CHAPTER 7

258 15 1
                                    

IT'S SATURDAY (REST DAY)

TAEHYUNG'S POV

"Goodmorning daddy and m-mommy" bati ko sa kanila pagkababa ko ng hagdan.

"Goodmorning too baby" sagot ni mommy habang busy sa pagluluto. "Goodmorning" si daddy na basa sa pagbabasa ng news paper.

Kumuha naman ako ng Cereal sa ref para makain dahil ayoko munang kumain ngayon ng kanin

"Nagtext sakin ang Tita park mo"

Napatingin naman ako Kay mommy pagkasabi niya nun

"Anong sabi?"

"Umalis daw kaninang umaga si Jimin ng walang paalam kaya tinext niya ko kung nandito daw ba si Jimin pero sabi ko wala"

Kinabahan bigla ako sa sinabi ni mommy

'Eh? Saan naman yun pupunta? Tss'

"Saan naman kaya yun pupunta tss" inis na sabi ko.

Kumain na ako at pagkatapos ay naligo tsaka triny tawagan si Jimin pero hindi niya sinasagot!

'Hayst sagutin mo please! Nag-aalala na ko!'

Pupuntahan ko na nga lang siya sa bahay nila at iintayin ko siya dun

Pagkarating ko sa bahay nila Jimin ay bumungad sakin si Tita na balisa

"Taehyung!" tawag niya sakin sabay yakap.

"Calm down tita" pagpapakalma ko habang hinahagod ang likod nito.

"Pano ko kakalma?" bumitaw ng pagkakayap sakin si tita.

"Baka naman po may pinuntahan lang si Jimin na napaka importanteng bagay kaya nagmadali siya at hindi na po nakapag paalam sa inyo" pagdadahilan ko para kumalma si Tita pero putrages kinakabahan na din ako.

"Sana nga" pag sang ayon ni Tita.

Mga ilang oras pa Kong nag-antay sa bahay nila Jimin

'Pagdating mo talaga Jimin, lagot ka sakin!'

JIMIN'S POV

Pagbaba ko ng kotse ko ay nakita ko ang kotse ni Taehyung!

'Ano kayang ginagawa niya dito? Aish lagot ako'

Pumunta lang naman ako sa sikretong lugar na ayaw Kong ipaalam sa kanila at sa inyong nagbabasa hmp!

Dahan dahan akong pumasok sa bahay at bumungad sakin si mommy na agad akong niyakap habang nahikbi

'Psh ang OA talaga kahit kelan ng mommy ko'

"Oh mommy don't cry na"

At PININGOT NIYA KO! PUTCHA MASAKET!!!

"ARAY KO POOOO!" angal ko.

"Makakatikim ka talaga sakin! Pinag-alala mo kami ng sobra tapos uuwi ka dito ng parang wala lang!" bulyaw niya sakin kaya natawa ko.

'I love you mommy'

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon