TAEHYUNG'S POV
Patuloy lang akong naiyak dahil binabalak na naman akong ilayo ng mga magulang ko Kay Jungkook pero hindi ako papayag
'Totoo nga yung sinabi nung matandang babae sa panaginip ko na ilalayo ulit ako ng mga parents ko sa taong mahal ko'
"Huling pagkikita niyo na yun ni Jungkook ha!" sigaw ni mommy.
"No! Hindi ako papayag!" angal ko.
"Pumayag ka man o hindi! Huling pagkikita niyo na yun dahil ipapatapon na ulit kita sa Europe!"
"Sa tingin niyo papayag ako?"
"Bakit? Kakalabanin mo kaming mga magulang mo ng dahil lang sa lalaking yun??!"
Bumuntong-hininga ako ng malalim at tumingin ng masama Kay Mommy
"Hindi niyo na makokontrol ang bawat galaw ko dahil ready na Kong ipagtanggol ang sarili ko"
"Hindi ko kayo kayang kalabanin dahil mga magulang ko pa din kayo... Pero kaya Kong ipagtanggol ang taong mahal ko sa inyo"
"Hindi mo lahat alam ang sakripisyo na ginagawa namin sayo Taehyung! Para lang mapaganda ang buhay mo!" Singit ni daddy at napangisi naman ako.
"Hindi niyo din alam ang ginagawa Kong pagsasakripisyo masunod lang ang mga gusto niyo Simula palang nung bata pa ko!" natigilan naman si dad at mom at tuluyan na naman akong umiyak. "Buong buhay ko kontrol niyo ang bawat galaw at desisyon ko! Wala Kong kalayaang magmahal at mamili ng taong mamahalin! Dahil kayo ang namimili... Kung kani-kanino niyo ko ipinapadate basta sa mayaman dahil ayaw niyong maghirap ang pamilyang to! At ayaw niyong masira ang reputasyon ng pamilyang to! Anong klaseng mga magulang kayo?!!" sigaw ko at nasampal ako ng dalwang beses ni mommy at pinigilan naman agad siya ni daddy.
"Wag mong kukuwestyunin ang pagiging magulang namin, Taehyung! Dahil wala kang alam!" sigaw ni mommy na naiyak na din.
"Oo! Wala talaga Kong alam! Dahil never niyo namang ipinaalam sakin kung ano ba ko sa pamilyang to! Ginagamit niyo lang ata ako para lalong yumaman ang pamilyang to!" sigaw ko na naman at tuluyan na Kong humagulgol sa harapan nila.
"Never Kong naramdaman ang pagmamahal niyo! Dahil puro yaman niyo ang mahalaga sa inyo! Never Kong naramdaman na maging malaya at never niyo din akong sinuportahan sa bawat pangarap ko dahil ang mahalaga sa inyo ay ang yaman niyo! Yaman na binago ang mga ugali niyo!"
"T-taehyung..." nasambit nalang ni Mommy.
"Alam niyo kung Kay nino ko nahanap yung pagmamahal na hindi niyo naibibigay?" tanong ko at umiyak na si daddy at mommy.
"Kay Jungkook ko nahanap!" sigaw ko at tsaka umiyak ulit pero tumingin ako sa kawalan.
"Taehyung..." Hinawakan ako ni mommy sa kamay at umiyak. "Magbabago kami para sayo ng daddy mo. Basta lumayo ka lang Kay Jungkook" pakiusap ni mommy at napasinghal nalang ako.
Tsaka ko hinaplos si mommy sa likod at tinitigan sa mata
"Masaya ko na gusto niyo ng magbago para sakin pero... Hindi ko kayang lumayo Kay Jungkook dahil siya na ang buhay ko kaya kapag nawala ulit siya sa piling ko ay wala ng silbi ang buhay ko"
At humagulgol na sa pag iyak si mommy at niyakap naman siya ni daddy
"Mas masakit para sa isang anak ang maramdaman na hindi siya mahal ng mga magulang niya. Dapat sa inyo ko unang nararamdaman yung pagmamahal eh pero bakit sa iba ko nadama? Sobrang sakit lang dahil kahit sinaktan ni Jimin yung damdamin ko noon ay ako pa din ang Mali sa mga mata niyo at siya ang kinampihan niyo" huling sambit ko at tsaka umakyat ng dahan dahan sa hagdan at umiyak.
"Ang hirap palang kimkimin ang hinanakit mo sa isang tao lalo na at sa mga magulang mo."
Dahan dahan akong lumingon kela mommy at daddy na nakatingin din naman sakin
"Hayaan niyo muna kong maging Malaya sa labas ng bahay na to" huling sambit ko.
"Anak! Wag kang aalis!" sigaw ni mommy pero nagpatuloy pa din ako sa paglakad papunta sa kwarto ko para ayusin ang mga damit ko.
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
RandomPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?