47

215 13 9
                                    

"Hey, Wake up." Rinig ko na tawag sa akin ni Taeyong sa gitna ng panaginip ko. Pagdilat ko ng mata ay agad na sumalubong sa akin ang mukha nyang sobrang lapit.

"Andito na tayo sa parking lot. Ssakay na tayo ng bangka." Pagkalayo nya ng mukha nya at si amaan ko agad sya ng tingin. Ano bang trip ng taong to? Di nya ba napapansin na naiilang ako sa ginagawa nya? Urgh!

Nag-inat muna ako and tinanggal ang seatbelt. Lumabas na ako ng kotse dahil nauna na sa akin si Taeyong. Kinukuha na nya kasi mga gamit namin sa compartment. Chineck ko muna sarili ko bago lumabas. Ok naman. Walang panis na laway kahit papaano.

"Where are they?" Tanong ko kay Taeyong na sinasara na ang Compartment.

"Nag aarkila na ng bangka. Sabi ko susunod na lang tayo kasi gigisingin pa kita." Napatango na lang ako at kinuha na ang maleta ko. OA na kung OA pero babae ako. Maliit na maleta lang to, atsaka di ako fan ng mabigat na backpack.

"Tara puntahan na natin sila." Sumunod lang ako sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid. Ang daming tao. Ang daming resorts na magkakatabi dito pero sa isla kami pupunta kaya magbabangka pa.

"Hey! Buti dumating na kayo! Nauna na sila Jhonny tayo ang second batch!" Sabi ni Taeil na nakasuot na ng life vest. Agad naman inabot ni kuya ang maleta ko at sinecure sa loob ng boat.

"O, suotin mo na." Inabutan naman ako ni Taeyong ng life vest. Di na ako nagsalita at tinaggap na lang. Agad ko tong sinuot at nagready na sa pagsakay ng bangka.

"Hawak." Inilahad nmn ni taeyong ang kamay nya sa akin para alalayan akong sumakay. Naptingin naman ako sa mga nakasakay na naming mga kaibigan na hinihintay akng sumaky dahil ako na lang natitira.

"tch." inabot ko na lang kesa naman mag-inarte pa.

"Akala ko mag-iinarte ka pa e." bulong sa akin ni Taeyong. Nasuntok ko naman sya sa balikad. Nakakapikon din tong taong to e. Konti na lang to sa akin.

"Ok na kuya!" Sigaw ni Lisa kaya pinaandar na ang bangka. Napakapit naman ako ng mahigpit sa kinauupuan ko dahil sa bilis ng bangka. Nasa dulo pa ako ng upuan so may tendecy na mahulog ako sa kina uupuan ko pag nanlambot ako bigla.

"Palit tayo." Bulong ni Taeyong sa akin. Napakunot ako ng noo pero nagulat ako ng tumayo sya at hinintay ako magadjust. Natakot naman ako na baka maout of balance tong si payat so agad akong nagadjust. Sya ngayon ang nasa dulo ng upuan.

"Kumapit ka." Mahinang paalala ko sa kanya. Di naman talaga ako masamang tao. Nag-aalala pa rin ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Napangiti naman si Taeyong sa sinabi ko at umiwas na ng tingin.

Inaantok na naman ako. Sinabi na kasing wag tapusin ang kdrama na yun e. Antok na antok na naman ako. Ang lamig pa naman ng hangin tas nakakaantok ang alon. Napahikab ako at napakamot na lang ng mata.

"Inaantok ka pa rin?" Tanong nito sa akin. Try ko kayang magpakabait dito ngayon? Parang never pa nito naranasan na mabait at good mood ako sa kanya e.

"medyo." Umayos sya ng upo at inextend nya ang hawak nya sa railings ng banka to the point na sakop na nya ang likod ko. Gets nyo? Yung tipong para na akong nakasandal sa kanya dahil sa posisyon nya.

"sandal. Matulog ka na muna. Isang oras pa byahe." sabi nito sa akin. Ayoko nang makipag-away dahil antok talaga ako so sinunod ko na lang sya. Sumandal ako sa balikad nya pero iniiwasan ko pa rin na bigatan ang ulo ko.

Thanks, payatot.

#𝟐 | ❝𝐕𝐎𝐋𝐔𝐍𝐓𝐄𝐄𝐑❞ ;ʟ. ᴛᴀᴇʏᴏɴɢTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon