TAEHYUNG'S POVHindi ko na matiis na hindi puntahan si Jimin sa bahay nila kaya kahit magalit pa siya sakin ay pupuntahan ko siya dahil marami ng bumabagabag sa isip ko at hindi ko na kaya
Pagdating ko sa bahay nila Jimin ay bumuntong-hininga muna ko bago pumasok
"Tao po!" tawag ko at agad namang lumabas si Tita.
"Oh Taehyung" nagbeso kami sa isa't isa.
"Si Jimin po?" agad na tanong ko at nagtaka naman si Tita.
"Ha? Akala ko magkasama kayo?"
"Hindi po ah" Takang sagot ko.
"Kasi may pinapagawa ko Kay Jimin na mga papeles na kailangan niyang permahan pero ang sabi niya kailangan niyang umalis dahil may date daw kayo" pagpapaliwanag ni Tita at kumirot ng sobra ang puso ko sa narinig ko.
'Kailan kapa nagsinungaling Jimin?'
"Ah ganun po ba" nangilid na ang luha sa mga mata ko at pilit pa rin na ngumiti. "Sige po hahanapin ko nalang po si Jimin"
Akmang aalis na sana ko pero hinawakan ako ni Tita sa kamay at hinarap ko naman ulit siya
"Ahmm... Taehyung, ako mismo ang magagalit sa anak ko kapag nalaman Kong sinasaktan ka niya"
"Tita" tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko at dali dali kong niyakap si Tita ng napakahigpit.
"Gustong gusto kita para sa anak ko at hindi ko hahayaang pakawalan ka niya" bulong ni Tita at mas lalo ko siyang niyakap.
"Salamat po Tita" at kumawala na ko mula sa pagkakayakap. "Aalis na po ko at hahanapin si Jimin"
"SIGE IHA, MAG INGAT KA"
Nginitian ko nalang si Tita at tsaka ko sumakay ng kotse ko at pinaandar ito ng sobrang bilis pero hindi ko na alam ang daang tinatahak ko
JIMIN!!! KAILAN MO PA KO NILOLOKO??? KAPAG NALAMAN KO LANG TALAGA NA MAY IBA KA AY WALA NG USAP USAP AT PAPALAYAIN NA KITA
Hindi ko na alam ang daan na tinatahak ko hanggang sa napahinto ako sa isang bar at pumasok ako don para mag-inom at para matanggal ang sakit na nararamdaman ko
Pero dapat pala hindi na ko pumasok sa bar na yun dahil nakita ko ng malapitan ang panloloko samin ni Jimin
Nakaakbay siya ngayon Kay Elysa habang nakahawak ang kanang kamay ni Jimin sa kaliwang kamay ni Elysa at nagtatawanan sila habang nag umiinom with his other friends
F*CK SOBRANG SAKIT!!! GUSTO KONG MAGWALA PERO HINDI KO KAYA! WALA KONG LAKAS PARA SUGUDIN SILA.
Jimin bakit naman umabot tayo sa ganito?!! Bakit? Bakit!?!
Pinaniwala ko ang sarili ko na busy kalang sa trabaho, nagbulag bulagan ako sa mga nakikita Kong hindi kaaya aya sa paningin ko tuwing magkasama kayo ni Elysa
LAHAT INISIP KO NA WAG LANG KITANG HAYAAN MAWALA SAKIN!!! PERO YUNG MAKITA KO NA TALAGA NG MALAPITAN ANG PANLOLOKO NIYO AY TAMA NA! HINDI KO NA KAYA PA!
BINABASA MO ANG
MY EYES ARE ALWAYS ON YOU
RandomPinaghiwalay ng tadhana ang dalwang taong nagmamahalan dahil lang sa magkaiba sila ng estado sa buhay Pero muli ba silang pagtatagpuin ng tadhana para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan?