48

210 13 1
                                    


So nakarating naman kami ng ligtas sa isla. Ginising ako agad ni Taeyong at agad akong dumiretso villa. May usapan na magtetent daw kaming lahat pero nag arkila sila ng isang room para sa mga gamit namin so agad akong dumiretso sa room na yun.


"Hey, Nayeon, mag-aayos lang kami sa baba para lulutuan." Paalam ni Mina sa akin. Tumango na lang ako at inayos ang sarili ko. Nagpalit na ako ng damit agad para makalabas na. Sinuot ko muna ang Onepiece bikini swimwear ko at maong shorts pero pinatungan ko ng white dress ko na boho look. Hindi ako fan ng mga bikinis and stuffs pero nagdala pa rin ako ng swimsuit if ever na pagalitan ako ng girls. Ayoko naman maging KJ so susunod na lang ako sa trip nila. 


"Ok na." Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Kinuha ko na ang phone ko at agad nang lumabas. Halos lahat kasi sila ay nakasuot na ng mga beach outfit nila nasa byahe pa lang so hindi na sila nagpalit. Ang boys naman, kahit anong suot basta nagtulakan na sa tubig, basa na. 


"Wow naman innocent look naman po pala." Sabi ni Lisa habang nakatingin sa akin nung nakababa na ako. Naka white croptop kasi sya at black dolphin shorts. Parehas sila ng set ng damit ni Ten. Not that Ten is wearing a croptop and dolphin shorts, naka white and black din kasi siya so couple goals sila.


"Cute nyo mag boyfriend." Sabi ko kay Lisa habang pinagmamasdan silang dalawa. Matagal na din tong dalawang to. Buti hindi nagagalit si Lisa kapag lumalandi sa lalake si Ten. Napailing na lang ako ng magharutan na ulit sila sa harap ko. Pumunta na lang ako sa seashore to take some pictures of this beautiful scenes. Breath-taking talaga grabe.


"Hoy." Napalingon naman ako ng marinig ko ang boses ni Taeyong. Napakunot naman ako ng noo dahil nandito na naman sya para asarin ako. Konti na lang iisipin ko na crush na ako ng taong to.


"What do you want?" I asked. He just shrugged his shoulders then lumapit sa akin. 


"Pwede bang di ka muna mag sungit sa akin? Kahit 3 days lang na nandito tayoo." Sabi nito. Napatingin naman ako sa kanya at hindi ko alam kung ano irereact. Should I?


"Di naman ako masungit ah." Mahinang sabi ko. Tinaasan naman nya ako ng kilay at inirapan. Pabebe talaga gosh.


"Oo na. Magpapakabait na." Sabi ko dito. 


"Ngingiti ka ba para sa akin?" Napatigil naman ako sa tinanong nya. Big deal ba pag ngiti ko sa kanya? 


"Ba't naman ako ngingiti?"


"Hindi ba nangangalay bibig mo sa kakasimangot?" Inirapan ko na lang sya kaya naman natawa sya ng mahina.


"Anong kapalit?" 


"Ano ba gusto mo?"


"Sige pero dapat bigyan mo ko ng 1 favor sa susunod." Napangiti naman ito sa akin at kinuha ang phone nya sa bulsa ng shorts nya. 


"Picturan kita dali!" Sabi nito. Napakunot naman noo ko.


"Ayoko, baka pangit ka mag take ng picture." Gusto ko matawa dahil tinaasan nya ako ng kilay at pumameywang pa. Pigil na pigil akong humagalpak dito dahil sa pang-aasar sa kanya. Sarap mong sapakin, Lee Taeyong.


"Hoy! Magaling to no! Photographer to ng buong tropa!" Sigaw pa nito.


"Talaga lang ha? Nahiya nga dati sila Jaehyun sa flash mo e." Sabi ko dito.


"Ay stalker!" Inirapan ko na lang sya at hinanda na lang ulit nya phone nya to take some pictures of me.


"Dali na!"


Ok, Lee Taeyong. Just 1 picture.


--  

#𝟐 | ❝𝐕𝐎𝐋𝐔𝐍𝐓𝐄𝐄𝐑❞ ;ʟ. ᴛᴀᴇʏᴏɴɢTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon