TAEHYUNG'S POV
7 DAYS WITHOUT JUNGKOOK'S PRESENCE
Inaamin Kong namimiss ko din si Jungkook pero kailangan ko tong gawin para hindi masira ang relasyon namin ni Jimin
Nasasaktan na din kasi ako ngayon dahil sa pagiging cold ni Jimin at nawawalan na siya ng time sakin
Kaya tinawagan ko muna siya para kamustahin dahil Simula nung umalis na ko sa bahay nila ay isang araw palang kami ulit nagkikita
♥BABE♥
"Hello babe?" sagot niya.
"Hmm babe, kamusta kana?"
"Okay lang naman"
"Free kaba ngayon? Tara namang lumabas"
"Ahm babe busy ako ngayon e, pwedeng next time nalang?"
"Ah ganun ba, kailan kaba magkaka free time?"
"Hindi ko pa alam e pero promise kapag may free time na ko sayo ay babawi ako"
"Okay babe, pupunta nalang ako diyan sa inyo ngayon"
"Wag na! Ako nalang ang pupunta diyan bukas"
"Pero babe..."
"Huwag ka ng makulit babe please, sige na bye na may gagawin pa ko"
"Okay babe, I love you"
"I love you too"
At nanlulumong ibinaba ko ang linya at tsaka sunod sunod na pumatak na ang mga luha ko
PLEASE JIMIN SANA MALI TONG HINALA KO, PLEASE TAKOT AKONG MASAKTAN. HINDI KO KAKAYANIN
Bumaba na ko para kumain
"Oh anak, umiyak kaba?" tanong sakin ni mommy at hindi ko siya sinagot.
"Bakit ka umiyak?" tanong din ni daddy at pinigilan Kong tumulo ang mga luha ko tsaka sila tinitigan.
"K-kapag po ba nagiging cold na sa inyo ang isang tao at nawawalan na siya ng oras sayo ay may i-iba na siya?" tanong ko at nagkatinginan namin sila mommy at daddy.
Hinawakan naman ni mommy ang dalwa Kong kamay
"Bakit mo natanong? May nangyari ba sa inyo ni Jimin?" nag-aalalang tanong ni mommy.
"Wala naman pero ganun na kasi yung pagtrato niya sakin e" sagot ko at nangingilid na naman ang mga luha ko.
"Aish please don't cry" at niyakap ako ni mommy at sumunod si daddy.
"Baka naman busy lang ng sobra si Jimin dahil alam mo naman napakayaman ng pamilya nila Jimin at maraming ginagawa ang mga magulang niya at baka pinagawa na din yun Kay Jimin kaya nawawalan na siya ng time sayo" pagpapaliwanag ni mommy.
"Pero bakit ang cold niya? Hindi ako sanay" at tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Dahil sa sobrang pagod niya, diba ganun ka din kapag napapagod ka ay gusto mong magpahinga at mapag-isa kaya medyo ayaw mo muna ng kausap" si daddy.
Dahil sa sinabi nila mommy at daddy ay medyo gumaan ang pakiramdam ko kaya niyakap ko na din sila
"Anak, intindihin mo nalang muna ang bf mo, okay?"
"Okay"
"Sige na kumain na tayo at bawal magdrama sa harap ng pagkain"
"Hahahaha"
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
RandomPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?