Chapter 23
Nakarating na kami sa school and pag baba naming andaming nakatingin saamin like duh. Ako lang toh, choossss. Kasama ko kasi si Dylan kaya andaming nakatingin tapos yung iba pa ang talim ng mga tingin like-I-want-to-kill-you look . Gusto nyong tanggalin ko mata nyo?
“Si Dylan yun diba?Sino yung kasama nya ?”
“Who’s that bitch?”
“Akin lang si Dylan!”
“ I want to kill that bitch!”
“Di naman maganda, di sila bagay”
Rinig kong bulong bulongan nila. Wow bumulong pa sila ah. Sinabi ko kay Dylan na pumunta na sya sa building nila pero hindi sya sumunod. Ihahatid daw nya ako huhuhu. Di na ako magtataka yung mamaya may magpasalvage nalang saakin.
Dumaan kami sa may stadium tas yun nakita ko si Zafira na nakatulala sa crush nyang bakllush hays. Kala naman nya magugustuhan sya eh parehas naman sila ng bet. In short may gusto nya na lalaki na lalaki din ang gusto.
“ Dy, dito mo nalang ako iwan andyan narin naman si Zafira e. Kaya ko na ” sabi ko kay Dylan kasi di ko narin kaya yung mga tingin nila
“ You sure? ” tanong nya saakin
“Of course”
“But----“
“No buts, sige na Dylan . Bye!!!” sabi ko at tinulak na sya at wala narin syang nagawa kasi tumakbo na ako palapit kay Zafira.
“ Hoy bakla!” tawag ko sakanya sabay batok sakanya
“Aray naman!!Sino ka bang istorbo ka?!” sigaw nya sabay tingin saakin at nagulat habang tinitignan ko sya ng masama
“A-alliyah?! Is that you?!” gulat na gulat nyang tanong. Gulat na gulat ghOrl?
“Yeah” sagot ko at umupo sa tabi nya
“ Short hair wow. Magmomove ka gurl?” tanong nya saakin
“ Siguro? Kung kaya ko pero kakayanin ko kasi para saakin rin naman to e.” sagot ko sakanya
“Matagal ko nang sinabi sayo yan diba? Ang mag-bestfriend ay mag-bestfriend lang—“
“Pero sabi nila friendship turn to relationship is the best” putol ko sakanya
“Oo, pero di sa sitwasyon nyo” dugtong nya
“Tyaka may mahal din naman syang iba kaya yun, and bata pa naman tayo baka makahanap pa ako”
“Bakit ka pa maghahanap e nandyan naman si Dylan? Matalino, gwapo , ma-effort, maalaga at higit sa lahat mahal ka” aniya
“ Kung kaya ko lang, kung pwede lang pero may iba pang babae na mas deserve sya kesa saaakin”
“ Sus palusot ka pa. Bat di mo nalang sabihin mahal mo kasi si Klaus “
“Ganto rin topic namin ni Mama kanina” sabi ko sakanya
“Gusto rin ni Mama na bigyan naming ng chance yung relationship naming ni Dylan pero yun nga, di na sya yung ,mahal ko.” Kwento ko sakanya
“ Tama naman kasi si Tita. Oo sa ngayon si Klaus mahal mo pero pagdating ng panahon makaalimutan mo rin sya. Makakamove on ka rin.” Sabi nya
“Pero nagkasundo narin kami ni Dylan na friendship nalang kami” gantong ko
“Sa tingin mo yun talaga gusto nya? Alliyah Desiree Ferrer simula pa nung bata palang tayo mahal kana nyan. Dahil mahal ka nya pumayag nalang sya sa desisyon mo. Dalawang taon ka hinintay ni Dylan, sa tingin mo ganun lang kadali yun? Na dalawang taon ka naghintay para sa pagkakaibigan lang?” seryosong sabi nya
BINABASA MO ANG
Just Friends(On-going)
Non-FictionSorry Alli, your like a sister to me and you know that I'm inlove with someone. Sorry but I can't accept your love .... -Klaus Montero