CHAPTER 29

206 11 1
                                    

JIMIN'S POV

Naipakulong na namin ni ate Alysa si Elysa

Masakit man para sa pamilya ni Elysa na makita siyang nakakulong ay okay lang sa kanila dahil may Mali din naman kasi talaga ang anak nila

At isa iyong 'napakalaking' Mali

At nalaman ko din na may sakit sa utak si Elysa kaya ganun siya kabaliw

Kaya inutos niya na iuntog si Taehyung sa bakal dahil gusto niyang mangyari din Kay Taehyung ang sakit niya

Mamaya ay bibisita na ulit ako Kay Taehyung dahil nabalitaan ko Kay Jin na gising na ito pero nalungkot ako nung sabihin ni Jin na hindi natatandaan ni Taehyung si Jungkook at alam Kong sobrang sakit nun para Kay jungkook kaya tutulungan ko si Taehyung na maalala si Jungkook

Oo may feelings pa din ako para Kay Taehyung pero mas deserve niya at mas bagay naman sila ni Jungkook e

"Oh anak. Ano nang balita Kay Taehyung?" tanong sakin ni mommy.

"Gising na daw po si V"

"Hayst... Mabuti naman kung ganun"

"Dadalaw po ako mamaya sa kanya"

"Ay sige ikamusta mo nalang kami sa kanya ah"

"Sige po"

"Sabihin mo na kaya kami ay hindi madalaw dahil alam mo naman palaging busy ang pamilya natin"

"Hmm... Okay lang po yun Kay Taehyung"

"Ah siya sige na aalis na ko ha"

"Ge po" at kiniss ako ni mommy sa noo.

Pagkaalis ni Mommy ay umalis na din ako para magtungo sa ospital

Pagdating ko dun ay nakita Kong naiyak sa labas ng kwarto ni Taehyung si Jungkook

'Mamaya kita dadamayan pre'

Nilampasan ko muna si Jungkook pero alam Kong nakita niya naman ako

Pagkapasok ko sa kwarto ni Taehyung ay masaya silang nagtatawanan at nung makita nila ko ay natigilan sila

Tiningnan ko si Taehyung na seryosong nakatingin sakin kaya lumapit na ko sa kanya

"Kayo'y nagsasaya habang si Jungkook ay nagluluksa" sabi ko at gulat silang napatingin sakin.

"Jimin? What are you saying?" tanong ni Mr. Kim pero hindi ko na siya sinagot at tiningnan ko nalang si Taehyung.

"Natatandaan mo ba ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo" sagot niya at bahagya pa Kong nagulat pero ngumiti din naman ako sa harap niya.

'Dapat ako nalang ang nakalimutan mo Taehyung at si Jungkook nalang ang naalala mo kasi puro magaganda ang alaala mo Kay Jungkook at sa akin ay puro hinanakit lang'

"Kilala mo ba si Jungkook?" tanong ko para makasigurado.

"Sino ba kasi yun?" tanong niya.

"Yung taong minahal mo noon at mas lalo mo pang minahal ngayon" sabi ko at natigilan siya.

"Jimin! Ano bang sinasabi mo!?" suway sakin ni Tita pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.

"Minahal? Minahal ko yung lalaking yun?" takang tanong ni Taehyung.

"Oo! Dapat ako nalang yung nakalimutan mo! At hindi yung lalaking minahal ka ng totoo" sigaw ko sabay labas ng kwarto ni Taehyung.

Hindi ko alam kung bakit ako yung nasasaktan para Kay Jungkook. Baka dahil relate ako sa kanya? Dahil nagka amnesia na din nun dati si Mommy at hindi niya kami natandaan ni Daddy kaya sobrang sakit

Pagkalabas ko ng kwarto ni Taehyung ay napatingin sakin si Jungkook na iyak pa din ng iyak

'Bro, hindi talaga ko magdadalwang isip na tulungan ka para bumalik kana sa memorya ni Taehyung'

"Pwede ba tayong mag-usap ulit?" tanong ko at tinanguan niya nalang ako kaya tumabi na ako sa kanya.

"Natatandaan ako ni Taehyung" malamig na sabi ko.

"Ah buti kapa" sagot niya.

"Bakit kung sino pa yung sobrang minahal niya ay ayun pa ang makakalimutan niya?"

"Hindi ko nga din alam e haha"

Nararamdaman ko sa bawat pag sagot sakin ni Jungkook ang hinanakit niya

"Tutulungan kitang maibalik ka sa memorya ni Taehyung"

"Bakit mo ba to ginagawa?"

Tiningnan ko saglit si Taehyung at iniiwas ko din sa kanya ang paningin ko

"Dahil gusto Kong maging masaya na kayo ni Taehyung dahil deserve mo yun" sagot ko at tumahimik si Jungkook.

"Basta tutulungan kita Kay Taehyung"

"Salamat"

"Mamaya ay aalis na sila Tita at Tito pati si Jin kaya makakapag-usap kayo ni Taehyung at sana sulitin mo na. Ipaalala mo na sa kanya lahat ng dapat niyang maalala, okay?" pagpapaliwanag ko.

"Salamat Jimin. Salamat"

"Your welcome"

"Ano? Napakulong niyo naba si Elysa?"

"Oo"

"Hayst... Mabuti naman"

Tumingin ako Kay Jungkook

"Hinihiling ko na sana ako nalang yung nakalimutan ni Taehyung at ikaw nalang yung naalala niya" pagbabalik ko sa usapan namin kanina at tumingin din siya sakin.

"Bakit?"

"Dahil mas maraming magagandang alaala ang naibigay mo sa kanya kesa sakin" at napayuko ako sa sarili Kong sinabi.

"Hayaan mo na. Wala na tayong magagawa"

"Kung may magagawa nga lang eh"

Ilang minuto pa kaming nag-usap ni Jungkook

At maya maya lang ay binilinan ako ni Tita at Tito na bantayan si Taehyung at pumayag naman agad ko

Pagkaalis nila Tita at Tito ay agad Kong pinapasok na sa kwarto ni Taehyung si Jungkook

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon