VMIN: 3RD ANNIVERSARY
TAEHYUNG'S POV
Maagang umalis sila Mommy at Daddy ng bahay at agad din naman akong sinundo ni Jimin papunta sa kanila
Naiinis pa din ako kasi Monday na at hindi niya pa din ako binabati e Anniversary namin ngayon!
"Excited kana ba babe dahil magkakasama tayo ng magdamag sa loob ng dalwang araw?" Tanong niya habang nakangiti.
"Oo" malamig na sabi ko.
"Okay bilisan na natin para maiayos na natin ang mga mangilan ngilan mong damit sa kwarto ko"
O_O
"W-what?! Magkatabi tayo sa kama mo na matutulog?" gulat na tanong ko at natawa naman siya.
"H-hindi hahaha, dun ka sa kwarto ko matutulog at dun ako sa sofa namin"
'Woooooooh! Akala ko e'
"Ako nalang dun sa sofa niyo at ikaw sa kwarto mo"
"Sa tingin mo naman papayag ako?"
"Hindi pero okay lang naman sakin e"
"Hindi! Kung nag-aalala ka na baka lamukin ako sa sofa edi tatabi nalang ako Kay mommy sa kwarto niya"
"Okay" sumang-ayon nalang ako dahil hahaba pa ang usapan.
Pagdating namin sa bahay nila Jimin ay sinalubong agad kami ni Tita na nagbeso agad sakin
"I am glad to know na dito ka muna titira samin ng dalwang araw, Taehyung" nakangiting sabi ni Tita at natuwa naman ako.
"Thank you po sa magandang pagtanggap" sabi ko.
"Your welcome" at bumaling naman siya Kay Jimin. " may nag-aantay sayo sa loob"
Takang Nagkatinginan naman kami ni Jimin
"Sino po?" tanong ni jimin.
"Basta pumasok kana dahil kanina pa yun naghihintay"
Pumunta na kami sa loob nila Jimin at nadatnan namin ang babaeng mahaba ang buhok, maputi at katamtaman lang ang laki
"Elysa?" tanong ni Jimin at lumingon naman yung babae.
Wow ang ganda niya!
"Jimin" tumakbo siya patungo Kay Jimin at niyakap?
'Aba, walang paalam bago yakapin ang boyfriend ko'
"Ow haha elysa, nice to see you again" hindi makapaniwalang sabi ni Jimin.
"Ah oo nga e, ngayon lang ulit ako nakabalik ng Korea galing sa America"
"Bakit mo naisipang bumisita dito?"
"Namiss kaya kita, be?" natawa naman yung elysa.
'Ang call sign nila ay be? Wow'
"ah tanda mo pa pala yung cs natin haha"
Takang tumingin naman sakin yung elysa at tinaasan ko lang siya ng kilay
"Sino siya?"
'Girlfriend nung niyayakap mo'
Bigla namang ngumiti si Jimin at inakbayan ako
"Ah elysa, si Taehyung nga pala Girlfriend ko at Taehyung si Elysa best friend ko" pagpapakilala samin ni Jimin sa isa't isa at inalok ko yung kanang kamay ko para makipag kamay Kay elysa pero Tiningnan niya lang ito at tsaka hinila si Jimin papunta sa sofa.
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
AcakPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?