CHAPTER 37

212 15 0
                                    

JUNGKOOK'S POV

Matutulog na sana ko nung biglang may narinig akong katok mula sa pintuan

Kaya agad akong bumangon para buksan pero naunahan na ko ni mama at nagulat ako sa babaeng pumasok sa bahay namin na naiyak

"Taehyung?" sambit ko at tatakbo akong lumapit sa kanya at tsaka siya niyakap.

"Jungkook" sambit niya habang naiyak.

"Ikaw na ang bahala Kay Taehyung, Jungkook ha. At ako'y matutulog na" sabi ni mama.

"Sige po mama, thank you po"

At nung maka akyat na si mama papasok sa kwarto niya ay agad akong bumaling kay Taehyung na naiyak pa din

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Sinagot ko na kanina sila mommy and daddy at nilabas ko ang mga hinanakit ko sa kanila at ipinaglaban na din kita"

Agad ko namang niyakap si Taehyung ng mahigpit

'Sa wakas natuto ka ng ipagtanggol ang sarili mo'

"Bakit ka nandito? Pinayagan kaba nila?"

"Hindi pero tumakas ako"

"Aish, bukas na bukas din ibabalik kita sa inyo dahil baka magalit sila sayo"

Hinawakan agad ako ni Taehyung sa kamay

"Please Jungkook! Wag muna. Ayoko, dahil kapag binalik mo ko dun ay ilalayo nila ko sayo" pagmamakaawa ni Taehyung at pumayag nalang ako dahil gusto ko din naman siyang makasama.

"Sige na magpahinga kana sa kwarto ko dahil pugto na yang mga mata mo. Pati wag ka ng umiyak sa harap ko please"

"Sige"

At dinala ko na sa kwarto ko si Taehyung at inayos ang pagtutulugan niya

"Sige na matulog kana"

Agad naman siyang humiga pero nakatingin pa din siya sakin

"Goodnight" sabi ko at akmang aalis na pero pinigilan ako ni taehyung.

"Wait!"

"Hmmm?"

"Saan ka tutulog?"

"Sa sofa"

Tumayo naman si Taehyung

"No. Ako nalang dun dahil nakikisiksik lang naman ako dito kaya dito kana---"

"Sa tingin mo papayag ako na pabayaan kang matulog sa sofa?" Pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Aish."

"Don't worry sana'y naman akong matulog sa sofa" ngumiti ako Kay Taehyung at akmang aalis na ulit pero pinigilan na naman niya ko.

"Wait!"

"Ok nga lang ako e"

"Dito kana lang matulog sa tabi ko"

Nagulat ako sa sinabi niya

"Dali na" kunwari niya pang pinagpagan yung space sa kama ko

"Diba ayaw mo ng may katabing lalaki sa kama?" takang tanong ko.

"Eh ikaw naman yung makakatabi ko eh" sabi niya at tinitigan ako ng mapanukso.

'Mang aasar na naman siya'

"Oh di kaya may gagawin ka saking..."

"Wala Kong balak na gawan ka ng masama ha!" angal ko at natawa naman siya.

"Opss wala Kong sinasabi hahahaha"

"Hayst sige na tatabi na ko sayo!" nakangusong sabi ko at tumabi sa kanya tsaka nahiga.

Humiga na din naman siya at tumalikod sakin

'Tsaka na kita yayakapin tuwing matutulog kapag asawa na kita'

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nung maramdaman Kong paikot ikot si Taehyung sa kama

Kaya tiningnan ko siya at nakaharap na siya sakin

*LUNOK*

"WHAT ARE YOU LOOKING AT?" tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya.

"Nakalimutan kitang sabihan ng Goodnight and I love you" malambing na sabi niya at kinilig naman ako.

'Nyek nababakla na naman ako'

"Hahahaha sige goodnight and I love you too" tugon ko sa kanya at tsaka muling pumikit.

At ilang oras ang lumipas at nakatulog na din ako

MY EYES ARE ALWAYS ON YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon