Maze Sandra Fort P.O.V
Nagising ako nang makaramdam ng biglaang panlalamig. Binuksan ko ang mata ko at bumungad sa'kin ang babaeng kamukha ko na nakangisi.
"The bitch is awake,"nanlaki ang mata ko ng biglang naalala ang nanyare. Napatingin ako sa hawak nitong timba na may tumutulo pang tubig.
Napatingin nalang ako sa baba at nakita ang sarili na basa. Mukhang sinabuyan n'ya ako ng tubig. Tinaas ko ang tingin ko.
"What do you want?"ininda ko ang sakit ng sampalin ako nito sa mukha.
Hinawakan nito ang pisnge ko ng madiin. "You know what I want!"naguluhan ako sa sinabi nito.
Kinagat ko ang kamay nito na nakahawak sa dalawang pisnge ko napasigaw naman ito dahil sa ginawa ko. Ininda ko ulit ang sakit ng sampalin ulit ako nito.
Winisik wisik nito ang kamay n'ya at sinamaan ako ng tingin. Pero tingin n'ya ba matatakot ako sa tingin n'ya? Taas noo kong nilabanan ang matalim nitong tingin.
"Tsk,"saad nito at s'ya ang unang umiwas ng tingin. Nag senyas ito sa mga kalalakihan na nakatayo sa gilid at maya maya ay may dala silang upuan nilapag nila ito at umalis na kalaunan.
Parang reyna naman itong umupo at tumingin ulit sa'kin. "Say it, where's the blueprint?"
Nag-isang linya ang kilay ko. "Ano bang sinasabi mo?! Wala akong alam d'yan sa blueprint! Blueprint na'yan!"sigaw ko dito at pumiglas piglas.
Asar itong tumawa. "Alam kong mag mamatigas ka kaya naman, boys!"napabaling ang atensyon ko sa gilid at nanlaki ang mata ko nang makita at makilala ko 'yun..
"Callie...?"gulat kong usal. Hindi ako makapaniwala. Don't tell me.. Callie is a traitor?
Kalmado itong naglakad, ngumisi ito sa'kin ng bumaling ang tingin nito sa'kin. Lumapit ito sa babaeng naka-opo. "You're right, Queen, she's easy to trick,"nakangising saad nito.
Napaawang ang bibig ko at parang gusto kong umiyak. Callie...bakit?
Tumawa ang tinawag nitong, Queen at gusto kong umatras nang lumapit ito sa'kin, hinawakan nito ang baba ko.
Tinaas nito ang mukha ko ng tumungo ako. Napailing iling ito habang deretsong nakatingin sa mata ko. "Oh, dear, hindi mo talaga kilala ang kaibigan mo, don't worry. She's not your friend, Joy turn off that device,"
Napatingin ako sa gilid nito para tingnan ang gagawin nito. May pinindot ito sa tenga n'ya at maya maya ay nag bago ang mukha n'ya. Napanganga ako.. how?
"It's just an easy trick, and I'm right madali kalang linlangin,"natatawang saad ng tinawag ni Joy na Queen.
Binaba na nito ang kamay n'ya sa baba ko. She's good... Ang galing n'yang gayahin si Callie. Na kahit sino hindi maiisip na kalaban na ang kasa-kasama mo. Kaya pala sinabi kaagad n'ya sa'min na nasa panganib ang kakambal ko. They planned it. At kumagat kami sa pain.
"Ginagamit morin ba ang device na'yan? Turn off that thing and let me see your true face!"matapang na saad ko. Humarap ito sa'kin. Pero maya maya ay may pinindot din ito at nanlaki ang mata ko ng makita ang mukha nito.
"You're a guy?"hindi makapaniwalang saad ko. Pinigil ko nalang ang ulo ko. Sht ka! Maze! May asawa kana- hell no. Wala akong asawa-stop thinking! Galit na sigaw ko sa utak ko
"Where's Callie?"tanong ko dito. Humikab ito nainis ako sa tinuran nito. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Joy, bring that girl here,"tumalima naman ang Joy na nagpanggap bilang si Callie.
Mga ilang minuto ay nakita kona si Callie, may pasa ito sa katawan. Napaawang ang labi ko. "Callie..."mahinang tawag ko dito.
Gumaralgal narin ang boses ko. Gumalaw ito. I know you're strong Callie. Maya maya ay minulat na nito ang mata n'ya. Nanlaki ang mata n'ya ng tumama ang paningin namin sa isa't isa.
"What the hell! Maze!?"gulat nitong saad, kahit nag kapasa na lahat lahat, energetic parin. Napailing iling nalang ito. "Sabi na nga ba, mahuhuli ka nila,"
Sinamaan ko s'ya ng tingin. Akala mo s'ya hindi rin nahuli. "Nahuli karin tanga! Speaking of nahuli, How did they caught you?"tanong ko dito na parang walang kalaban na nakapaligid.
"I caught off guard,"natawa nalang ako, si Callie na mabilis ang reflexes nahuli, that's new.
Callie Adler P.O.V
-Flashback-
Naka-headset ako habang naglalakad sa madilim na kalsada. At pasipul sipul pa patay malisya ako kahit ramdam ko na may sumusunod sa'kin. Damang dama ko ang music na pinapakinggan ko.
At napayuko ako ng may naramdaman akong sisipa, at nagkunwaring nagsisintas. Pinigilan ko ang sarili na matawa ng makita ko sa gilid ng mata ko ang pagkatumba nito.
Tumayo na ako pero, this time humarap na ako sa kalaban nagulat ito sa ginawa ko at bago paman s'ya makabangon. Sinipa ko ang mukha nito.
"Ang panget mo! Papangetin lalo kita!"tuwang tuwang saad ko at pinagsisipa ang mukha nito hanggang sa mawalan ito ng malay.
Tinigil kona ang ginagawa ko at pinagpag ang kamay ko na parang may dumi. "Boring!"saad ko and maglalakad na sana pero may kung anong tumama sa leeg ko at nandilim bigla ang paningin ko.
F-Fuck! They caught me off guard.
-End Of Flashback-
Maze Sandra Fort P.O.V
Imbes na maawa ako sa nangyare sa kan'ya, natawa nalang ako. Sa sobrang tawa ko muntik na akong maiyak. Nawala sa isip ko na nasa kalaban kami.
"Grabeh ka, Maze, napaka sama mo,"hindi ko mapunasan ang mga luha ko na tumutulo sa mata ko dahil nga nakatali ang kamay ko.
"Laptrip ka! Callie!"natatawang saad ko, ngumuso ito na parang bata.
"Okay na kayo? P'wede na akong sumingit,"sinamaan ko ng tingin ang sumingit sa usapan namin. 'Yung lalaking gumaya sa kakambal ko.
"P'wede wag kang sumingit, moment namin ng kaibigan ko'to, wag kang feeling belong, kaibigan kaba namin para sumingit ka?"mataray na saad ko dito. Napaawang ang bibig nito. Natawa nalang si Callie na nanunuod.
"Putik ka, Maze!"tumatawang saad ni Callie.
Pero nahinto ito sa pagtawa ng lumapit ang nagngangalang Joy sa kan'ya. "Anong gagawin mo?"tanong ni Callie, nanlaki ang mata ko ng may hawak itong electronic.
"Now, your moment with your friend is stop here, confess where did you hide the blueprint?"tanong ulit nito sa'kin. Nanggigigil na kinagat ko ang labi ko hanggang sa mag dugo 'yun.
Masama na tinitigan ko ito. Napaatras ito ng makita ang mata ko. "What happened to your eyes?"tanong nito. Pero hindi ko 'yun pinansin.
"I'm done, pretending, Callie!"nakuha naman ni Callie ang ibig kong sabihin.
Walang kahirap hirap itong napaalis sa upuan habang may tali na nakapalibot sa bangko at katawan n'ya, she flexible her body. "What the!"nagulat ang kalaban dahil sa ginawa n'ya.
Inangat nito ang sarili nito at kinagat kagat ang tali sa kamay nito. Bali naka ang paa nito ay nasa taas na habang ang mukha nito ay nasa kamay n'ya, binabalanse nito ang katawan n'ya sa upuan. Ako 'yung natatakot sa ginagawa n'ya but I know she can handle it.
![](https://img.wattpad.com/cover/221395065-288-k93499.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mafia Boss Wife
ActionHindi aakalain ni Maze na may tinatagong mga sekreto ang nakakasama n'ya isang sekreto na labis na magpapagunaw ng mundo n'ya. Ngunit ginawa lamang nila 'yun para sa kaligtasan n'ya. Pero, paano 'yun haharapin ni Maze handa n'yang isakripisyo ang bu...