TAEHYUNG'S POV
Kasama ko ngayon si Jungkook sa paborito Kong lugar dito sa Korea ang Itaewon, Seoul South Korea.
"Favorite place mo to?" tanong ni Jungkook habang nagpapalingon lingon sa paligid.
"Oo"
"Hindi nakakapagtaka kasi sobrang ganda"
"Ah yes. Ikaw lang ang nakakaalam ng paborito Kong lugar dito sa Korea"
"So hindi mo pa nadadala dito si Jimin?" gulat na tanong niya.
"Hmmm" sagot ko. "Tara dun at bumili tayo ng mga pagkain" aya ko sa kanya at tsaka ko siya hinawakan sa kamay at hinila papunta dun sa tinutukoy ko.
"Libre ko na" sabi ni Jk.
"Sige ba, hindi na ko aangal hahahaha"
"Umangal ka dahil wala talaga Kong pera" natatawang sabi niya kaya natawa din ako.
"Lol, yung totoo wala ka talagang pera?"
"Meron ah hahahaha jinojoke lang kita"
"Psh"
Kumain na kami ni Jungkook ng mga street foods sa daan at napakasarap ng mga ito
JIMIN'S POV
"JIMIN NAMAN! Paano mo nagawang saktan yung taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?!!" sigaw sakin ni mommy at napatungo nalang ako sa niya.
"At sa malanding Elysa pa na yan mo siya ipinagpalit!" sigaw din sakin ni Daddy.
"Kaya nga po nagsisisi ako ng sobra e" sagot ko habang naiyak.
"Aba dapat lang dahil napakalaki ng pinakawalan mo!"
"Paano mo haharapin ngayon si Taehyung at ang pamilya niya para manumbalik ulit ang relasyon niyo ni Taehyung?" inis na tanong sakin ni mommy.
'Hindi ko din po alam at wala Kong alam, mahirap ibalik ang tiwala ng isang Kim Taehyung'
"Hindi ko din po alam" sagot ko.
"Ayusin mo yan Jimin ah! Si Taehyung lang ang gusto Kong maging asawa mo at wala ng iba, kaya suyuin mo siya! Understood?"
"O-opo"
"Sige na ayusin mo na ang sarili mo at puntahan mo si Taehyung sa bahay nila"
Agad Kong sinunod ang sinabi ni Daddy kaya agad na Kong naligo, nagbihis at pumunta sa bahay nila Taehyung
KIM'S HOUSE
Pagkadating ko sa bahay nila Taehyung ay agad naman akong pinagbuksan nung katulong nila ng gate at pinto at pagkapasok ko sa loob ng bahay nila ay bumungad si Tita at Tito na nanonood ng TV pero walang Taehyung na bumungad sakin
'Ano ng gagawin ko?'
"Ma'am and Sir, nandiyan po si Sir Jimin" sabi nung maid kela Tita at Tito kaya nakangiting tumingin sila sakin.
Hindi pa kasi nila alam na nasaktan ko ang anak nila
"Oh Jimin, why are you here?" sabi ni Tita tsaka kami nagbeso.
"Ahmm... Gusto ko lang po sanang kamustahin si Taehyung"
Taka namang tumingin sakin si Tita at Tito
"Huh? Umalis kasi siya e at may pupuntahan daw, bakit? Hindi niya ipinaalam sayo?"
"hindi po e"
'Dahil wala na siyang pake sakin'
"si taehyung talaga hmp. Sige na maupo ka muna dito sa sofa at intayin mo nalang dumating ang anak ko"
Umupo naman ako sa sofa at ilang oras din kaming nagkwentuhan nila Tito at Tita
Ilang oras ko na ding iniintay na umuwi dito si Taehyung sa bahay nila Pero walang Taehyung na dumadating
"Jimin iho" tawag sakin ni Tita.
"Po?"
"Ahm, lagi kasing pugto yung mata nung anak ko pero ayaw niya naman sabihin samin kung may problema siya o wala. Ikaw ba may alam kaba?"
'Marami po dahil ako yung nanakit sa kanya'
"Secret nalang po namin yun pero don't worry po. Aalagaan ko po ang anak niyo"
"Okayyy" parang hindi satisfied sa sagot ko si Tita.
Please Taehyung dumating kana, kailangan kitang kausapin
Dahil nanghihina na ko kapag hindi kita nakikita
ELYSA'S POV
Sobrang saya ko dahil nasira ko na ang relasyon ni V at Jimin at sa wakas ay magiging akin kana Jimin
"Haler girl, hindi kaba nakokonsensya sa ginawa mo at sa pagsira mo ng relasyon ng iba?" tanong sakin ni ate.
"Bakit naman ako makokonsensya? Eh ayun nga yung gusto ko" nakangiting sagot ko at inirapan naman ako ni Ate. "Natatawa ko dahil isang moves palang ang ginawa ko pero nasira agad ang relasyon nila HAHAHA...akala ko mahihirapan ako pero madali lang pala"
"Argh! Kawawa naman yung girl"
"Hahahaha wala na siyang magagawa dahil ako ang pinili ng Jimin niya"
"Ako ang kinakabahan sa ginagawa mo e"
"Tss"
"Eh bakit mo ba kasi sinira yung relasyon nila?"
"Dahil matagal ko ng gusto si Jimin at bata palang kami ay crush ko na siya. Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag nasa tamang edad na kami ni Jimin ay aamin na ko sa kanya"
"And?"
"Pero nung malaman Kong may gf na siya ay nagselos ako ng sobra kaya binalak ko ng sirain ang relasyon nila para mapasakin na si Jimin"
"Hayst, ikaw paba yan Elysa?"
"Oo, ang elysang palaban pagdating sa pagmamahal dahil hindi ako papayag na may umagaw sa taong mahal ko"
"Tss, so sa tingin mo ikaw na ang pipiliin ni Jimin matapos mong sirain ang relasyon nila ni Taehyung?"
Napangiti naman ako sa sinabi ni Ate
"Why not? Eh mas maganda pa ko sa Taehyung niya"
"Hahahaha let's see nalang"
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
AcakPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?