20

1.1K 34 24
                                    

Dead.

He's dead.

Para akong naestatwa sa kwarto at hindi malaman kung anong gagawin.

Did he kill himself? But he had no reason to do that!

Hindi ko na rin alam...hindi ko naman alam ang nangyayari sa buhay nila pero alam kong mabuti siyang tao. He loved all of us fairly and I genuinely liked him as a person. Matulungin siya sa lahat at tinulungan niya pa si Papa noon sa business nang may problemang hindi niya malaman kung paano solusyonan.

Miguel didn't tell me why he had to leave. Sinabi niya lang sa akin na kailangan niyang umalis, na iyon lang ang tanging paraan. Para saan? He was the last person I begged not to leave. Hindi ko nakita ang mga magulang niya. Did he had to leave because of his dad? Bakit hindi niya ito sinabi sa akin noon pa man?

So many questions kept filling my head that I didn't know what to do anymore. Hindi ako mapakali.

I tried searching for more articles and researched more about it, pero walang detalyadong article ang naroon. Kadalasan ay nakasaad lang na naabutan na itong patay sa kwarto niya at walang ibang sinabi kung bakit.

Kahit naman noong umalis sila ay wala sa balita ang nangyari kahit malaki at kilala ang Negosyo nila.

And why did Miguel return?

"Arah...tawag ka na sa baba. Samahan mo na raw sila doon..." rinig ko ang boses ni Manang sa labas ng kwarto.

"Sige po!" Malakas na sigaw ko at agad na nagbihis.

Patuloy sila sa pagkwentuhan nang makababa ako. I know they have a lot of catching up to do pero ni hindi man lang nabanggit ang tatay ni Miguel. Do my parents even know he's dead?

Paminsan-minsan ay sinasama nila ako sa usapan pero hilaw na ngiti lamang ang ibibigay ko sa kanila. I'm bothered by something. Para kasing may mali na hindi ko alam kung ano.

Miguel's mom and him kept laughing and telling us stories na hindi ko na maintindihan, and everything seems normal when you look at it, pero parang may iba. Hindi ko alam kung ano iyon. Maybe I'm just overthinking.

"Saan mo balak mag-college, Kiarah?" tanong ni Tita at bumaling sa akin. "Etong si Miguel, dito ko na ipapa-2nd year para magkasama na kayo. Perfect!" She clapped her hands.

Napalingon ako kay Miguel na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Hahanapan ko pa iyan ng magandang paaralan. I want what's best for my daughter," rinig kong saad ni papa.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba 'yon o hindi. Something doesn't feel right and it's bothering the heck out of me!

"What course will you be taking, hija?" she asked.

Napalingon naman ako kay Mama na katabi ko. Alam niyang hindi pa ako sigurado sa balak kong kunin. I have no definite plan yet.

Mom held my hand and smiled at Tita. "She's not really sure about it yet...mapag-iisipan niya nalang 'yan over the summer habang hindi pa nag enroll."

Tumango si Tita Rose. "Miguel's studying business! Syempre, kailangan may magmana ng kumpanya at nag-iisang anak lang kagaya ni Kiarah. She has to take business as well!"

Business, business, business. That's all they ever care about! Ni hindi nila iniisip kung anong nararamdaman namin! Ni hindi nila tinanong kung anong gusto naming gawin.

I knew I told Kiel I wanted to open a café someday but because of all this...I just want to prove to them that I can be successful even without them.

As The Sun Sets (Mi Amore #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon