CHAPTER 39

251 14 0
                                    

TAEHYUNG'S POV

Pagkapasok ko sa loob ng bahay nila Jungkook ay bumungad sakin sila Mom and Dad na kinakausap si Tita at Tito

"Mommy?" sambit ko at napatingin sakin si mommy na agad lumapit at niyakap ako ng napakahigpit.

"Sorry anak, sorry. Umuwi kana sa bahay please" pagmamakaawa ni mommy at rinig ko ang paghikbi niya kaya niyakap ko din siya ng mahigpit.

"Nag sorry na kami sa pamilya Jeon sa lahat ng mga ginawa namin sa kanila noon at ngayon" sambit ni Daddy at napangiti naman ako.

'Sa wakas ay natauhan na din kayo mommy at daddy'

Kumalas naman mula sa pagkakayakap si Mommy at hinawakan ako sa pisnge tsaka ngumiti

"Narealize namin anak lahat ng sinabi mo. At tama ka masyado na kaming nabulag sa kayamanan kaya kami nagkakaganito"

"Thank you mommy at naliwanagan na kayo"

Nginitian naman ako ni mommy at tumingin siya kay Jungkook sabay ngiti din kaya sumaya yung puso ko

Tiningnan ko si Jungkook na gulat lang nakatingin kay mommy

"Pumapayag na ko na mahalin mo ang anak ko ng Malaya" sambit ni mommy na ikinasaya namin ni Jungkook.

Agad niyakap ni Jungkook si mommy at niyakap din naman siya ni mommy

Nginitian ko naman si Daddy at niyakap din

"Sorry sa mga sinabi Kong masasakit na salita sayo at sa pamilya mo Jungkook" malungkot na sabi ni mommy.

"Ok lang po. Basta po wag niyo ng uulitin" sagot ni Jungkook.

Tumingin naman si mommy samin at ngumiti ulit

"Sorry sa mga nagawa namin noon ng asawa ko... Masyado kaming nabulag sa kayamanan at nilait ng ibang tao. Masyado kaming naging malupit sa anak namin at hindi siya hinayaang pumili ng mamahalin niya. Marami kaming pagkukulang ng asawa ko Kay Taehyung na natugunan naman ni Jungkook at ng pamilya niya kaya maraming salamat" mahabang sabi ni mommy at niyakap ko ulit siya.

"Thank you mommy"

"Thank you sayo dahil ginising mo kami sa katotohanan"

"Aaaaah!"

At dun na kami nagdinner sa bahay ng mga Jeon. Masaya kaming nagkwekwentuhang lahat at napakasarap nun sa pakiramdam

"Sobrang sarap sa pakiramdam na lahat nagkakasundo at walang hinanakit sa bawat isa. Sana'y una palang ay ganto na"

Pagkatapos naming kumain ay sumama na ko kela mommy at daddy pabalik sa bahay namin

"I miss this place" sigaw ko pagkapasok ko sa loob ng bahay namin.

"Namiss ka din ng bahay na to" singit ni mommy.

Natawa naman ako

Ayoko ng mga love story na sad ending. Ang gusto ko ay may happy ending katulad ng story namin ni Jungkook

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon