TAEHYUNG'S POV
'Siya ba talaga yung lalaking minahal ko noon?'
Kung siya man yun, bakit siya pa yung taong nakalimutan ko?
Bawat pag kwekwento niya sakin kanina ay naaalala ko ang iba dun. Pero puro mapapait na nangyari sakin ang naaalala ko
I'll try to remember you, Jungkook.
Ang nasa harap ko naman ngayon ay si Jimin
"Hey, hindi naba nasakit ang ulo mo?" tanong niya at tumango nalang ako.
Base sa pagkwekwento sakin kanina ni Jungkook. Si Jimin ang ex boyfriend ko, tanda ko ang pangalan niya pero hindi ang nakaraan namin
"Pwede ba Kong mag advice sayo at kung may itatanong ka tungkol sa nakaraan niyo ni Jungkook ay ready akong magkwento" tanong sakin ni Jimin.
"Isa lang ang tanong ko"
"Ano?"
"Bakit kailangan Kong makalimutan yung taong mahal na mahal ko noon?" malungkot na tanong ko at kitang kita ko sa mukha ni Jimin na hindi niya din alam ang isasagot niya.
"Sige na, wala na Kong gustong malaman pa. Gusto Kong makaalala sa tulong ng sarili ko mismo" sabi ko.
"Are you sure?"
"Yes"
"Okay then matulog kana dahil dadating na ulit bukas sila Tita at Tito dito"
"Sige"
At ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog
JIMIN'S POV
"Oh anong pinag-usapan niyo?" bungad na tanong agad sakin ni Jungkook pagkalabas ko ng kwarto.
"Wala naman kaming napag-usapan ng marami. Basta tinanong niya ko kung bakit kailangan niyang makalimutan yung taong mahal na mahal niya, at ikaw yun Jungkook" mahabang sabi ko at napangiti naman si Jungkook.
"Sana'y bumalik na nga ang alaala ni Taehyung"
"Yep at kapag nangyari yun, please paki ingatan mo na siya at magmahalan na kayo at ako na ang bahala sa mga hahadlang sa relasyon niyo" Biro ko at natawa kami parehas.
"Wala kana bang feelings talaga Kay Taehyung?" tanong ni Jungkook kaya natigilan ako.
'Meron pa pero hindi ko na ilalabas'
"Ahmm... Wala na haha, naka move on na ko" pagsisinungaling ko.
"Ah ganun ba haha. Makakahanap ka din ng babaeng para sayo talaga"
"Hmm... Sana nga"
"Sige Jungkook, uuwi na ko ha. Umuwi kana din dahil tulog na naman si Taehyung"
"Bukas na ko uuwi pagdating ng mga Magulang ni Taehyung"
"Oh sige. Ingat ah"
"Ikaw din"
TAEHYUNG'S POV
~TAEHYUNG'S DREAM~
"Hello iha" nagulat ako sa biglaang pagtawag sakin ng matandang babae na nasa harapan ko ngayon.
Nandito kami ngayon sa lugar kung saan maliwanag lahat puro puti lang ang nakikita ko at kaming dalawa lang ang tao
"Sino ka po?" tanong ko sa kanya habang inaaninag ko ang mukha niya pero hindi ko makita.
"Ako ang babaeng magsasabi sayo na ipagtanggol mo ang taong mahal mo sa mga magulang mo"
"Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Ang mga magulang mo muli ang maglalayo sa inyo ng taong mahal mo"
"Sino po bang mahal ko ang tinutukoy niyo?"
"Siya ang lalaking nasa tabi mo ngayon habang natutulog ka"
Natigilan ako sa sinabi ng matandang babae
'Ha? Naguguluhan ako'
"Sasamantalahin ng mga magulang mo ang pagkakataong wala kang naaalala tungkol sa inyo ng taong mahal mo. At ilalayo ka nila sa taong yun para ipakasal na naman ulit sa ibang taong ayaw mo" paliwanag ulit nung babae.
"So ano pong gagawin ko?"
"Hindi mahalaga ang nakaraang memorya ang mahalaga ay yung kasalukuyang memorya. Mahalin mo muli ang taong mahal mo noon ngayon sa kasalukuyan"
"Eh sino po bang tinutukoy niyo?"
"Sa pamamagitan ng halik ay maaalala mo muli ang mga nakaraan niyo. Ang tinutukoy ko ay kung sino mang makita mo na nasa tabi mo ngayon habang natutulog ko ay ayun yung taong kailangan mong ipagtanggol sa mga magulang mo"
At agad naglaho ang matandang babae sa harapan ko
.............♥..............
"Huy gising!"
Nagising ako sa malakas na sigaw na yun ni Jin at sa pagyugyog niya sakin
Dahil sa panaginip ko ay tiningnan ko agad kung sinong nasa tabi ko na natutulog na tinutukoy nung matanda
"Ahm... Sinong kasama ko dito kanina?" tanong ko Kay Jin at kunwaring nag-isip pa siya.
"Ang naabutan ko ay si Jungkook. Yung mahal mong hindi mo matandaan"
Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Jin
"S-si Jungkook?" nasambit ko nalang.
Sino ba yung babae na yun sa panaginip ko? At bakit niya sinabi ang lahat ng yun para samin ni Jungkook
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
RandomPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?