Chapter 22

4 1 0
                                    

Chapter 22

Maaga ako nagising dahil syempre exited din ako. It's been 1 week or 2? I don't know pero nakakamiss pumasok kahit last semester na tas konting kembot nalang boom! Graduation na!

Bumangon na ako sa higaan ko tas niligpit toh syempre. Pumasok na ako sa  banyo at naligo na syempre.

Pagkatapos kong naligo nagbihis ako syempre tas bumaba ba , pero nagtaka ako kasi ang dilim pa. Shet! Anong oras na ba?

Tinignan ko yung orasan at boom!
6 am palang hayss. Ang aga nagising eh mamaya pang 8 am yung class namin. Napagdesisyonan ko na magluto nang breakfast para kung bumangon na si mama di na sya magluluto.

Nagluto ako ng bacon, eggs, and hotdog at fried rice. Habang nagluluto ako naalala ko si Klaus. Pag kasi dito sya natutulog kami minsan nagluluto nang breakfast.  Sya din kasi yung nagturo saakin magluto.

" Tabs anong ba lulutuin natin?" Tanong nya saakin

"Ewan, tingin ka sa ref." Tinigan nya ako "

"Naantok ka pa ba?" Tanong nya at hinawakan ulo ko

"Of course not!" Sagot ko at kumuha na sa ref.  Kumuha na ako ng pan at nilagay sa stove. Binuksan ko yung stove pero ayaw nabukasan argh! Nakatingin pa man si Klaus ngayon.

Narinig kong tumawa sya. Tinignan ko sya ng masama. Lumapit sya saakin" Sabi ko na nga ba di ka marunong magluto" sabi nya at binuksan yung gas then yung stove. Ahh ganun pala yun

Umupo na ako kasi di ko naman alam pano magluto talaga kaya pinanood ko nalang sya" Pano pag mag asawa na tayo? Ako magluluto?" Bulong nya pero di ko narinig.

"Ha? Ano?" Tanong ko sakanya

" Wala" sagot nya at pinagpatuloy yung ginagawa nya.

Di ko namalayan na nakangiti na pala ako dahil sa iniisip ko. I just really miss him so much kasi simula nung nagka- amnesia ako  sya lang yung lagi nandyan para saakin. He always supports me. He's my friend, brother, father, and of course love.

Sakto nung naluto ko yung breakfast, sakto rin pag gising ni mama.

"Good morning! Ang aga mo nak" bati saakin ni mama sabay halik sa pisnge ko

"Good morning din Ma, exited lang siguro ako kasi it’s been two weeks ako di pumasok so yeah " bati ko rin sabay halik sa pisnge nya." By the way nagluto na  pala ako breakfast" sabi ko sakanya at pinaghanda na sya ng pinggan.

"Kayo din nagluluto ni Klaus pag dito sya natutulog at sya rin nagturo sayo pano maglut--"  sabi nya pero napahinto sya dahil bigla akong tumikhim

"Opss" sabay tawa nya. Nanay ko ba talaga toh?

“Ay naku  Ma gutom ka lang, tara kain na tayo.” At nagsimula  na kaming kumain.

Simpleng breakfast lang yung nangyari and kwentuhan kami ni Mama tungkol sa childhood ko.

“ Nak naalala mo nung bata kayo sabay kayo naliligo ni Klaus? Tapos lagi kang nahihiya kasi crush  mo sya.” Kwento ni Mama habang tumatawa.

“ Di ko naman sya crush e, nahihiya kasi ako kasi lalaki sya hmp” pagtatanggol sa sarili ko kasi totoo naman na di ko crush si Klaus, mahal ko kasi sya. MAHAL

“ Nak alam ko parin na di mo pa talaga tanggap na wala na si Klaus, I mean umalis sya without explanation” sabi ni Mama

“ Oo naman na syempre di ko tanggap kasi walang exact reason. Maybe this is the right time para marealize ko na walang pernamenteng tao sa buhay mo. Di naman sa mawawala sila or whatever. Magkakaroon sila ng sarili nilang buhay ung tipong kailangan nila na umalis sa buhay mo to start there own life.”  Makahulungang sabi ko

“ Tama yan nak. parang  si Papa mo lang umalis sya iniwan tayo  dahil sa trahedyang nangyari sakanya mahirap tanggapin dahil sya ang buhay ko. Pero para makapagpatuloy sa buhay I need to be strong for you kasi nung nawala si Papa mo ikaw yung kinapitan ko kasi mahal kita, kasi anak kita at kailangan mo pa ako. Kaya nung naakisidente ka parang katapusan na ng mundo ko kasi naisip ko na saan na ako kukuha ng lakas? Ano na magiging dahilan ko para mabuhay.” Sabi ni Mama habang may tumutulong luha sa mga mata nya

Nilapitan ko sya at niyakap “ I know Ma. Di naman ako galit, never akong nag-tanim ng galit sayo kasi naiintindian ko. Meron sakit pero walang galit. Parte narin kasi si Dylan ng buhay ko kaya nasaktan ako” sabi ko kay Mama

Huminto na kami sa madamdaming scene namin at umupo na ulit ako.

“ Pwede naman maging kayo ulit  anak, di ako tutol sainyo. You both deserve to be happy nak.” sabi mi Mama dahilan kung bakit napatigil ako

“ Kung pwede lang Ma, pero hindi na.  Sakit lang nabigay ko kay Dylan nung panahon na minamahal nya ako. “

“ Pero di mo naman kasalanan nak, wala kang naalala nung mga panahon na yun”sabi ni Mama

“ Yun nga e Ma, di ko sya naalala pero diba,  Mind can forget but heart can’t. Kung totoong mahal ko sya naalala ko dapat sya pero hindi dahil siguro bata pa kami nun? Pero hindi. Di ko naman sinasabi na di ko sya totoong minahal. Minahal ko sya and he’s always be still my  first love, pero siguro di talaga kami yung nakatadhana para sa isa’t isa.” Sabi ko

“ Tadhana narin yung nagsabi na di kami yung para sa isa’t isa”

“ May point ka Nak, pero why don’t  give it a chance? Mahal na mahal ka nya nak” aniya 

“ Masyado na kaming nagkasakitan Ma. Ayoko nang saktan pa ulit si Dylan and we’re settle na friendship nalang  ” simpleng sagot ko

“ Yan nga ba o dahil may iba na”  sabay tingin saakin ni Mama sa mata  at umiwas agad ako tingin

“ Si Klaus na ba talaga nak?” tanong saakin ni Mama  di na ako nakasagot  dahil may biglang nagdoorbell

Akmang tatayo si Mama pero tumayo na ako “ Ako na ma”

Pumunta na ako sa may pinto at binuksan para malaman kung sino yun.

Pagbukas ko ay di na ako nagulat sa nakita ko. Si Dylan.

“ Good morning beautiful” bati nya saakin

“ Good morning too handsome, pasok ka” bati ko rin sakanya

Pumasok sya at lumapit kay Mama.

“ O hijo bat ka naparito?” tanong ni Mama kay Dylan

“ Susunduin lang po si Alliyah” sagot ni Dylan 

“ Good morning po pala Tita. You look wonderful” bati nya at nagmano kay Mama

“ Ay sus nambola pa. Good morning din hijo. Kain ka na muna  ” yaya ni Mama kay Dylan

“ Ay thank you nalang po Tita pero kumain na po ako sa bahay. Nagluto po kasi ni Mama e” sagot nya kay Mama

“ Ay ganun ba.  Kumusta na pala si Diana?”  tanong ni Mama sa Mama ni Dylan

“ Okay lang po, medyo busy sa online business” sagot ni Dylan kay Mama

“ Ay ganun ba, pakisabi sakanya na minsan labas kami ah” Sabi ni mama

“ Makakarating po Tita.” Sagot ni Dylan

“ Osige Ma, aalis nap o kami baka malate pa po kami.” Sabi ko kay Mama

“Ah sige nak . Ingat kayo ah! ” sabi ni Mama

“ Opo, Bye Ma” sabi ko at humalik sa pisnge nya at ganun din ang ginawa ni Dylan

Pinagbuksan nya ako ng pinto at pumasok narin sya sa loob ngkotse nya.

“ Handa ka na?” tanong nya saakin

“ Always ” sagot ko sakanya

“Good” sabi nya at pinaandar na ang sasakyan

Goodluck to myself! Fighting!

~~~~~~~~~~
Enjoy reading! Keep safe and lovelots!!!❤

Just Friends(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon