New day, new Hope. Pumasok si Nayeon ngayon at pasimple lang akong tumitingin sa direksyon nya. Still the same, no emotions at all. Napalibot naman ang tingin ko sa mga kaklase ako. Half of our class are sleeping. Physics kasi. Naka halumbaba lang sya at natatakpan ng buhok nya yung part ng mata nya.
"matunaw." Nagulat naman ako dahil sa bulong ni Jaehyun. Nasa gitna kasi namin sya.
"Tinignan ko lang saglit." Depensa ko. Nang-asar naman ito ng pangiti at tumingin na ulit sa harap. 5 minutes na lang short break naaaaa!
"Alam nyo na gagawin mamaya ha."Sabi nung babaeng nasa harap ko dun sa katabi nya. Kung hindi ako nagkakamali, Sua pangalan nito and yung katabi nya is si Shantal. Napakunot naman ako kasi tumingin sila kay Nayeon tas tumawa.
"Ok class, Break muna tayo 15 minutes." Napatayo agad kami ni Jaehyun at lumapit sa amin si Taeil.
"Congrats boys, hindi tayo nakatulog." Sabi ni Taeil habang naglalakad kami palabas ng Classroom.
"Pang lullaby talaga si Sir." Buling ni Jaehyun at natawa naman kami. Kinapa ko bulsa ko sa pantalon at wala dun ang Wallet ko. Naiwan ko pa nga!
"Naiwan ko wallet ko! Susunod akooo!" sabi ko sabay tumakbo pabalik ng room. Tumanho na lang ang dalawa at dumiretso na sa cafeteria. Sana di ako maubusan ng Beef and Cheese empanada.
Papasok na sana ako ng classroom ng mapansin kong may kausap si Nayeon sa loob.
"You should go na. Baka naghihintay na sya sayo sa Pool side." Sabi ni Shantal kay Nayeon. Tumayo naman si Nayeon at palabas na sa kabilang door. Nagtago naman ako sa gilid at tinignan silang naglalakad papunta nga sa pool side. Kinutuban agad ako. Kinuha ko muna wallet ko saka ako tumakbo papunta sa Pool side para sundan sila Nayeon.
She's not close with Shantal. Ba't sya sumama? Sino imemeet nya sa pool side? Good mood siguro to kasi sumunod sya sa sinabi ni Shantal e. Pagkaliko ko ay agad akong nagtago sa gilid. Medyo malayo ako sa kanila pero medyo rinig ko pa naman sila.
"Oh? Asan na si Taeyong?" Tanong ni Nayeon. Ako? Bakit nya ako hinahanap sa Pook side? Ako ba yung dinasabi nilang nagpatawag?! Lalapitan ko na sana sila ng buglang itulak ni Shantal si Nayeon sa pool. Natigilan ako sa nakita ko.
"NAYEON!!" Sigaw ko. Napatingin naman sa akin sila Shantal at gulat na gulat nung makita ako. Nataranta naman ako ng hindi pa rin naangat sa tubig si Nayeon at parang nahihirapan sya lumangoy. Napatakbo ako at tinulak sila Shantal palayo sa akin saka tumalon sa pool. Agad kong hinila kamay ni Nayeon at iniangat sa tubig.
"Nayeon?!" Tawag ko dito. Panay ubo nito at ramdam kong nanginginig ang katawan nitong nakakapit sa balikad ko. Nagtakbuhan naman sila Shantal paalis ng Pool side. Agad ko namang inahon si Nayeon at inuupo sa gilid ng pool.
"Sorry." sabi ko dito. Na patingin naman sya sa akin at inayos ang basang buhok nya.
"No. Nauto ako kaya ganto." Sabi nito at hindi makatingin sa akin. Kinuha ko naman ang phone ko at nakitang basang-basa ito.
"phone mo?" tanong ko dito. Nilabas nya din ang phone nyang basang-basa. Nako. Di to pwede. Baka sipunin tong payatot na to. Napatakbo naman ako sa Locker room ng boys dito sa Pool. Lagi ko kasi iniiwan ang P.E ko at spare Uniform. Kumuha na din ako ng towel. Ipapasuot ko na lang sa kanya uniform ko.
"oh." inihagis ko sa kanya yung towel at saktong nag Landing sa ulo nya. Natawa na lang ako ng samaan ako ng tingin nito pero ginamit pa rin.
"Thanks." Sabi nito at agad na binalot sa kanya yung Towel. Inilapag ko naman sa gilid nya yung spare uniform ko na kinakunot ng noo nya.
"Ano yan?" Tanong nya sa akin.
"suotin mo muna. Kesa namang umattend ka ng class na basang-basa." Sabi ko.
"Ha?! Imagine mo kung ano itsura ko nyan!" Sabi nito sa akin. Lumebel naman ako sa mata nya at tinignan sya.
"Bakit? May spare uniform ka ba sa locker mo?" Tanong ko dito. Napalayo naman ito at iniba ang tingin.
"W-wala." Mahinang sagot nito ng hindi tumitingin sa akin. Natawa naman ako sa mukha nya dahil alam kong ayaw nyang suotin yun.
"Magpapalit na ako ng P.E Uniform ko. Magpalit ka na rin. Didiretso na rin ako kay nila Jaehyun. Dumiretso ka kay nila Rosé. Or kay Mina." Sabi ko dito.
"Bat hindi na lang yang P. E Uniform mo pinaheram mo sa akin?" Pahabol na tanong nito.
"Kupas to. Atsaka may apelyido ko sa likod. Gusto mo?" Mabilis naman itong umiling sa akin at sinenyasan na akong umalis. Agad naman akong pumunta sa CR. At nagpalit na ng damit. Mabilis lang ako at dumiretso na sa Locker ko para kumuha ng paperbag para sa basang damit. Pumunta muna ako ng room para itabi yung basa kong uniform bago dumiretso pababa. Naabutan ko naman sila Jaehyun na patapos na kumain st gulat na gulat sa suot ko.
"Ba't ka naka P.E?" Tanong ni Taeil.
"Nagswimming ako sa pool e. Ng naka uniform." sabi ko saka umupo na lang. Nagkatinginan naman si Jaehyun at Taeil at napailing.
"lakas talaga ng trip nito. Di ka na namin ma reach pre." Sabi ni Jaehyun. Napailing na lang ako at sinamaan ng tingin ang mga babaeng nasa kabing table lang. Sila Shantal.
Ano bang problema ng mga to?
BINABASA MO ANG
#𝟐 | ❝𝐕𝐎𝐋𝐔𝐍𝐓𝐄𝐄𝐑❞ ;ʟ. ᴛᴀᴇʏᴏɴɢ
Short Story❝ You need a girlfriend, right? I volunteer! ❞ × 𝒜 𝓈𝓉𝑜𝓇𝓎 𝓌𝒽𝑒𝓃 𝓈𝒽𝑒 𝒻𝒾𝓃𝒹𝓈 𝒶 𝓌𝒶𝓎 𝓉𝑜 𝓌𝒾𝓃 𝒯𝒶𝑒𝓎𝑜𝓃𝑔'𝓈 𝒽𝑒𝒶𝓇𝓉. × ℕℂ𝕀𝕋𝕐 𝕊𝔼ℝ𝕀𝔼𝕊 # 𝟚 | 𝐿. 𝒯𝒶𝑒𝓎o𝓃𝑔 𝐸𝓅𝒾𝓈𝓉❀𝓁𝒶𝓇𝓎 𝓌/ 𝒩𝒶𝓇𝓇𝒶𝓉𝒾🌸𝓃 【Completed】ʙʏ...