Chapter 17
Dylan's POV
Nakikinig ako sa usapan nila Alliyah at Zafira
Kahit alam ko na may iba na talagang nasa puso ni Alliyah, bakit ayaw ko paring sumuko?. Mahal na mahal ko sya kaya nasasaktan ako kasi sinasaktan nya. Tama yung sinabi ni Zafira may dahilan si Klaus kung bakit sya umalis ng walang paalam.
Alam naming lahat even Porshia na mahalaga si Alliyah kay Klaus. Dati pa ako may napapansin kay Klaus, the way he protect Alliyah daig nya pa ako na boyfriend ni Alliyah that time. The way he looks at Alliyah ibang iba sa pagtingin nya kay Porshia. Di naman ako manhid para di ko malaman na mahal ni Klaus si Alliyah pero nagtataka lang ako kung ano yung dahilan ni Klaus bakit nya sinaktan si Alliyah and bakit kasama nya parin hanggang ngayon si Porshia kahit na di naman nya talaga mahal yung tao.
Naputol yung pag iisip ko dahil lumabas na si Zafira sa kwarto ni Alliyah
"Hayaan mo munang magpahinga si Alliyah pagod na pagod na sya. Please let her rest for awhile." Sabi ni Zafira at umupo sa tabi.
Sinilip ko muna yung kwarto ni Alliyah at nakita ko na tulog na sya
Lumapit ako at umupo sa upuan sa tabi nya
Nakita ko agad na namumula yung mata nya, iyak siguro toh ng iyak.
Naawa ako sakanya kasi ganto na agad nararanasan nya
Naawa ako kasi iniwan nanaman sya
Naawa ako sakanya pero mas naawa ako sa sarili ko kasi minamahal ko parin sya kahit may mahal na syang iba.
Masyado na akong martyr sa ginagawa ko pero ayaw kong sumuko, mas lalong ayaw ko sumuko ngayon dahil wala na si Klaus.
Di ko alam kung mapapalitan ko sya sa puso ni Alliyah pero okay lang kahit hindi ang mahalaga lang ay sana makalimutan nya si Klaus or kahit yung pagmamahal nalang nya kay Klaus para di ko na sya nasasaktan dahil di ko rin kayang nakikita syang nasasaktan at umiiyak.
Pinagmamasdan ko lang ang kanyang maamong muka habang hinahaplos ang kanyang buhok
Napakaganda talaga nya, di lang sya maganda sa panlabas mas maganda rin sya panloob.
Kaya di na ako nagtataka kung bakit madaming nagkakagusto sakanya. Di narin ako nagtaka kung bakit ganto ko sya kamahal.
Grabe parang ang bakla naman ng mga sinasabi ko. Pero ansakit lang kasi eh lalo na naalala ko pa yung mga bagay na ginagawa namin dati na imposible ng mangyari ngayon.
"Mahal na mahal kita Dy, I will never forget you Dy. I want you to be my last Dy" Sabi mo you will never forget me pero nakalimutan mo parin ako.
Dy if someday magpapakasal tayo and we're having a baby, ilang baby ang gusto mo Dy?
"Uhmm I think 5 will do hmm"
"H-hala ang d-dami n-naman ng gusto mo Dy"
"HAHAHAH"
Natawa nalang ako sa naalala ko, grabe ganun pala kami kasaya dati. Di ko namalayang umiiyak na pala ako. Para talaga akong bakla sa ginagawa ko. Kung magkikita ako ni Alliyah ngayon grabe iisipin nya na ang iyakin pala ni Dylan
Miss na miss ko na yung Alliyah na mahal ko. Di naman sya nagbago, ganun parin naman yung ugali nya yung nararamdam lang nya yung nagbago.
Walang araw na di ko sinisi yung sarili ko kung bakit naging ganyan sya. Sana pala kumg ganun lang yung mangyayari sana sinundo ko nalang sya para naman di sya na aksidente. Bagay lang saakin toh kasalanan ko naman eh wala na akong magahawa dahil nangyari na pero mahal na mahal ko parin sya. Almost 2 years nang nangyari yun pero sya parin yung laman ng puso ko.
Ang hirap hirap nyang tignan sa malayo. Tuwing nakikita ko sya sa school gustong gusto ko syang lapitan at sabihin"love ako toh si Dylan, mahal na mahal kita"pero di ko masabi yan kasi di naman nya ako naalala
Tuwing nakikita ko sya na kasama si Klaus sa pagpasok at paglabas ng school gustong gusto kong lumapit sakanya like hey ako dapat kasama mo. Ako dapat yang naghahatid sundo sayo pero walang nangyayari dahil sa tuwing susubukan kong lumapit pinipigilan ako ng utak ko at naaalala ko yung mga bagay na nangyari sakanya.
I was so weak that time and even now I'm still weak. I can't even fight for her, I can't even let her know that I love her so much that it kills me when I remember that she loves someone who's better than me.
Kahit sabihin nyoan na ang bakla ko dahil umiiyak ako pero this is my way to release pain.
Di ko namalayan na nakatulog ako dahil sa sobrang pagod.
BINABASA MO ANG
Just Friends(On-going)
NonfiksiSorry Alli, your like a sister to me and you know that I'm inlove with someone. Sorry but I can't accept your love .... -Klaus Montero