"Ako na." Inagaw ni Taeyong ang susi sa kamay ni Nayeon at mabilis na sumakay sa driver's seat. Napairap naman si Nayeon at sumakay na.
"Ayusin mo, kotse ko 'to." Pagbabala ni Nayeon habang hinihila ang seatbelt nya. Napatingin naman si Taeyong sa katabi nyang nahihirapang hilahin ang strap ng Seatbelt kaya lumaput sya ng konti at inabot ang seatbelt.
Sobrang lapit ng mukha ni Taeyong kay Nayeon kaya natulala at hindi makagalaw ito. Di din sya makatingin kay Taeyong at nakaramdam ng kaba. Naayos ni Taeyong ang seatbelt ni Nayeon kaya umupo na sya ng maayos.
"Kumain ka nga ng gulay. Lambutin." Pang-aasar ni Taeyong. Tinaasan naman ni Nayeon ng kilay ito at hinampas sa balikad.
"Kasalanan mo to ikaw huling umupo dito!"
"Wag mo isisi sa akin pagiging lambutin mo!" Natawa na lang si Taeyong at hindi na umimik si Nayeon. Kinuha na lang nya ang airpods nya at tahimik na nagpatugtog sa tabi.
"Ang traffic potek." Napatingin naman si Taeyong sa babaeng katabi nya na nanahimik na lang. Tulog na at nahihirapan kung saan ippwesto ang ulo.
"Hindi daw puyat." Bulong nito at natawa ng mahina. Dahil nakatigil naman sila sa traffic ay agad nyang inadjust ang upuan para makahiga ng maayos si Nayeon.
"Tch. Skirts." Tinanggal nya ang suot nyang jacket at pinatong to sa leg part ni Nayeon na nakasuot ng skirt. Dahan-dahan lang syang nag drive para di maalimpungatan si Nayeon.
"Buti na lang naka airpods to." Rinig sa kalsada ang ingay ng mga busina at mga vendor sa labas. Nag ring ang phone nya kaya agad nyang sinagot.
"Oy Jhonny."
"Ang traffic pre. Kamusta kayo dyan?"
"Ok lang. Tulog si Nayeon."
"Wow. Well, hahanap ako ng shortcut para di tayo sa main road."
"Sige sige. Susunod lang ako."
"sige ingat kayo dyan."
---
BINABASA MO ANG
#𝟐 | ❝𝐕𝐎𝐋𝐔𝐍𝐓𝐄𝐄𝐑❞ ;ʟ. ᴛᴀᴇʏᴏɴɢ
Short Story❝ You need a girlfriend, right? I volunteer! ❞ × 𝒜 𝓈𝓉𝑜𝓇𝓎 𝓌𝒽𝑒𝓃 𝓈𝒽𝑒 𝒻𝒾𝓃𝒹𝓈 𝒶 𝓌𝒶𝓎 𝓉𝑜 𝓌𝒾𝓃 𝒯𝒶𝑒𝓎𝑜𝓃𝑔'𝓈 𝒽𝑒𝒶𝓇𝓉. × ℕℂ𝕀𝕋𝕐 𝕊𝔼ℝ𝕀𝔼𝕊 # 𝟚 | 𝐿. 𝒯𝒶𝑒𝓎o𝓃𝑔 𝐸𝓅𝒾𝓈𝓉❀𝓁𝒶𝓇𝓎 𝓌/ 𝒩𝒶𝓇𝓇𝒶𝓉𝒾🌸𝓃 【Completed】ʙʏ...