Napapalinga nalang ako sa likod ko ng maramdamang parang may sumusunod sa'kin kaya nakaramdam ako ng takot lagi nalang ganito t'wing. Lalabas ako ng bahay.
Madilim dito sa may kalsada at ang tahimik.
Pumasok ako sa isang store. Ito lang ang nakita kong bukas kaya dito nalang ako pumasok. At pansin kong walang masyadong katao-tao.
Pumunta na ako sa counter para bayaran ang mga kinuha ko kanina at nang mabayaran kona lumabas din agad ako.
Naglalakad na naman ako sa madilim at tahimik na kalsada para bumalik sa'min.
At napasigaw nalang ako ng may tumakip sa bibig ko pumiglas piglas ako pero may kung ano akong nalanghap at ang huli ko nalang nakita ay pinasok nila ako sa isang van.
********
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar.
"Oh gising na pala ang prinsesa,"bigla kong naalala ang nanyare kanina. Kinidnap nila ako!
"Sino ba kayo! Kung ang kailangan n'yo sa'kin ay pera wala ako n'on! Kaya nagsasayang lang kayo ng oras!"matapang kong sigaw sa kanila at napasinghap nalang ako ng sampalin ako ng lalaking kumidnap sa'kin.
"Napakaingay ng bunganga mo! Lagyan n'yo nga ng tape 'yan sa bibig!"inis ng sambit nang sumampal sa'kin agad naman nila akong nilagayan ng tape.
"Boss paano kung hindi dumating 'yun?"tanong ng isa sa kumidnap sa'kin.
Napaangis ang lalaking sumampal sa'kin.
"Dadating 'yun nandito prinsesa n'ya eh,"nakangising bumaling s'ya sa'kin.
'Panget!'sigaw ko sa isip ko.
At nagtaka nalang kung sino ang tinutukoy nila.
Nilibot ko ang tingin ko at nagisip kong paano makatakas dito. Nakatali ang dalawang kamay ko tsk. Madali lang naman makawala dito dahil hindi mahigpit ang pagkakatali nila.
Napansin kona nasa isang abandonang building pala kami napailing iling nalang ako. Hayss lagi nalang dito dinadala ang mga kinikidnap wala naba silang maisip na lugar?
Pasimple kong ginalaw galaw ang kamay ko para matangal ang tali sa kamay ko at sa wakas natanggal din.
"Boss! Hanggang kailan ba tayo naghihintay dito boss! Sabi na hindi 'yun dadating eh!"
"Tahimik!"
"Sorry po boss," hinay hinay akong gumapang walang nagbabantay sa'kin kaya napataas nalang ang sulok ng labi ko mga b*b* naman 'tong mga 'to.
Nagtago ako at napasilip wala paring nakakapansin na nakawala na ako luminga linga ako para maghanap kung saan p'wedeng tumakas at napangisi ako ng may nakita akong daan. Kaya agad akong tumakbo papunta doon.
"Tangina! Tumatakas s'ya!" rinig kong sigaw ng isa sa kasamahan nila.
'B'wesit!'
At ngayon hinahabol na nila ako kainis!
"B'wesit kayo ba't hindi n'yo s'ya binantayan!"hinihingal na usal ng lider nila napangisi nalang ako.
Ang bilis nilang mapagod ang weak naman.
Tuwang tuwa sana ako pero-
"Fuck!"mura ko ng may tumama sa balikat ko napakagat labi nalang ako ng maramdaman ko ang sakit. At nanlaki ang mata ko ng tumulo ang mga dugo galing sa braso ko.
"Puta! Ba't mo binaril!"
"Mabuti na'yan! Tingin n'ya ba makakaalis s'ya ng hindi nasasaktan!"
Ngayon hawak ko ang balikat ko habang tumatakbo. Halos napaiyak nalang ako sa sakit.
At muntik na akong matumba ng mandilim ang paningin ko.
"Tsk. Ba't kaba kasi tumakbo 'yan sakit noh,"hindi ko namalayan na natumba na ako ng tuluyan.
Napapikit nalang ako.
"Hawakan n'yo 'yang babaeng 'yan!" sigaw ng lider nila.
"Try to touch my wife. I'll kill you," malamig na sambit ng hindi ko kilalang boses. Pero bago ko pa man maimulat ang mata ko para makita kung sino 'yun.
*Bang!*
'yun nalang narinig ko bago ako tuluyang kinain ng kadiliman.
******
[ A/N: may first ever wrote chapter story, Sana po magustuhan n'yo. Vote and Comment ]
![](https://img.wattpad.com/cover/221395065-288-k93499.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Wife
ActionHindi aakalain ni Maze na may tinatagong mga sekreto ang nakakasama n'ya isang sekreto na labis na magpapagunaw ng mundo n'ya. Ngunit ginawa lamang nila 'yun para sa kaligtasan n'ya. Pero, paano 'yun haharapin ni Maze handa n'yang isakripisyo ang bu...