CHAPTER 8

1K 32 2
                                    

Maze Sandra Fort P.O.V

Gising na ako ngayon, at nag hahanda ng aking breakfast. Hindi ako marunong mag luto kaya kanina bumili nalang ako ng noodless at 'yun nalang ang ginawa kong pang breakfast.

Umupo na ako sa lamesa at sinimulan ko ng kainin ang noodles ko.

Hanggang sa pagkain. Hindi mawala sa isip ko na babalik na dito si Daddy at 'yung si boss!

Pinilig ko nalang ang ulo ko para mawala na ang gumugulo sa isp ko. Galit na kumain ako ng noodless.

Nakakailang nguya palang ako ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

Kumunot ang noo ko. Binaba ko mona ang hawak kong noodles at pinunasan ang labi ko. Pumunta na ako sa may pintuan at binuksan 'yun.

Nanlaki mata ko ng bumungad sa'kin si Lance. "Anong ginagawa mo dito?"tanong ko dito.

Hindi ako nito sinagot, bagkus ay nakatingin ito sa may likod ko. Napatingin narin ako sa tinitingnan n'ya.

Nakatingin s'ya sa lamesa kung saan naka-p'westo ang noodles na kinakain ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang maramdaman ko ang tingin nito.

"Bakit 'yan lang kinakain mo?"kunot noong tanong nito. Napa 'duh' look ako dito.

"Hindi ako marunong mag luto remember?"sarcasm na saad ko dito. Inangusan lang ako nito, at walang sabi sabi na pumasok sa condo ko.

"Aba! Makapasok kala mo condo n'ya!"pero ang loko hindi ako pinansin.

"Lapit kanga dito,"utos nito. Dahil masunurin akong bata sinunod ko s'ya. Nagulat ako ng bigla akong nitong hawakan sa balikat at pinaupo.

"Upo kalang d'yan, panoorin mo akong mag luto,"napairap nalang ako, pero kalaunan ay napangiti narin.

Sino nga ba si Lance sa buhay ko? He's my cousin, Anak s'ya ng kapatid ni Mama. And we're very close, yung tipong para na kaming tuko na magkadikit.

Akala ko galit ito sa'kin at hindi ito pupunta sa condo ko. Minsan pumupunta s'ya dito para lang ipagluto ako. Alam n'ya kasi na hindi ako marunong mag luto edi s'ya na.

Napamasid lang ako sa kan'ya, seryoso lang itong nagluluto. Minsan pag magkasama kaming dalawa. Napapagkamalan kaming mag jowa.

"I'm done,"nabalik ako sa ulirat ng marinig ko s'yang nagsalita. Napapikit nalang ako ng maamoy ko ang niluto nito.

Hindi ko mapigilan na mag laway. Natawa nalang si Lance ng makita akong naglalaway. "You're drooling,"

Hindi ko ito pinansin dahil ang buong atens'yon ko ay nasa luto n'ya. "Ilagay mona sa table ko! Nagugutom na ako!"naiinip na saad ko.

Napailing iling nalang s'ya. "Ito napo, Señorita,"

Napalakpak ako na parang bata ng nilapag na nito ang niluto n'yang, tinolang manok. "Plate please,"utos ko kay Lance in a nice way. Hindi makapaniwalang napatingin sa'kin si Lance.

"Seriouly Maze? I'm not your maid,"saad nito pero napangiti nalang ako ng makita ko s'yang pumuntang kusina at kumuha ng dalawang plato.

Nakasimangot itong umupo sa tabi ko, natawa nalang ako sa itchura n'ya. "You'll pay for this,"tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Nakigamit ka ng kusina ko, bayad na ako oy!"he tsked. "Ako na nagluto, ako nadin kumuha ng plato kulang bayad mo,"

Hindi ko nalang s'ya pinansin dahil nagsimula na akong kumain, kamay nalang gamit ko kasi hindi ako sanay mag kutsara.

"So, sino pala 'yung lalaking in-imbestigahan mo na asawa mo na ngayon,"bigla akong nabilaukan dahil sa biglaan nitong pag tanong sa'kin.

Kumuha kaagad s'ya ng tubig at inabot sa'kin, kinuha ko 'yun sa kamay n'ya at sinamaan s'ya ng tingin.

The Mafia Boss WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon