Chapter 19
Pagkatapos ng nangyari nung nag usap kami ni Dylan bumalik na yung dati. Lagi lagi syang nasa hospital minsan dito narin sya natutulog. Nageexplain din sya sa inasal nya nung nag usap kami at sinabi ko naman na okay lang yun at naiintindihan ko sya
Lagi ko paring naiisip si Klaus kung bakit nya ako iniwan mag isa, pero okay lang yun at napagdisisyonan ko na rin na kalimutan yung nararamdaman ko sakanya. In short magmomove on na ako. Aayusin ko na muna yung sarili ko at uumpisahan ko ngayon.
Dalawang araw na hata ako dito sa hospital hanggang ngayon di parin ako pinapalabas dahil nga daw nagka amnesia ako. Inoobserbahan pa yung utak ko kung may problema pa or may mga alaala pa na nakalimutan ko, pero sabi naman ng doctor maaalala ko na lahat at bukas pwede na daw akong lumabas
"Alli kumain kana ba?" Tanong saakin mi Dylan habang kumukuha ng pagkain sa refrigerator
"Ahh oo kanina pa, kasabay ko pa si Zafira and Mama kanina" sagot ko sakanya
"Ah buti naman" sabi nya saakin
"Ikaw ba kumain kana?" Tanong ko sakanya
"Ah eh hehe" alam ko na ang ibig sabihin ng mga sagot nya
Tumayo ako at pumunta sa may refrigerator at kumuha ng pagkain at nilagay ko sa may microwave dahil malamig na ito.
Nakikita ko rin sa bawat kilos ko ay nakasunod din ang mga mata ni Dylan. Nakaka awkward na parang ewan hays.
"Eto na Dy kain kana" sabi ko at kukunin ko na sana yung mga pinggan pero kinuha nya yun at ngumiti lang saakin at napaiwas naman ako ng tingin.
Habang kumakain si Dylan napapansin ko rin na lagi syang tumitingin saakin
"Hoy Dylan kumain ka, di ka mabubusog kung titignan mo ako" masungit na sabi ko sakanya
"HAHAHA" tawa nya hays, kala nya nakakatawa yun nyenyenyenye
Nung natapos na syang kumain, liligpitin ko na sana yung pinagkainann nya pero na insists sya na sya nalang daw yung gagawa kasi nakakahiya na raw dahil ako na yung naghanda ng pagkain nya ako parin ba daw yung maglilinis ng pinagkainan nya blah blah blah
"So pano nyan?" tanong saakin ni Dylan
"Anong pano nyan? " pabalik na tanong ko sakanya
"Diba bukas madidischarge kana, so kelan ka nyan mapapasok sa school lalo na graduating student tayo and narinig ko rin madami kayo ngayong ginagawa" sabi nya saakin
"Hmmm, maghahabol nalang siguro ako gaya ng paghahabol ko sakanya" sagot ko at natahimik sya
"Charot lang HAHAH, di ako aso para maghabol at habulin sya" sagot ko ulit sakanya
"Nagdradrama ka nanaman tss" sabi nya saakin at tumawa nalang ako
Nadischarge na ako sa hospital and nag insists si Dylan na hahatid na nya kami ni Mama to make sure na makakauwi kami
About naman kay Dylan ayun ganun parin kami, pero mas okay na ngayon. Nag usap narin kami na we're settled on friendship nalang, I know ang unfair nun for Dylan but wala akong magagawa ang mas okay nang naging friend ko sya. I don't care kung ano sasabihin ng iba kasi for me, it's sign of maturity right? Bakit mo iiwasan or lalayuan yung taong naging parte ng buhay mo? Pero dipende din naman tan sa sitwasyon or sa tao.
"We're here" Sabi ni Dylan at naunang bumaba at pinagbuksan kami ng pinto. See? Ang gentlemen nya.
Kukunin ko na sana yung mga ginamit ko nung nasa hospital ako pero mas naunang kinuha ni Dylan and sabi nya sya na daw baka daw kasi mapagod ako.
"Wala naman akong sakit Dylan! Kaya ko na to since ang gaan naman nito" sabi ko sakanya at kinuha ulit yung bag sakanya
"No. Ako na mag dadala nito sa ataw at sa gusto mo." Mahinahong sabi nya at kinuha nanaman yung bag
"Nandyan kasi yung nga damit ko like undergarments kaya dadalhin ko na yan sa kwarto so akin na tss"" kinuha ko ulit sakanya at binigay naman nta ito at natawa ako kasi biglang namula yung muka ni Dylan like wtf HAHAHA
Pumasok na ako sa bahay at ganun parin bahay parin sya, kidding. Dumaretso ako sa kwarto ko ang pagpasok ko agad pumasok sa isipan ko yung mga memories namin ni Klaus sa kwarto na toh.
"Dito ako matutulog tabs! Wag kana makulit kung gusto mo ikaw matulog sa guestroom nyo"
"Wow, mister to remind you this is my room. Kapal talaga ng muka mo!"
Ganyan lagi yung ganap tuwing dito sya matutulog kasi nga lagi syang tumatabi saakin eh may guestroom naman. Minsan di ko rin alam kung may saltik ba si Klaus or what.
Mygad, naiiyak nanaman ako sa mga naalala ko.
"Hoy Ziven Klaus Montero bakit ginamit mo nanaman yung shampoo ko ah?! Bakla ka ba?! Bakit dito ka pa naligo?! Eh may banyo naman sa guestroom!!!"
"Nakakatamad and I'm not a gay okay? Ambaho nga ng shampoo mo. Bakit kaya pinapayagan ka ni tita na ganyan yung shampoo mo pero sabagay bagay naman sayo eh. Amoy aso HAHA"
"Piste ka talaga lolo!!!!"
Isa rin yan, di ko naman sya pinipilit na gamitin yung shampoo ko pero patuloy parin sya, and sabi nyo amoy ako raw?! Edi tuwing ginagamit sya nag aamoy aso din sya?! Tss
Naiiyak na talaga ako sa mga naalala ko kahit ganun ugali nun, mabait yun di lang halata.
Like pag may sakit ako; kunwari may lagnat ako mag aabsent pa yun para lang alagaan ako.
Kaya di na talaga ako mag tataka kung mahuhulog ako sakanya.
Umupo ako sa kama ko at may nakita akong papel na nakaipit sa favourite kong book. Kinuha ko ito at nakita ko na may naka sulat. Base palang sa hand written kilala ko na kung sino to.
Walang iba kundi kay Klaus...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
So baby kung masyadong matagal yung pag uupdate ko, madamu lang talagang ginagawa. Sabay sabay yung mga projects and report ko talaga fu ako makapag update😔So ingat kayo dyan mga bby! Always wear mask ang always vring alcohol para iwas COVID 19. Lovelots!😘
BINABASA MO ANG
Just Friends(On-going)
NonfiksiSorry Alli, your like a sister to me and you know that I'm inlove with someone. Sorry but I can't accept your love .... -Klaus Montero