Chapter 5

15 1 0
                                    

Chapter 5

Pagkababa ko sa kwarto ko nakita ko si Mama na hinahanda na ang plato sa lamesa

"Ma" tawag ko sakanya

"Ohh anak buti nagising kana, pinapasok ko na si Klaus kanina nak kasi nag-aalala sya, kasi raw di ka nya nakasabay kanina" paliwanag ni mama

"Ahhh ganun ma may naghatid kasi saakin kanina eh" sabi ko kay mama

" Sino naman yun nak? May manliligaw ka ba ah?" Pang-asar ni Mama saakin

"Luh wala ah, si Dy---"

Di ko na natapos yung sasabihin ko dahil biglang may sumiko saakin at sino pa nga ba yon. Edi si KLAUS!!!!

"Ahhh! Arayy! Klaus" sabi ko habang hawak ko yung braso nya

Nagtatawanan lang sila ni Mama habang ako asar na asar na

"Yan yung ganti ko sayo Tabs para sa ginawa mo kanina" sabi nya habang tumatawa parin pero na kuha ko yung buhok nya at hinila ito para mabitawan na nya

"Blehhhh" yan nalang ang nasabi ko at pumunta na sa likod ni Mama

"Mga bata tama na yan, tara na kumain na tayo" sabi ni Mama at nagsi-upuan na kami

" Nak lead the prayer" utos saakin ni Mama

"Lord salamat mo pa lahat lahat. salamat mo dahil may nakakain kami.Thank you po dahil walang napahamak saamin at kami ay magkakasama ngayon sa hapag kainan. Sorry po sa mga nagagawa at magagawa namin kasalanan. In jesus everybody say AMEN"

"AMEN"

"AMEN"

"O tara na mga bata kain na tayo baka lumamig yung pagkain" sabi ni Mama

Nagsimula na kaming kumain at sinandukan ako ni Klaus. Di na kaya ako bata para gawin pa nya yan. Dapat daw madami kainin ko para mas lalo daw akong tumaba-,-. Pero seryoso di talaga ako mataba ewan ko nga rin bat Tabs tawag nya saakin eh. Iba din trip ng lalaking to.

Hanggang sa natapos na kaming kumain at sinabi ko kay mama na ako nalang maghuhugas ng pinagkainan at biglang sumabat si Klaus na kaming dalawa na daw bahala at magpahinga nalang si Mama

"Ohh sige mga anak kayo na ang bahala dyan a at aakyat na ako sa taas. Maaga kayong matulog at wag magpupuyat dahil may klase pa kayo" sabi ni Mama at nilapitan kami at hinalikan sa ulo

"Opo, sige po goodnight!" sabi namin ni Klaus

Habang naghuhugas kami bigla nya akong nilagyan ng bula sa pisnge

"Klaus wag ka nga" sabi ko tinignan ko sya ng masama habang tumatawa sya at nilagyan nanaman nya ako ng bula sa pisnge

"Di ka talaga titigil ah lolo!" sabi ko habang nakatingin parin masama at nilagyan narin nya ng bula sa ilong hahaha ang kyeott nyaaaa😍

Andaya nung ano nilagyan nya di naman nya sinabihan ng cute pero sya. Okay self wag tayo marupok. Fighting!

Hanggang sa nagantihan nalang kami habang tumatawa at bigla syang ngumiti at tumingin saakin

"Alliyah you look so beautiful when you're happy" sabi nya sabay kuha ng towel at  punas sa mga bula sa muka ko, syempre ako eto tulala kasi marupok huhuhu

"Ahh hahaha syempre alam ko yan lolo, at matagal na akong maganda duhh haha" sabi ko para mawala yung tibok tibok sa puso ko huhu

Tumayo ako at naghugas na ng kamay.

"Maghugas kana rin ng kamay mo dyan ahh, aakyat lang ako para magbihis" sabi ko at tumakbo paakyat sa kwarto ko

Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto ay hinawakan ko agad dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ay shet wala pa akong dibdibHAHA chos.

Huhuhu. Bakit ganto? Ang lakas ng tama nya saakin, pero kaibigan ko sya at alam kong kaibigan lang ang turing nya saakin. Every day mas lalo lang akong nahuhulog. Every day mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko.

Nung okay na ako ay pumunta ako sa closet ko para kumuha ng damit pumunta na sa banyo para magbihis.
Pagkalabas ko ay nasa loob na si Klaus kaya ayun nanaman si abnormal na heart nagbibilisan nanaman sa pag tibok

"Alli magpapalit lang ako ng damit" sabi nya at pumunta nasa banyo.

Di na ako magsalita hanggang sa nakapasok na sya sa banyo. Hayss mas maganda pang di ko nalang sa nakikita atleast di nagiging abnormal yung tibok ng puso ko.

Kainis ka Klaus!

Thank you for reading and countinue to support this story. Lovelots!!❤

Just Friends(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon