TAEKOOK: YES JUNGKOOK
Pumunta kami ni Taehyung sa mga bilihan ng accessories
Naghiwalay muna kami sa loob para mamili ng mga gusto naming bilhin
"Jungkook!" tawag sakin ni Taehyung pero hindi ko siya nililingon.
"Bakit?" sagot ko nalang pero hindi na niya ko sinagot.
Nang maya maya lang ay...
"Ohmygosh yung babae, inuntog dun sa bakal na hawakan"
"Hala kawawa naman! Tulungan niyo na dali!"
"Dali! Marami ng dugo ang nawawala sa kanya!"
Narinig ko ang mga sigawan ng tao sa loob ng mall kaya nilingon ko sila para tingnan ang nangyayari
At tiningnan ko ang nagkukumpulang tao sa labas ng tindahan ng accessories na ito
At kitang kita ko ang dugong kumakalat sa sahig mula sa taong hindi ko pa nakikita dahil sa umpukan ang mga tao dito
Sa sobrang takot ko ay agad Kong hinanap si Taehyung sa loob ng tindahan ng accessories
"Taehyung!" sigaw ko pero walang nasagot tsaka ko inikot muli ang tindahan pero hindi ko siya mahanap kaya lalo iyong nagpadagdag sa kaba ko!
"Taehyung?!! Nasan ka?" sumigaw na ko dahil hindi niya lang ako marinig dahil sa nagkukumpulang tao sa labas na ang iingay.
Nung hindi ko talaga mahanap si Taehyung ay lumapit nalang ako sa taong pinagkakaguluhan ng mga tao para alamin kung anong nangyari
At habang palapit ako ng palapit sa lugar na iyon ay bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina at mabilis na tibok ng puso
"Grabe naman yung ginawa dito sa babae"
"Sobrang may galit ata sa kanya yung gumawa nan"
"Napakaganda pa namang bata"
"Sana'y hindi dito matapos ang buhay niya"
Habang nadidinig ko ang mga bulungan ng mga tao ay mas lalo akong kinakabahan
Hinawi ko ang mga tao na nagkukumpulan at pinagbigyan naman nila ko
Habang unti unti Kong nakikita ang katawan ng taong yun ay unti unti ding bumabagsak ang mga luha ko at ang pangangatog ng dalwa Kong tuhod
'Hindi ikaw to Taehyung. Hindi ikaw to!'
At nung tuluyan ko ng makita ang taong yun ay parang binagsakan ako ng langit at lupa at binagsakan ng napakalaking bato
Halos napaluhod nalang ako nung makita ko ang babaeng yun
"T-taehyung" naiusal ko nalang at kumuyumos ang dalwa Kong kamao at tuluyan na Kong humagulgol sa pag-iyak.
"Hala siya ba yung bf nung babae?"
"Ayaw ko ng makita ang eksenang to. Nadudurog yung puso ko"
"Huhuhuhu"
Nabingi na ko
Parang kami lang ni Taehyung ang nasa loob ng mall na ito
Wala na Kong naririnig na bulungan ng mga tao, tanging ang malakas na paghagulgol ko nalang ang naririnig ko
Agad Kong nilapitan si Taehyung para yakapin
"T-taehyung gumising ka! Wag mo Kong iwan" sigaw ko at wala akong pake kung maging madungis ako sa paningin ng iba.
Sa sitwasyon paba na ito ay maiisip mo yun at lalo na't ang minamahal mo ang nakaratay ngayon sa sahig at duguan
"Tumawag na kayo ng ambulansya!!!" sigaw ko sa mga tao sa paligid namin at nagkilusan naman yung iba.
Lumingon ulit ako Kay Taehyung at nagulat ako nung makita siyang nakamulat ng unti.
"Taehyung! Wag mo Kong iiwan ah! Huhuhu... Pagbabayarin pa natin kung sino mang gumawa sayo nito" sambit ko at dahan dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at pinilit niyang ngumiti sakin.
"Yes Jungkook, Yes" utal utal na sabi niya at nagtaka naman ako.
"Yes lalaban ka?"
"Yes Jungkook, sinasagot na kita. Boyfriend na kita ngayon" pagkasambit ni TAEHYUNG nun ay nawalan na ulit siya ng Malay.
"Taehyung!!!" at humagulgol na naman ako sa pag-iyak. "I love you Taehyung, sorry dahil hindi kita naprotektahan kanina"
Masyadong napakabilis nung nangyari at tinawag niya pa ko kanina pero sa isang iglap ay may mangyayaring masama T_T
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
RandomPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?