"Library lang ako," paalam ko kay Czyrielle, one of my friends in our class. Tumango lang siya at ngumiti kaya umalis na ako.
I had another vacant on Thursday which I decided to spend in the library. Zane has been avoiding me since the beginning of the week which was good. Buti ay kinausap siya ni Kiel.
This month, August, is just another month of 1st semester. I'm not sure how stressful or how full-packed the schedule's gonna be, but I'm hoping hindi kami tambakan ng mga gawa. Adjusting to senior high, and especially in a strand where everyone expects you to be perfect and know everything, is a bit hard.
I haven't seen Kiel ever since. But I think that's God's way of just...not letting us meet, I guess. He's been taking up the thoughts in my mind and I hate it. Hindi ko gusto na palagi ko siyang iniisip dahil lamang sa naging mabait siya sa akin.
Being a decent human being isn't something to be applauded for.
Nang makarating ako sa library ay agad akong naghanap ng pwesto. Medyo marami rami rin ang nandito pero dahil malaki naman ito ay nagmumukhang kaunti lang. Umakyat ako at naghanap ng bakantang mesa.
I sat on a vacant table in the middle and started getting out my study materials when I spotted Kiel on the far end table alone, facing my side!
Agad na nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang ligpitin ang mga gamit para humanap ng ibang mesa. Shit, how would I know that I'd run into him here?! Hindi ko agad siya napansin noong umakyat ako gayong mas marami ang estudyante dito sa taas.
I muttered a curse under my breath when he looked up from his book and met my eye. I immediately shoved the remaining papers in my bag and started walking away. Hell, I don't even know why I'm avoiding him!
Nakahinga ako ng maluwag nang makita ang isa pang bakanteng mesa, just far enough not to see him while I study. I sat there, holding my chest to control my breathing.
I started studying when I calmed down a bit. May oras pa ako bago ang susunod kong klase kaya mag-aaral nalang rin ako.
"Mama mo!" Gulat na sigaw ko nang may tumapik sa balikat ko.
I was ready to scold whoever it is who did that, but my jaw dropped instead when I saw Kiel, his bag on his right shoulder.
"Ginagawa mo?" tumawa siya. Hindi kaagad ako nakapagsalita at nakatameme lang ako sa harap niya. He placed his bag on the chair diagonally opposite to mine and sat on the chair next to it, facing me.
"Wala, nakita lang kasi kita. Pwede maki-upo?" he asked.
"Naka-upo ka na, ah," puna ko.
I noticed how he brushed his hair up while casually looking at his notes. He looked attractive, I wouldn't deny that.
"Stop staring. Nakakadistract." Napakurap ako nang sabihin niya 'yon at nahiya. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at nagsimula magbasa ng notes ko.
"Thank you pala ulit nung Monday," I thanked him. I couldn't see him in school and wasn't able to thank him properly.
"Just tell me kung may ginawa ulit siya sa 'yo." Mahina pero seryosong sambit niya habang may sinusulat at hindi ako tinitingnan.
Mayamaya napansin kong nakatingin siya sa akin. Hawak niya ang ballpen niya sa kanang kamay niya habang pinapaikot ito sa mga daliri niya, ang kaliwa niya naman ay nakahawak lang sa baba niya at tinitingnan lang ako.
Tinaasan ko nalang siya ng kilay dahil nakaka-ilang ang mga tingin niya sa 'kin!
"Stop staring. Nakakadistract." I mocked. Ngumisi siya.
BINABASA MO ANG
As The Sun Sets (Mi Amore #1)
عاطفية[ COMPLETED ] 1st Installment of Mi Amore. For Kiarah Nicole, she never hopes for the sun to set. She dreads ending the day and coming home to a household she isn't happy with, to a family that ties and places shackles around her, unable to be set...