"Wow, ano yun?"
Napaface palm na lang ako dahil ineenterogate na kami ng lahat dahil sa sinabi ni Taeyong. Which is effective dahil sa sobrang gulat, naglakad na lang paalis si Jinyoung at sumunod si Sana sa kanya.
"Strategy yun para tumigil si Jinyoung!" Sabi ni Taeyong at napapakamot pa sa ulo nya.
"Pero wala ba talaga?" Sabi ni Taeil na may nakakalokang ngiti sa mga labi nya habang nakatingin sa aming dalawa. Nagkatinginan naman kami ni Taeyong at nakaramdam ako ng awkwardness kaya napalihis agad ako ng tingin.
"Wow may pagcheck pa sa isa't-isa!" Sigaw ni Jaehyun at hinampas si Taeyong. Napailing na lang ako at napairap.
"Wala naman kasi talaga, pwera na lang kung gusto ni Nayeon." Sabi ni Taeyong. Agad naman akong napalingon sa sinabi ng hayop na to. Isa pa to e, lulunurin ko to kasama si Jinyoung.
"Isa ka pa." Sabi ko dito at sinamaan ko sya ng tingin. Nginitian naman nya ako ng pang-asar at tumayo.
"Wala! Joke lang! Di ko pa to nililigawan!" Sigaw nito at tumakbo padagat kaya ako naiwan dito.
"So ano yun Nayeon?!" Sabi ni Lisa na ngiting-ngiti sa akin. Tumayo na rin ako at tinignan silang lahat.
"Walang meron sa amin!" Sabi ko dito at tumakbong sumunod kay Taeyong.
"Halika dito, lulunurin kitang hayop ka!"
BINABASA MO ANG
#𝟐 | ❝𝐕𝐎𝐋𝐔𝐍𝐓𝐄𝐄𝐑❞ ;ʟ. ᴛᴀᴇʏᴏɴɢ
Short Story❝ You need a girlfriend, right? I volunteer! ❞ × 𝒜 𝓈𝓉𝑜𝓇𝓎 𝓌𝒽𝑒𝓃 𝓈𝒽𝑒 𝒻𝒾𝓃𝒹𝓈 𝒶 𝓌𝒶𝓎 𝓉𝑜 𝓌𝒾𝓃 𝒯𝒶𝑒𝓎𝑜𝓃𝑔'𝓈 𝒽𝑒𝒶𝓇𝓉. × ℕℂ𝕀𝕋𝕐 𝕊𝔼ℝ𝕀𝔼𝕊 # 𝟚 | 𝐿. 𝒯𝒶𝑒𝓎o𝓃𝑔 𝐸𝓅𝒾𝓈𝓉❀𝓁𝒶𝓇𝓎 𝓌/ 𝒩𝒶𝓇𝓇𝒶𝓉𝒾🌸𝓃 【Completed】ʙʏ...