Chapter 27

25 2 0
                                    

Chapter 27

Shakira Joyce

THE DAYS went so fast. This is now our third week in this wooden house. The past weeks, sinigurado ni Nj na mararamdaman ko talaga ang pagmamahal na sinasabi niya.

Sobrang maalaga, laging attentive, at hindi ako pinapabayaan. We even talk about our lives. Nagkwento siya about sa family niya na may tatlong family reunion kada taon. Birthday ng Lolo niya, birthday ng Lola niya, at yung Christmas at New year vacation.

Kinuwento niya rin kung paano niya nakilala si Natalie, at ganon din ako. Nagkwento kung paano kami nagkakilala ni Natalie.

Sinabi niya na rin na kinontsaba niya muli si  Russia para mapunta kami dito at para paibigin niya raw ako. Ngunit nakukulangan ako sa rason niya. Bakit kailangan nandito sa tagong lugar? Cellphone ko nga di ko makita eh. Wala ring tv dito. Pero hindi ako hinayaang mabored ni Nj.

Lagi na rin kaming pumupunta sa falls dahil  nga gustong gusto ko doon. Magkatabi kami matulog na hinayaan ko na dahil kung lilipat man ako ay ibabalik muli ako sa doon sa kwarto na iyon.

Nag-star gazing kami. Nagsibak ng kahoy. Nanguha ng prutas at kung ano ano pa. He really made me feel special in our stay here.  He didn't let me do any work peri syempre ako 'to si Shakira, nagpumilit at binantaan siyang aalisan ko siya.

"Baby! No! Ako na ang bahala dito. Maupo ka na doon."  Atungal ni Nj sa akin ng makita niya ang hawak kong mop.

"Tsk. Ikaw na ang gumagawa ng gawain dito sa bahay. Let me! Okay!?"

"Ako na nga gagawa at okay lang sa akin na ako na yunh gumagawa. Wag kang makulit bigay mo na sa akin yan."

"Isa Nj. If you won't let me, lalayasan kita dito. I'm not bluffing." Mariin kong sabi kay Nj. Nakita kong bumuntong hininga siya which means panalo ako.

"Fine fine fine. Mag-mop ka na dyan." Sabi ni Nj at tumalikod. Napangiti ako dahil doon.

Napangiti na naman ako noong maalala ko iyon. Ang cute ni Nj noong araw na iyon. Nakita ko namang papasok si Nj ngayon sa kusina. "Nakangiti ka ah. Wag mo ako masyadong iniisip nandito lang ako." Nakangising sabi ni Nj.

"Tsk. I'm thinking about Natalie." Sabi ko at nakita ko kung paano nawala ang ngisi sa labi ni Nj. Nakonsensya ako akmang babawiin ko na ang sinabi ko ng magsalita si Nj. "Ah okay. Sige labas muna ako ah." Pilit ang ngiti ni Nj noong sinabi niya iyon at dire-diretsong lumabas.

Bumuntong hininga ako at pumasok sa kwarto. Sumampa ako sa kama at humiga. Napatitig ako sa kisame ng ilang minuto nang may tumunog na Cellphone.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at hinanap ang tunog. Narinig ko ito sa damitan ni Nj. Binuksan ko ang cabinet at nakita ko ang cellphone ni Nj doon.

Stefano Calling...

I answered the call pero bago pa ako magsalita ay nagsalita agad ang nasa kabilang linya.

"Hello! Nate!? Fuck! Zion just announced his marriage with Natalie! Diba girlfriend ni Afri—I mean ni Shakira si Natalie? So how come na kasal na si Natalie?! One month mahigit na daw ang kasal nila! Alam mo ba ito, Nate?! Bestfriend mo yun!" Dire-diretsong sabi ng tao sa kabilang linya. Ngunit masyado na akong nagulat sa sinabi niya.

"Russia. This is me, Africa."

"A–Africa! Fuck fuck fuck! U–Uh may meeting pa pala ako."

"Don't you dare end the call. Ano ang sinabi mong kasal na si Natalie?! Sino si Zion?! Russia, sumagot ka. Niloko mo na ako tungkol sa mission mission na ito."

"Africa, your girlfriend Natalie is now m–married with Zion Fernandez. A well known Chef and Businessman." Marahang sabi ni Russia na tila ba iniingatan ang bawat sasabihing salita ngunit nagu-unahan ng bumagsak ang luha sa mata ko.

"Babalik na ako ng Pilipinas. Gusto kong makausap si Natalie. Ipasundo mo na ako dito."

"Africa, hindi pa tapos ang one month na usapan natin."

"Fuck that one month! Dahil dyan di ko na alam ang nangyayari sa girlfriend ko sa Pilipinas! Babalik na ako ng Pilipinas! Ipasundo mo ako sa tauhan mo within five minutes! Tangina naman Russia. Tangina."

"Fuck it! Fuck! My men will be there in 5. Ipapahanda ko na rin ang eroplano." Pinatay na ni Russia ang tawag. 

Napabitaw ako sa cellphone ni Nj at nahulog ito sa sahig. Ngunit wala na akong pakialam doon. Patuloy na umaagos ang luha ko sa mata, kada punas ko ay may tutulo na naman.

Gumalaw na ako, kinuha ko na ang maleta ko at nilagay na doon ang gamit ko. Isinasara ko na ang maleta ko ng pumasok si Nj sa kwarto.

"What are you doing? Why are you crying? Bakit ka nagi-empake?" Sunod sunod na tanong ni Nj.

"Did you know?" Tanong ko kay Nj at nagtaka ang mukha niya.

"Did you know what?" Takang tanong ni Nj.

"Did you know that Natalie is married and that's why you brought me here? Tell me the truth Nate Justine. Tell me." Nanginginig ang katawan ko dahil sa pagiyak ngunit hindi ako nauutal at pumipiyok kaya nagawa kong magtanong ng tuwid.

"B–baby... J-joyce... I'm sorry." Mahinang sabi ni Nj kaya lalong bumuhos ang luha ko.

"Fuck! Fuck! So tama ako?! Dinala mo ako dito dahil doon?! Para paibigin mo ako dito ganon ba?! Tangina Nj. Sana sinabi mo sa akin. Sana."

"Joyce, I want to tell you. I really do. Natatakot ako sa magiging reaksyon mo. Kaya kita dinala dito, oo para paibigin ka para kapag nalaman mo na ang totoo hindi ka na ganon masasaktan."

"Fuck. Nasasaktan ako. Masakit. Uuwi na ako ng Pilipinas."

"J–Joyce. No..."

"Nj! I need to! Kailangan kong makausap ang girlfriend ko!" Sigaw ko kay Nj kaya napabitaw siya sa akin.

"O-okay. Talk to her. I'll let you go. Thank you for staying here. I love you." Napaupo si Nj sa kama at ako naman ay kinuha na ang gamit ko at lumabas ng bahay. Nandoon na ang sundo ko, naghihintay. Agad dumiretso  ang sasakyan papunta sa airport. Sumakay na ako ng eroplano. Iba ang eroplanong sinakyan ko ngayon sa sinakyan ko noong pagpunta ko, hula kong kay Nj ang eroplanong sinakyan ko noon.

Pagkasakay ko sa eroplano ay agad kong kinuha ang cellphone ko na nakita ko sa mga damit ko. Binuksan ko ito at nakita kong trending ang pangalan ni Natalie at Zion. Si Zion ang lalaking palagi kong nakikita kay Natalie.

So ito pala ang gustong sabihin ng lalaking iyon sa akin noon. Ang kasal nila.

to be continued.

DVS 1: Warm Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon