CHAPTER 15

229 14 1
                                    

VMIN: THE MOST HEARTBREAKING PART

TAEHYUNG'S POV

"Babe, wake up!"

Nagising ako sa pamilyar na boses na yun habang niyuyugyog ako para magising

Dahan dahan Kong minulat ang pugto Kong mga mata at tumingin sa lalaking nakangiti ngayon sa harap ko

"Sa likod ng napakaamo mong mukha, niloloko mo pala ko ng patalikod"

Dahan dahan akong bumangon at inalalayan niya ko

"Oh bakit pugto ang mata mo babe? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya at agad ko siyang niyakap.

Hinayaan niya Kong yakapin siya at hinaplos niya ang likod ko habang umiiyak

"Babe, don't cry. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang naiyak"

Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti ako ng pilit

"Ayaw mo Kong makita na umiiyak?" tanong ko.

"Oo naman"

"Pero b-bakit mo yun ginawa?" at tuluyan na ulit bumagsak ang mga luha ko at si Jimin ay taka namang nakatingin sakin.

"A-anong ginawa ko?" tanong niya.

"Yung ipagpalit ako Kay Elysa" at natigilan siya sa sinabi ko, namutawi sa pagitan namin ang katahimikan at nagpapakiramdaman kami.

Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko at bumuntong-hininga para makausap ko ng ayos si Jimin ng hindi ako umiiyak

"B-babe" naiusal niya nalang.

"Anong pagkukulang ko Jimin? Dapat sinabi mo nalang sakin na may kulang pa sakin para nagawa ko agad sayo, hindi yung hahanap ka ng iba para yung tao na yun ang tumugon sa pagkukulang ko!" may diin na sabi ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Jimin.

"B-babe, walang namamagitan samin ni Elysa"

Kusang sinampal ng kanang kamay ko ang malambot na pisngi ni Jimin

'Ang ayoko sa lahat ay yung sinungaling'

"Jimin naman, pumunta ko sa bahay niyo kagahapon at tinanong kita Kay Tita tas  ang sabi mo daw sa kanya ay aalis ka dahil may date 'tayo'!"

Dahang dahang humarap sakin si Jimin at nakinig lang sa mga susunod Kong sasabihin

"Kailan mo pa ko niloloko Jimin? Kailan pa!" hindi niya ko sinagot dahil nakayuko lang siya habang umiiyak. "Anong nakita mo Kay elysa? Meron ba siyang nagawa na hindi ko nagawa sayo? Ano yun?!!" at tuluyan na naman akong umiyak.

"Natukso lang ako, Taehyung"

"Walanjong tukso yan! Bakit ikaw pa ang napiling tuksuhin!"

"Taehyung" hinawakan niya ko sa kamay na agad Kong tinanggal. "Please maniwala ka sakin, ikaw ang mas mahal ko kesa Kay Elysa"

"Pero nagawa mo Kong saktan?! Hanep!"

"Sorry taehyung, sorry"

Dahan dahan Kong tinitigan si Jimin sa mga mata niya kahit hindi ko kaya

"Alam mo yung mas masakit Jimin?" hindi niya ko sinagot at tiningnan nalang ako sa mata.

"Yung mas pinili kita kesa sa taong mahal ko talaga"

Natigilan siya at agad niya Kong niyakap

"Sorry babe, sorry dahil nasaktan kita. Natukso lang talaga ako pero ready akong magbago at kalimutan si elysa para sayo"

Kinalas ko ang pagkakayakap sakin ni Jimin tsaka ako tumayo

"Kung magsasama pa tayo ay puno na ko ng pagdududa at hindi na buo ang tiwala ko sayo"

"What do you mean babe?" nanginginig na tanong niya.

Agad Kong kinuha ang cellphone ko sa may table

"Stop calling me babe! And let's stop this shits relationship!" sigaw ko at pinigilan niya Kong lumabas ng kwarto pero nakawala agad ko tsaka ko dali daling lumabas ng bahay namin.

Wala Kong pake kung makita man ako ng mga tao na hanggard at maamos ang itsura

Ang gusto ko lang ngayon ay ang mapag-isa at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko

At kailangan ko ng taong dadamay sakin ngayon at makakaintindi ng feelings ko

"I need you right now Jungkook"

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon