na nireplyan si Nj at umikot na ako papunta sa cafè malapit sa bahay nila Nat. Ibang direksyon ito sa aming kumpanya. At ang papunta ko doon ay magca-cause ng pagka-late ko. Kaya tinext ko Kyla na mal-late ako ng dating.
Nakarating naman na ako agad sa cafè at nakita ko doon si Nat. Ngunit hindi siya nagiisa. Kasama niya ang lalaking nakita ko sa opisina niya sa kanyang restaurant.
"Bakit siya nandito?" Bungad ko nang makalapit ako sa pwesto nila.
"Ako kasi ang f—," pinutol ni Nat ang sasabihin ng lalaki, "Siya ang bodyguard ko." Mabilis na sagot ni Nat. Nakita ko agad sa reaksyon ng mukha ng lalaki ang pagprotesta at pagka-digusto sa narinig. Mariin nitong tinitigan si Nat na ang paningin ay nasa akin.
Di ko na lang muli siya pinansin, at tinuon ko ang atensyon ko kay Nat. "Pwede ba tayong iwan ng bodyguard mo?" Hindi ako ganoon kamanhid para di mapansin ang pagtatago ni Nat sa akin ng totoong katangian ng lalaking ito.
Sinanay ako ng ahensya para magbasa at magkilatis ng mga tao para malaman kung nagsasabi ba ito ng totoo. Bagay na kinalimutan ni Natalie. Kinalimutan niyang kaya kong bumasa ng bawat reaksyon ng tao. Sa pagkakataong muling iyon ay hindi ko muli pinansin. Marahil ay may dahilan si Natalie para itago iyon at irerespeto ko iyon.
"Z, umalis ka muna. Doon ka na lang sa sasakyan maghintay." Mahinahon ngunit ramdam ko ang pakikiusap ni Natalie sa boses niya kaya bumuntong hininga ang lalaki at walang nagawang lumabas ng cafè.
"Natalie, mukhang nakakalimutan mo ang trabaho ko." Simpleng pangungusap ko lamang iyon ngunit agad nakuha ni Natalie ang pahiwatig ko.
"Sj, hindi pa ito ang tamang panahon para makilala mo siya. I will tell you soon, okay? Please understand." Malambing na pakiusap ni Nat. Wala akong nagawa kundi tumango. Yun din naman ang gagawin ko kahit hindi niya iyon ipakiusap sa akin.
"Bakit biglaan ang alis niyo?" Pagiiba ko ng topic namin.
"I don't know. Nagulat din ako kagabi nang makapasok ako sa bahay." Sagot ni Natalie sa tanong.
"Kasama ang lalaking iyon diba?" Tanong ko muli. Hindi agad nakasagot si Nat at nagbaba ng paningin. Alam ko na ang sagot. Kasama ang lalaking iyon.
"Natalie, dapat ko ba siyang pagselosan?" Marahan kong tanong kay Natalie. Napaangat siya ng tingin, "No." Bulong ni Nat. Napabuga muli ako ng isang malalim na hininga. "Let's not talk about him." Biglang sabi ni Nat. Yeah, ayoko rin siyang pagusapan dahil iba ang conclusion ko sa aking isip.
"Mag-iingat ka doon ah. Wag mong pababayaan ang sarili mo. May magbabantay sayo, don't worry." Nakangiti kong bilin kay Nat. Sinuklian niya iyon ng matamis na ngiti.
"Yeah, don't worry. Ikaw ang wag magpagutom ah. Tsaka don't worry, may bodyguard ako remember." Nakangiting sagot ni Nat na tinanguan ko.
Tumagal kami ng ilang minuto at biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad iyon mula sa akin bag.
"Hel—,"
"Fuck, I shouldn't be calling you because I'm a man. But you are my protector, someone is tailing me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Nj.
"Fuck. I'll be there. Wait for me." Mabilis ko sabi kay Nj.
"Nat, I need to go. Nj, needs me." Paalam ko kay Nat na biglang nawala ang ngiti sa mata.
"O-okay. G-go ahead." Ngumiti muli si Nat ngunit di na ito umabot sa mata niya. "Magingat ka. Saka ko na lang itatanong ang nangyari kay Nj, nagmamadali ka eh." Tumango ako at mabilis na lumapit kay Nat upang mabilis na halikan ang kanyang labi.
Umalis na agad ako sa cafè, at sumakay sa sasakyan ko. Pinaandar ko ito sa kinaroroonan ni Nj. Nakikita ko ito sapagkat konektado sa akin ang GPS ni Nj.
Nj, wait for me.
to be continued.
BINABASA MO ANG
DVS 1: Warm Love (COMPLETED)
RomansaDela Vega Series 1: Nate Justine Dela Vega and Shakira Joyce Rodriguez Nate Justine is a happy-go-lucky business man. He doesn't take girls seriously, because he is devilishly handsome and girls would bend their knees just to be with him. Then ther...