Chapter 18

13 1 0
                                    

Chapter 18

Alliyah's POV

Nagising ako at nagulat ako dahil may kasama ko sa loob ng kwarto, walang iba kundi si Dylan

Pinagmasdan ko ng kanyang maamong muka, di na ako nag taka kung bakit minahal ko sya dati. Naalala ko pa yung nga pangako na binitawan ko sakanya na di ko na natupad.

"Love tayo hanggang huli ah, kapit lang tayo walang bibitaw, kasi ako di ako bibitawan pangako."

"Love walang makakalimot ah, alalahin natin lagi kung pano tayo nagsimula"

Di ko maiwasang di maiyak, wala namang ginawa si Dylan na masama pero sinasaktan ko sya. Wala syang kasalanan sa lahat pero sya parin yung nasasaktan, wala syang ibang ginawa kundi mahalin lang ako pero ano binibigay kong kapalit sakit.

Di ko alam kung bakit saamin pa nangyari toh, ang sama ng larong binigay saamin ng tadhana to the point na di na namin kinaya. Pinagkaitan kami ng tadhana pero ano pa bang magagawa ko, huli na ang lahat, tapos na ang lahat, nangyari na ang mga dapat mangyari wala na kaming magagawa pa, di na namin mababago ang nakatandahana na.

Kung pwede lang na baguhin ang lahat, ginawa ko na sana kaso hindi eh,di pwedeng baguhin ang nakatakda.

Patuloy lang ako sa pag iyak habang iniisip ang mga nangyari saamin sa gantong edad masyadong masakit at mahirap ang mga gantong pagsubok.

Habang umiiyak ako di ko na namalayan na nagising na pala si Dylan at bigla akong niyakap.

Dylan's POV

Nagising ako dahil may maririnig akong mga hikbi, pamilyar saakin yun at alam ko kung kanino nangagaling yun, walang iba kundi kay Alliyah.

Simula kagabi pa sya iyak ng iyak. Ang sakit talaga pag nakikita ko syang nasasaktan at umiiyak. Parang doble yung sakit para saakin kaya tumayo ako at bigla syang niyakap na ikinagulat nya

"D-dylan..." sabi nya habang umiiyak parin

"Shhhhh..." pagtatahan ko sakanya

"Wag kana umiyak, wala naman rin magagawa yang luha mo eh. Simula kagabi iyak ka na ng iyak tama na please nasasaktan na ako sa ginagawa mo" sabi ko habang pinupunasan yung mga luha na dumadaloy sa kanyang mata

"Sorry talaga Dylan, kung di sana nangyari yung trahedyang yun di sana kita makakalimutan, edi sana di kita nasasaktan, sana tayo parin, san ikaw parin yung mahal ko" sabi nya habang umiiyak parin

"Wala na tayong magagawa Alli, nangyari na ang mga dapat mangyati kahit anong gawin nating pagmumukmok wala na, di na maibabalik ang dati. Kailangan nalang natin tangapin kahit masakit kasi wala na rin naman tayong magagawa at di rin naman natin kagustuhan ang nangyari." Sabi ko habang nakaiwas ang tingin dahil mat mga luha na nagbabadya na tumulo na saakin mga mata

"Per---" pinutol ko ang kanyang sasabihin

"Wala ng pero pero, tama na ang pag iyak Alliyah,masyado ka ng iyakin " hinampas nya ako dahil sa sinabi ko

"Aray haha" sabi ko para naman mapagaan yung tensyon saaming dalawa

"Pero sorry talaga Dylan ah, alam kong nasaktan kita ng sobra, sorry dahil di kita agad naalala." Sabi nya saakin habang nakayuko

"Alli gaya nga sabi ko di na maibabalik ang nakaraan na" sabi nya saakin habang hawak hawak ang muka ko at itinaas

"Per--" umiyak ulit ako dahil di ko talaga alam ang gagawin ko

Edi kung naalala ko lang sya agad, edi sana di ko minahal si Klaus, di ako napamahal sakanyan, edi sana si Dylan parin. Di ko pinagsisisihan na minahal ko si Klaus pero syempre masakit parin kahit anong gawin ko lalo na umalis sya at pinili sya si Porshia, tama naman sya, si Porshia naman talaga yung dapat nyang piliin dahil mahal nila ang isat isa.

Niyakap lang ako ni Dylan habang pinapatahan. Naramdaman ko yung pagmamahal saakin ni Dylan na di ko man lang nasuklian.

"Alli, mahal mo ba talaga si Klaus?" Sabi nya habang yakap yakap parin ako

Di ako sumagot dahil alam kong masasaktan ko sya sa isasagot ko.

"Okay lang Alli, tatanggapin ko yung magiging sagot mo" sabi saakin ni Dylan

"Oo Dy, mahal na mahal ko sya" sabi ko habang umiiyak

"Pero alam mo din naman diba na may Porshia na sya?" Sabi nya saakin gamit ang basag na boses, alam kong nasasaktan ko si Dylan.

"Oo alam ko pero mahal ko sya. Kaya ang ginagawa ko nalang ngayon ay tanggapin kahit masakit at mahirap dahil di naman ako pinilit ni Klaus na mahalin sya,  puso ko yung nagdesisyon an mahalin sya."

"Alli, alam mo rin naman na mahal na mahal kita diba?" Sabi saakin ni Dylan at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap saakin

"Alam mo ba na pag naiisip ko na iba yung kasama mo, iba yung nag-aalaga sayo, iba na yung mahal mo. Torture yun para saakin. Walang gabi na bago ako matulog na di kita inisip, na di ako nasasaktan. " Sabi nya saakin habang umiiyak.

Mas lalo akong naiyak at nasaktan dahil di ako aware na may nasasaktan ako na tao na mahal na mahal ako.

"Di na ba talaga pwedeng bumalik yung dati? Di na ba pwedeng maging akin ka muli? Di na ba pwedeng maging ako ulit? Di na ba pwedeng ako nalang ang mahalin mo ulit?" Sabi nya saakin habang umiiyak padin at nakatitig sa mata ko.

Nilapit ko ang kamay ko sakanya at pinunasan ang mga luhang nanggagaling sa mga mata nya

"Dylan, di ko sasabihin toh dahil may iba na pero sasabihin ko toh dahil di mo ako deserve, di ako deserve ng isang tao na masyado akong minahal kesa sa sarili nya, di ako deserve ng isang tao dahil madami akong flaws and issue. Yung deserve ng tao  yun a ay yung mamahalin sya mg buo, yung di sya kakalimutan yung mamahalin sya ng higit din sa sarili nya, at yung taong yun ay ikaw. Di mo ako deserve Dylan, you deserve better than me" Sabi ko sakanya habang pinupunasan parin ang mga luhang k sa mga mata nya

"Di ko deserve yang mga luha mo, di ko deserve yang pagmamahal mo dahil kinalimutan lang kita. Di ko yan deserve dahil deserve yan ng taong mamahalin mo at mamahalin ka ng buo." Sabi ko sakanya

"Bakit Alliyah? Bakit di nalang ikaw yung maging deserving na taong yun? Bakit di nalang ikaw yung mamalin ako ng buo? Dahil kay Klaus? Na walang ginawa sayo kundi saktan ka?! Bakit Alliyah? Bakit sya yung pinipili mo ganun man nandito ako? Bakit lagi nalang sya yang nasa puso mo?" Sabi nya saakin  at ramdam ko ang sakit sa bawat salita nya,lahat ng sinabi nya ay tumagos sa puso ko

"Pasensya na Dylan, alam kong walang magagawa yang sorry na yan. Di yan magiging gamot para mawala yang sakit na nararamdaman mo. Dahil kahit ilang milyong beses pa ako magsorry sayo walang magbabago dahil the damage has been done. " sabi ko sakanya at umalis na sya

Just Friends(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon